ONCE A COLD HEARTED (IKA-UNA)

744 10 0
                                    

ONCE A COLD HEARTED

written by Ylekilnu Nosrep


IKA-UNA


"Ms. Beauty, ito na po yung Wintermelon nyo with 75 percent sugar and double pearl toppings"
"Thanks."
"Welcome po, Ma'am! Come again!"
Masigla kong sabi at ngiti naman ang kanyang isinukli sakin at lumabas na ng shop.
Tumingin ako sa orasan. 5:53 pm. 'Yes! 7 minutes na lang!' 6pm akasi yung out ko. Pero minsan kung maraming customer ay nae-extend ako.
Katulad na lang ngayon. Napasimangot ako ng pumasok ang mga kalalakihan sa shop namin. Lalo na nang makita ko ang isang matangkad na lalakeng na mataas ang buhok na parang 'aquano' na kung mahuhulog ang butiki, patay.
"Ayieeeeee. Andyan na naman sya." Bulong sakin ng katrabaho kong si Kuya Arjay, "Good evening sir!" Masiglang bati ni Kuya Arjay sa mga pumasok na customer.
Asar man ay pinilit kong ngumiti. Baka makita ako ng supervisor namin at mapagalitan pa ko. Bawal kasi ang nakasimangot.
Palangiti naman ako e. Kaso nga lang, pang asar 'tong mga magkakabarkada na 'to. Baliktad, kung kelan malapit na kong mag-out dun sila bibili ng milktea. Nakita kong umupo muna ang mga kalalakihan at kinalikot ang mga phone nila. Para maki- Wi-Fi. At ang isang lalake naman ay papunta sa counter kung san ako na-assign.
"Hi, Micae!" Nakangiti sabi nya sakin. Si Skyler yung lalakeng nagsabing gusto nya ko pero alam kong kalokohan lang yun. San ka makikita na gusto ka pero minsan ay pumapasok sa shop na iba iba minsan ang kasamang babaeng kalingkis. 'Selos?' No way! Wala naman akong gusto sa kanya, e.
"Hi, may i take your order sir?" Tanong ko.
"Hmm..," itinungkod nya yung magkabilang siko nya sa ibabaw ng counter at pinagsalikop nya ang kanyang palad at ipinatong sa ibaba ng baba nya. Nakatingin sya sa menu ng food. What the! May balak pa yatang umorder ng food. Lalong matatagalan ako nito. Sana dumating na yung kapalitan ko mag duty nang sya na ang pumalit sa pwesto ko at makauwi na.
Bunaling sya sakin.
"Ano oras uwi mo?" Nakangiti nyang sabi. Takte!

-END OF CHAPTER 1-

ONCE A COLD HEARTEDWhere stories live. Discover now