ONCE A COLD HEARTED (IKA-PITO)

162 6 0
                                    


ONCE A COLD HEARTED

written by Ylekilnu Nosrep


IKA-PITO


~Beeeeeeeeeeep~
 Tunog nang malakas na jeep at nakasisilaw na ilaw nagpanumbalik sa huwisyo ko. Napapikit ako na parang hinihintay yung jeep na tumama sakin. Pero bigla na lang ay may malakas na pwersa ang humatak sakin at namalayan ko na lamang na may mga braso na nakapalibot sakin.
 Di ako nakagalaw nung una. Tanging malakas na kabog ang naramdaman ko ng mga oras na yun. Akala ko. Akala ko katapusan ko na.
 Naramdaman kong humiwalay sya ng konti para matingnan nya ang kalagayan ko.
 "Micae! Muntikan ka na dun! Ano bang pinagiisip mo at parang wala ka sa sarili! Ha? Pinag-alala mo ko, kung alam mo lang.." Sabi nya sa pahinang boses. Alam ko. Ramdam ko yung pag-aalala nya sakin.
 Naiiyak ako. Di ko alam kung bakit.
 Napayakap ako sa kanya at dun bumuhos yung luha ko.
 "Shh.." Alo nya sakin. At himas himas nya yung likod ko na parang pinapatahan ako.
 "Sorry.." Sabi ko na suminghot singhot pa ko.
 "Shh.. Wala ka naman dapat ika-sorry, e.. Tara na.. Hatid kita sa inyo." Napaangat ako ng mukha. At nang makita nya yung mukha ko na basang basa sa luha ay pinahid nya ito gamit ng magkabilang kamay nya.
 Pagkatapos nun at hinawakan nya konsa kamay at hinatid nya ko hanggang sa bahay namin.

-END OF CHAPTER 7-

ONCE A COLD HEARTEDWhere stories live. Discover now