ONCE A COLD HEARTED (IKA-LIMA)

182 8 0
                                    


ONCE A COLD HEARTED

written by Ylekilnu Nosrep


IKA-LIMA


"Good evening ma'am, sir!"
 Bati ko sa mga pumapasok na customer.
 Pamilyar yung mga mukha ng iba dahil sila yung mga kabarkada at kalaro ni Skyler sa DOTA. Ilang araw na nga pala ang nagdaan ng mangyari yung pagpunta nya sa bahay. At nung, nung hinalikan nya ko. At ilang araw na rin syang hindi bumibisita sa shop. Hindi ko sya namimiss. Nasanay lang ako na lagi syang umoorder ng milktea.
 "Miss.."
 Napatingin ako sa customer na may edad na.
 "Sir.. Ano pong order nila?" Magalang kong tanong.
 "Di ka ba nakikinig miss? Sabi ko isang Mochaccino! Langya, anong klaseng crew 'to?"
 Medyo natulala pa ko nung una sa pagsermon sakin ni sir. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako napagalitan ng customer.
 "S-sir, pasensya na po-" Humina yung boses ko sa huli nang makita ko si Skyler na nasa bandang hulihan ng nagalit na customer. Bigla akong nahiya at parang may kakaiba akong naramdaman nang makita sya. Pero di ko alam kung ano. 'Di mo alam o ayaw mo lang aminin na namiss mo sya?' Saad ng kabilang utak ko.
 Tinanggal ko muna sa isipan yun at pumokus ako sa customer. Mabuti na lang talaga at madalas wala yung bisor namin at yung mga ka-workmates ko naman ay di sumbongera't sumbengero.
 Nang maibigay ko na yung cup ng lalakeng highblood sa katrabaho para itimpla ay yung iba naman ang inasikaso ko. Nung sya na ang umorder parang ang akward. Syempre sinampal ko lang naman sya nung nakaraan. Na-guilty din naman ako kahit papa'no.
 "RSC Choco Mousse at ahm, isang-"
 "Skyler!" Napatingin ako sa babaeng nasa entrance ng shop. Teka? I remember her. Sya yung..
 "Ate." Ate? Napatingin ako sa babae at nakangiting nakatingin sya sakin.
 "Choco Oats na lang daw kay Mama."
 "Sige."
 Pagkatapos nyang mag-order at makuha ang order ay umalis sya ng shop.

-END OF CHAPTER 5-

ONCE A COLD HEARTEDUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum