CHAPTER 18 ~ Dispatch ~

Start from the beginning
                                    

Naputol ang pagpuri ko sa sarili ko nang muling tumunog ang door bell. Napangiwi ako at tinungo ko ang pintuan. Pinindot ko ang screen digital peephole viewer at nang makita ko ang pamilyar na delivery guy doon ay binuksan ko ang pintuan.

"Delivery, Miss Night." naiinip na sabi ng delivery man at itinulak palapit sa akin ang isang malaking box. Bago ko pa matanong kung kanino nanggaling ay may inabot siya sa akin na papel at pinapipirmahan iyon.

Tinignan ko ang sender at napangiti ako ng makita ko ang pangalan ni Papa. Mukhang ito 'yong sinabi nila na supplies. Hindi ko alam kung paano iyon nakarating agad pero hindi na ako magtataka kung pribadong eroplano ang ginamit nila para magpadala rito. Kasi kung normal na delivery mula Pilipinas hindi ito makakadating ng dalawang araw lang ang pagitan.

"And this." the delivery guy said and hand me a small parcel.

Tinignan ko ang parcel na dumadating kada sabado. Galing na naman sa kaniya. I wonder what it says now.

"That's an expensive letter don't you think so?" the guy said. He was the one delivering the parcel every Saturday.

"It's not a letter." I said, smiling. "It's a note."

"Huh."

Nginitian ko lang siya at inabutan ng tip bago ko tinulak ang box papasok sa loob ng condo unit habang sa isang kamay ay mahigpit na hawak ko ang Saturday Note ko.

NILAGAY ko sa box sa ibabaw ng mini bar ang tip na ibinigay sa akin ng customer. Doon ko nilalagay lahat ng tip na natatanggap ko imbis na itago iyon.

"Ang dami mo ng nalalagay ah. Baka wala ka ng ipangkain niyan, girl."

Nilingon ko si BDW na kasalukuyang gumagawa ng cocktail drinks. Wala na kasi ang mga coffee customer namin dahil maghahating gabi na. Ang mga party people na ang mga naririto.

"Hindi naman. Kawawa din kasi ang pamilya ni Taylor. Masyadong malaki ang burial niya eh nag-aaral pa ang mga kapatid niya."

"May nagbayad daw ng bills ah. Hindi nga nila alam kung sino. Pero mabuti na lang din at least nabawasan ang gastusin nila."

Tumango-tango ako. Alam kong concern din si BDW kay Taylor kahit pa sabihin na halos wala naman itong kasundo sa mga nagtatrabaho rito. Hindi ibig sabihin niyon ay deserve niya ang nangyari sa kaniya. No one deserve to die like that.

Kaya nga kapag si Taylor ang pinag-uusapan namin ni BDW ay hindi niya magawang gamitin ang English language niya. Dahil nagiging seryoso kami kapag iyon ang pinag-uusapan.

May tatlong kapatid si Taylor. Ang ama niya ay lasenggero at tanging ang ina niya at si Taylor lang ang nagtatrabaho. Ngayon na wala na si Taylor ay paniguradong mahihirapan sila. Kaya hindi ko na rin napigilan na hindi makielam.

And to be honest, I feel guilty. Dahil wala akong nagawa. I know I shouldn't feel this way. Hindi naman inaasahan ang mga pangyayari. But I just can't erase that memory from my head.

Maybe it's guilt that made me do what I did. Binayaran ko ang burial ni Taylor at hindi ko iyon ipinaalam sa pamilya niya. Hindi na nila kailangan malaman.

"Pero mag-iingat ka din, girl. Delikado na talaga rito. Hindi naman si Taylor ang unang nadisgrasya dahil sa mga nakawan dito."

"Matagal na bang may nangyayaring ganito?"

"Wala pang isang taon. Iyong huling atake tatlong buwan na ang nakararaan. Ang nakakapagtaka sa pangyayari na 'yon eh wala namang nawala sa biktima." Nagpalingon-lingon ang babae at pinalapit ako sa kaniya. "At alam mo ba ang nakakatakot pa doon?"

BHO CAMP #5: Syntax ErrorWhere stories live. Discover now