Ika-tatlongpu't Limang Sulyap

Start from the beginning
                                    

"Sa'yo pinamana ni Papa 'tong bahay na 'to. Besides, Jennifer wants us to have our own life. I can't do anything about it. She's my wife and she's your best friend Summer." Ngumuso ako saka ko tinignan si Jennifer.

"Summer. Dadalawin ka pa rin naman namin ng-"

"D-dadalawin?! Ano 'tong bahay?! Puntod ko?! I-iwan niyo ko rito! Na ako lang mag-isa.." naiiyak ako. Naiiyak talaga ako. Iniisip ko pa lang na magiging mag-isa na ko rito. Nalulungkot na ko. Paano pa kaya kung aalis na sila. Isa pa, ayoko na ring umalis sila. Since nasanay na ko.

Kaya lang wala naman akong karapatan don. My brother has his own life na. May mga desisyon talagang kailangan na niyang panindigan para sa magiging pamilya niya. I'm partly happy dahil maganda na rin yung naging desisyon nila. Pero may parte sa'kin na nalulungkot talaga e. Akala ko ba naman hanggang sa makapanganak si Jennifer dito sila.

Actually, I heard them talking about it the last time na umuwi ako. Pero hindi ko pa pinansin since marami pang kailangang ayusin si Kuya Cabi. Iyon pala matutuloy din.

"But..don't worry.." saglit akong napayukod at saka rin ako tumingin sa kanya. "I will be supporting you no matter what." Ngumiti ako sa kanya bago ko hinawi yung kumot ko.

"I'll just take a bath. Wait for me downstairs. And please. Get out of my room. I have some privacy concerns. You know?" iyon lang saka ako tuluyan nang pumasok sa banyo ko. Medyo natagalan ako sa paliligo saka na ko nagbihis. I wear the usual attire I am wearing.

Casual.

Mabilis din akong bumaba.

"Finally. What took you so long?" tanong sa'kin ni Erick na siya na lang at si Paulo yung naghihintay sa'kin.

"I have nothing to explain. Matagal talaga akong maligo. Let's go." For sure kasi nauna na yung mainipin kong kapatid. Malay ko ba kung may kausap silang tao ngayon kaya hinahabol din nila yung oras.

"Siya nga pala, Summer..." Kasalukuyan na kaming naglalakad sa labas nang pahintuin ako ng sinabi niyang 'yon. Erick is so unpredictable. Sabi niya ang tagal ko tapos ngayon pahihintuin niya ko. Lalo kaming magtatagal nito e!

"What is it?" Lumapit naman siya sa'kin saka siya may binunot sa bulsa niya at inabot sa'kin.

"Nico wants me to give this to you." sinundan ko naman nang tingin yung hawak niya saka ko 'yon kinuha.

"You know if you want to know the truth and if you want to be happy. Try to listen to him. We'll never know what really happened. Only Nico knows." Tumingala ako para titigan siya ulit saka niya ko nilapitan at hinawakan sa kamay.

"I love you Summer. And if you're going to suffer again after meeting him. I'll make sure that he'll never come near you again. I promise." Iyon lang saka niya ko hinalikan sa noo. Nilagpasan pa niya ako saka nauna na.

"Summer, we saw how you suffer. We really did. Kaya nga anumang ginusto mo non. Okay lang sa'min kasi inintindi ka namin. We knew your side of story but how about his? Siguro sa ngayon, ikaw lang yung makakaintindi sa kanya. Because I know, you still love him. Itanggi mo man. Katulad nga nang sinabi mo. You are my best friend and I am too your best friend. Itanggi mo man 'yan. Hindi mo maikakaila sa'kin. Sa amin." 'yun lang yung sinabi ni Paulo saka niya hinaplos yung buhok ko at hinila na niya ko papasok sa sasakyan ni Erick.

Pare-pareho kaming tahimik sa loob ng sasakyan. Sometimes I can see Erick peeking at me. Pero saglit na saglit lang at ayaw niya pang salubungin yung mata ko.

Ilang minuto lang ang layo nung site na sinasabi ni Kuya Cabi mula sa bahay. And it's not bad kung mapapalayo man siya. Kahit anong oras I can come here kapag namimiss ko sila.

"So how do you like it?" tanong sa'kin ni Jennifer na excited na excited makita pa lang yung lupa nila.

"I don't know. It's big?" pumalatak naman siya't lumipat sa harap ko na nakapamaywang pa.

"Very good Summer. And what's next? It's green and brown? The sky is blue? The cloud is white? And everything is neat? Ano pa? Para kang elementary student na sumasagot lang sa isang recitation." Napairap ako paitaas saka ko bahagyang binend yung kanang tuhod ko at humarap sa kanya.

"Jenny, hindi ko kailangang maghayag ng opinion. It's your opinion that matters, pati na rin yung kay Kuya Cabi. Sino bang magpapatayo ng bahay dito? Ako ba? Tss." Iniwan ko naman siya pagkatapos non. Bumalik ako sa sasakyan ni Erick saka ko naalalang inilagay ko sa bulsa ko yung sulat bago ko binasa 'yon.

Meet me at the Wetland Park tomorrow. 5PM sharp.

Kung kagabi niya ibinigay 'to. This means mamayang hapon niya na ko pinapupunta.

Hindi ko alam kung tama bang pumunta ako. Pero I believe in Erick and Paulo's words. Pagbibigyan ko yung mga kaibigan ko. Para sa kanila kaya ako pupunta mamaya. Pero paano ako magpapaalam kay Kuya Cabi?

Right.

Wala siyang dapat malaman dito. All of us know how Kuya Cabi hates Nico. Kung ako ang gusto niyang kausapin dapat ako lang yung makaalam. Pati na rin si Erick at Paulo. It's between the three of us.

Pero natatakot ako.

Natatakot akong baka kung ano na namang mangyari pagkatapos naming mag-usap. Everything moves too fast. Katulad na lang nang ma-in love ako kay Nico noon. At eto. Ang bilis mangyari na matakot ako parang kahapon lang ang tapang-tapang ko pang humarap sa kanilang dalawa ni Jhustine.

"Have you decided?" rinig kong tanong sa'kin ni Jennifer. Naramdaman ko ring tumabi siya sa'kin.

"Alam mo rin?" kunot noo ko pang tanong sa kanya bago siya tumango nang nakangiti.

"Alam din ni Cabi." Bahagya akong napalayo para makita ko siyang mabuti. Ibig sabihin-

"Yep. Alam ni Cabi. Don't worry. Hindi siya nagalit. Ang sabi pa nga niya maiintindihan niya kung anong magiging desisyon mo because you're old enough for those things. Now, Summer. It's your decision to make. Opinion is not for me to produce. Kaya wag kang hihingi sa'kin. It's now or never Summer. Magu-usap lang naman kayo. Walang masama kung magde-desisyon kang hindi muna siya patawarin after niyong mag-usap. Pero knowing you? Mukhang malabo mo siyang hindi patawarin. He explained everything to us. Kaya alam ko na may kasalanan man siya rito. Hindi niya ginusto 'yon." 'yun lang saka niya ko niyakap at umalis na sa tabi ko.

Damn it Nico! Bakit mo ba ko pinahihirapan ng ganito?!

Sa Isang SulyapWhere stories live. Discover now