ONCE A COLD HEARTED (EPILOGUE)

284 10 0
                                    


ONCE A COLD HEARTED

written by Ylekilnu Nosrep


EPILOGUE


Humiwalay kami nang may marinig kami ng  pagtikhim.
Nanlaki yung mata ko ng makita si Skyler na nasa harapan namin.. Hindi naman dark yung aura nya. Sakto lang pero ngayon ko lang syang makita ng seryoso. Na feeling ko lalong nagpagwapo sa kanya.
Tumayo si Dylan at tinapik sa braso si Skyler. Teka? Magkakilala sila?
"Sabi mo usap lang. Ba't may kasamang yakapan?" Serosong sabi ni Skyler kay Dylan.
"Bro,-"
"Wag mo kong ma-bro-bro."
Di ko alam kung matatawa ba ko.
"Salamat dahil sayo ay nagkaayos kami ni Micae."
"Nagkaayos? Anong ibig mong sabihin.?"
"Kami na." Napatingin ako kay Dylan at tiningna nya ko ng makahulugan. Parang sinasabi nyang 'makisakay ka na lang ' Hindi ako makapagisip ng tama lalo na nung lumipat lipat yung tingin nya samin sabay sabing, "Ah ganun ba? Congrats kung ganon. Maging masaya sana kayong dalawa."
Tumalikod sya at si Dylan naman ay napatawa ng malakas. Napalingon si Skyler.
"Anong nakakatawa?" Binigyan sya ni Skyler ng matapang na tingin.
"Nagjo-joke lang ako, bro-"
"Sabi kong wag mo kong ma-bro-bro- wait! Anong joke?"
"Slow. Payo lang bro, wag kang seloso masyado." Pagkatapos sabihin nun ni Dylan ay tumayo sya sa bench  at iniwan nya na kaming dalawa sa park.
Ako unang nagsalita ng walang nagsasalita samin.
"Magkakilala kayo" sya naman ang pumalit sa pwesto kanina ni Dylan. Nag dekwatro sya at lumapat yung kamay nya sa sandalan ng bech, bali parang nakaakbay sya sakin oero hindi.
Bumuntong hininga sya. "Hindi.. Nung pumunta ko sa inyo nung isang araw ay nakasalubong ko sya at nakausap. Tinanong nya ko kung boyfriend mo ba ko. Ang sabi ko..."
"Ano?"
"Hindi pero malapit na.." Ewan at napangiti ako sa sinabi nya.. "Tas yun humingi sya ng favor na kung pwede makausap ka nya. Gusto nya humingi ng sorry. Hanggang sa pumayag ako at ganto yung naging set up. Alam nya kasing di ka papayag na makipag usap sa kanya." Patuloy nya sa paliwanag..
Tumahimik ng ilang minuto. Wala akong masabi. Ano nga ba ang dapat kong sabihin?
"Micae?"
Napalingon ako sa kanya. "Hmm?"
"Wala." Pero alam kong may gusto smyang sabihin.
"Ano yun?"
"Wala. Wag mo nang isipin." Umiwas sya ng tingin
"Okay. Skyler..?"
Napalingon sya sakin, "Oh?"
"Wala."
"Ano yun, Micae?"
"Wala. Wag mo nang isipin na gust kong sabihin na gusto kita."
Pagkasabi ko nun ay nanlaki yung mata nya sa gulat.
"Pakiulit nga ng.. Nang sinabe mo.."
"Wala! Bungol!" Napahalukipkip ako at nagheadset. Kaasar!
Tinanggal nya yung headset ko.
"I love you, Micae.."
Feeling ko nag-init yung pisngi ko sa narinig.
"Micae.." Rinig kong tawag nya.
"I love you, i love you, i love you-"
"I love you too!"
Napatahimik sya at sabay sabing "Yess!Tayo na rinsa wakas!"
"Hephephep!," awat ko sa kanya. "Anong tayo na? Manligaw ka muna, 'no?!"
Npatahimik sya pero sa huli ay tumango sya.
"Okay, kung yan ang gusto mo. Basta iloveyouuu so much! Period. No Erase."
Binigyan ko sya ng isang mabilis na halik sa labi.. Ang totoo nyan, wala naman akong balak na patagalin yung pagsagot sa kanya..
-THE END-
***
SALAMAT SA PAGBABASA!
LESSON? MAGASAWA NA NG MAAGA! HAHA JOKE LANG! ITO SERYOSO, MAY TAMANG TAO NA DARATING SATIN NA MAGMAMAHAL NG TOTOO, HINDI TAYO IIWAN, AT MANANAITILI SA TABI NATIN.
SIGURO NGA WALANG POREBER, MAY EVERYDAY NAMAN! HAHA  YAN LANG MASYADON NANG MADRAMA!

-UP ;)


ONCE A COLD HEARTEDWhere stories live. Discover now