ONCE A COLD HEARTED (IKALAWA)

323 7 0
                                    


ONCE A COLD HEARTED

written by Ylekilnu Nosrep


IKALAWA

Tumingin ako sa orasan at nakita kong 6:01 pm na.
"6pm dapat kaso may dumating na 'customer'." Nakangiti kong sagot ngunit may diin sa huling salita ko.
Tumingin sya sa orasan. At sakto na dumating na si ate Juvs. Yung kapalitan ko.
"Bunso, ako na dyan. Sorry late."
"Sus, okay lang at di ka naman late ng sobra te juvs e. Ako na magte-take order dito kay Sir."
"Tss. Sir? Sabi ko Skyler na lang e."
"Sir."
"Skyler na lang nga."
"E sa gusto ko Sir, e"
"Sige, aabutin ka dito ng 10 pm."
"Ano ba order mo Skyler?" Bilisan mo at makauwi na ko! Gusto ko sanang idugtong kaso mahirap na at baka biglang dumating yung supervisor namin.
"Ikaw."
Gusto ko na syang murahin talaga! Nakita ko naman sa gilid ko na bumubungis at natawa tawa yung dalawa kong katrabaho. Tumingin din ako sa mga barkada nya at buti busy sa kaka-WiFi
"Ano?" Kunut noong tanong ko.
"Ikaw, ano ba pwede mong i-suggest sakin. Yung bestseller nyo bukod sa Wintermelon. Yung masarap a."
Ahh...
"Ikaw-"
"Ako?..," di nya ko pinatapos, ", Yummy talaga ko. Teka may pagnanasa ka ba saki-"
"Pwede ba patapusin mo muna ko. Ang ibig kong sabihin, 'ikaw' ano bang gusto mo. Mahilig ka ba sa chocolate, sa coffee sa fruit tea, ano?" Tss. Asar!
"Sa chocolate, sweet kasi ako e." Sabi nya sabay wink. Eew. Di ko na lang pinansin yun.
"RSC Choco Mousse, masarap yun."
May lumapit na na customer, kasmahan ni Skyler.
"Green apple nga Ms. Beautiful." Sabi nito. Alam kong inaaaar nya lang si Skyler.
Tinapik ng huli sa balikat ang lalake at pinausog.
"Maya ka na dude, istorbo ka sa moment namin. At pwede, wag kang flirt sa," tumikhim muna sya bago nagsalita ", sa future wife ko."
Natawa sa kanya yung lalake, "Wife agad? Masyado kang mabilis, dude."
Tumikhim ako na dahilan ng pagkuha ng atensyon nila. Kinuha ko ulit yung order ni Skyler at mabilis na pinunch yung order nya at inilgay sa cup at pinatimpla na sa katrabaho ko.
"Micae!" Narinig kong may pamilyar na tumawag sa pangalan ko. Di ko iyon nilingon at patuloy lang ako sa paglalakad. "Micae, naman e. Teka lang saglit." Ngayon ay humawak na sya sa braso ko at para akong napaso? Ah. Gutom lang siguro 'to.
Tinanaggal ko yung pagkakahawak nya sa braso ko. "Ano ka ba! Di ka pa titigil! Ha?! Bakit ba ang kulit kulit mo? Pwede wag kang papansin? Di mo naman bday. Naiirita na talaga ko sayo, kung alam mo lang!" Di ko na napigil yung inis ko at tuluyan na kong sumabog. Buti na lang at wala talaga 'taong dumadaan. At malakas loob ko na pagsabihan sya dahil nasa labas na kami ng shop at malayo kami sa kinaroroonan no'n.
"Sorry.. Sige na baka nagmamadali ka pala." Nakita kong lumaylay yung balikat nya habang hawak nya sa isang kamay yung RSC Choco Mousse na inorder nya.
Naguilty ako pero wala na kong magagawa dahil nasabi ko na ang nasabi ko. Tumalikod ako at nagpatuloy maglakad. Bago yun ay di lumampas sa pandinig ko ang mga sinabe nya.
"Ingat Micae! Makulit talaga ko... Sa babaeng gusto ko!"
Pang-ilang beses nya nang sinabi yun pero di ako naniniwala. Yeah right! Gusto nya ko. Gusto nya lang ako pag-tripan.


-END OF CHAPTER 2-


ONCE A COLD HEARTEDWhere stories live. Discover now