Uy s-sorry! S-si Jahz 'to ah.

"Uy Lyn ikaw pala. Sorry.", Hindi. Ako yung nakabangga sayo eh.

"W-wag kang magsorry wala ka namang kasalanan eh. Ako nga dapat yung magsorry kasi ako yung nakabangga sayo.", Nginitian namin yung isa't isa. May kasama pala siya. S-si Izza.

"Hi Lyn. Narinig namin yung boses mo ha. Grabe ang ganda!", Napangiti ulit ako dahil sa sinabi ni Izza.

"Uy hindi naman pero salamat ha.", Nginitian din niya ako.

"Libre mo ako ha.", Sabi ni Izza. H-huh?

"Psst... tumigil ka nga jan, Izza. Ah... Eh... sige Lyn mauna na kami.", Sabi ni Jahz.

"Hmm. Sige kita na lang tayo sa classroom mamaya.", Parati naman tayong nagkikita doon eh.

"Sige. Bye!", Pagkatapos sabay na silang naglakad ni Izza palayo sa akin.

Jahz' POV.

Tahimik kaming naglalakad ni Izza pabalik sa classroom. Nabasag yung katahimikan naming dalawa nung magsalita si Izza.

"Gusto kong mapakinggan si Lyn kumanta ng Live.", Napatingin ako sa kanya.

"Kaya nga. Parati lang naman siya kumakanta sa studio. Hindi sa harap ng mga tao pero kahit ganun madami paring humahanga sa ganda ng boses niya.", Gaya ko. Napapahanga ako sa boses niya. Ang ganda kasi eh.

Dumating na kami ni Izza sa classroom. Pagdating namin doon sabay kaming napahinto sa paglalakad nung may marinig kaming kumakanta sa loob ng classroom. Boses ni Lyn un ah. Dahan-dahan kaming pumasok sa loob. Walang katao-tao sa loob. Sabagay lunch break ngayon.

Si Lyn lang yung tao sa loob. Kumakanta siya. Hindi naman siya inisturbo ni Izza. Tahimik lang naming pinapakinggan siya habang kumakanta. Waahh... ang ganda talaga ng boses niya. Nakakapagpagaan talaga ng kalooban. Nabigla ako nung natumba si Izza sa harap ko. My goodness!

Pagtumba niya biglang tumigil sa pagkanta si Lyn at napatingin sa aming dalawa.

"Izza. Ok ka lang ba?", Nilapitan ko si Izza.

"Aray ko! Grabe naout-of-balance ako. Masyado akong nadala sa ganda ng boses ni Lyn eh.", Tinulungan kong tumayo si Izza.

"K-kanina pa ba kayo dito?", Tanong ni Lyn sa aming dalawa ni Izza.

Dahan-dahan kaming lumingon kay Lyn. Patay anong sasabihin ko sa kanya?

"Hmm. Lyn hindi namin gustong isturbohin ka. S-sorry.", Nakatingin lng siya sa akin.

"Baka magalit 'to, Jahz...", Pabulong na sinabi sa akin ni Izza.

Nabigla ako nung nagmamadali siyang lumabas sa classroom. Hala ano bang nagawa namin? Ayaw nga niya palang may makarinig sa kanyang kumanta ng Live.

"Lagot tayong dalawa Jahz...". Pabulong ulit na sinabi ni Izza sa akin.

"Psst! Tumigil ka na nga jan. Lumabas na siya, wag mo na akong bulungan.", Nilapit niya yung bibig niya sa kaliwang tenga ko.

"Sowwy nah...", Hay naku~

Lyn's POV.

Grabe n-nahihiya ako. N-narinig nila akong kumanta. Hindi dapat ako kumanta doon eh. Ano ba yan. N-nahihiya na tuloy ako. Nandito ako sa restroom ng mga babae. Tinititigan ko yung sarili ko sa salamin. My goodness, nahihiya na talaga ako.

Ayaw na ayaw kong may ibang taong makakarinig sa akin na kumanta ng LIVE. Yung harapan talaga. Ayaw ko nang ganun. Feeling ko napakapangit ng boses ko pag nangyayari yun kaya nahihiya ako. Hay~ makalabas na nga dito.

Paglabas ko sa restroom nagulat ako nung sinalubong agad ako ni Mr. Norman. A-anong kailangan niya sa akin?

"Lyn. Go to the counseling room.", Huh? S-sa counseling room? O-ok.

Counseling Room.

Sinunod ko yung sabi ni Mr. Norman sa akin. Pumunta agad ako sa counseling room. Kumatok muna ako bago pumasok sa loob. Dahan-dahan akong naglakad papasok sa loob. Napahinto ako nung makita ko na nandon na si Mr. Norman.

"S-Sir. M-may kailangan po ba kayo sa akin?", Dahan-dahan siyang humarap sa akin.

"You may take your seat.", O-ok. Umupo ako sa upuan na nakaharap sa kanya.

Ano kaya yung gagawin ko dito? Kinakabahan na tuloy ako.

"Nabalitaan kong... magaling kang kumanta. Pwede ka bang kumanta... sa harap ko ngayon?", Nanlaki yung mga mata ko nang dahil sa sinabi ni Mr. Norman.

Eto yung kinakatakutan ko.

Biglang nawala yung kaba ko nung may inabot na isang malamig na tubig si Mr. Norman sa akin.

"Bago ka kumanta. Uminom ka muna ng tubig.", M-malamig yan eh.

"H-hindi po ako umiinom ng malalamig na tubig.", Nginitian lang niya ako.

"Please... drink it.", Ano ba yan. May iba pa ba akong magagawa?

Dahan-dahan kong kinuha yung malamig na tubig na pinapainom sa akin ni Mr. Norman. Pagkakuha ko agad ko namang ininom yun. Argh! Grabe nanlamig yung lalamunan ko. Pagkatapos kong inumin yun tumingin na ako kay Mr. Norman.

Nakita ko na nakangiti siya. Ganito ba siya parating ngumingiti?

"Ok. Sing.", Woo... kaya mo 'to, Lyn.

Pagbuka ko ng bibig ko nabigla ako nung may lumabas na napakagandang tinig. Hala s-sa akin ba galing yun? Pagkatapos pinapatuloy ko na ang pagkanta. Grabe b-boses ko ba talaga 'to? N-nasobrahan naman ata sa ganda.

B-bakit nagkaganito yung boses ko? Nakakapagtaka naman. Alam ko kapag kumakanta ako sa harap ng isang tao. Pumapangit yung boses ko eh tsaka nanlalambot ako. Pero ngayon... grabe hindi ko na maipaliwanag ang nangyayari sa boses ko.

Jahz' POV.

Seryoso akong naglalakad pabalik sa classroom. Inutusan lang naman ako ng P.E teacher namin. Pero tapos ko nang gawin yung inuutos niya kaya babalik na ako sa classroom. Sakto naman na napadaan ako sa counseling room. Bigla akong napahinto sa paglalakad nung tumapat ako sa pintuan ng counseling room.

T-teka nga lang, b-boses ba ni Lyn yung naririnig ako sa loob ng counseling room? Dahan-dahan kong dinikit yung kanang tenga ko sa pintuan ng counseling room. Tama ako. Boses nga ni Lyn yung naririnig ko sa loob. B-bakit naman siya kumakanta sa loob?

{Si Lyn na ba ang susunod na biktima ni Mr. Norman? ABANGAN.}

-End of Chapter 16-

Class 2 - 3 | Tagalog StoryWhere stories live. Discover now