CHAPTER 5 ~ Battle ~

89.5K 2.7K 306
                                    

CHAPTER 5

SNOW'S POV

Pakiramdam ko tumigil ang oras sa lugar na iyon. Para akong nakulong sa panahon na iyon kung saan paulit-ulit kong naririnig ang boses niya at ang naging sagot ko. Hindi ko mapigilang tanungin ang sarili ko kung tama ba ang naging desisyon ko

I want to be angry and blame him for making me decide for him but I can't. Lahat ng sabihin ko sinusunod niya. Lahat ng gustuhin ko ibinibigay niya. But Phoenix always do what's best for me. Kapag alam niya na ikapapahamak ko ang gusto kong gawin inaako niya ang bagay na iyon at siya ang kumikilos kahit na mapahamak pa siya. And now for once, he asked me something that he wants. Something that I cannot give him.

"Kahit na maliit na parte lang sa puso mo, Snow. Just tell me. Do you love me?"

"No."

"Snow?"

Napakurap ako nang marinig ko ang boses ni Mira. Pilit ang ngiti na humarap ako sa kaniya. "Bakit?"

"Kanina ka pa tulala. Masama ba ang pakiramdam mo?"

"Okay lang ako. 'Wag ka ng masyadong mag-alala. Ikaw nga dapat ang kinakabahan ngayon eh. Ilang minuto na lang papasok na tayo sa loob."

Nagkalat ang mga agent sa paligid. Inaayos na ang pila nila habang ako naman ay ang huling papasok bago si Mira. Hindi katulad nang mga nakaraang kasal sa BHO CAMP ay tahimik ang mga agent na para bang kalkulado ang ginagawa nila.

"Snow?"

"Yes?"

Sa pagkagulat ko ay hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon. Wala siyang sinabi na kahit na ano. Nanatiling hawak niya lang ang kamay ko habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko mapangalan ang ekspresyon sa mga mata niya pero pakiramdam ko may kung anong pumipiga sa puso ko.

"Mira..."

"Someday, you will smile your beautiful and bright smile again. Someday you won't be in pain anymore."

"Ano bang sinasabi mo?" pilit ang tawa na tanong ko sa kaniya. "Ganiyan ba ang mga malapit ng ikasal?"

Napatingin ako sa kaliwa ko nang marinig kong may tumatawag sa akin. Hinila ko ang kamay ko na hawak pa rin ni Mira pero hindi niya kaagad iyong pinakawalan. "Mira, kailangan ko ng pumasok sa loob."

Bumuka ang bibig niya at tila may sinabi pero dahil sa malakas na tugtog na ngayon ay nagmumula sa loob ng simbahan ay natabunan no'n ang boses niya. "Hindi ko narinig. What is it again-"

"Snow!"

Sandaling nakatingin lang ako sa babae pero nang manatili siyang walang kibo ay napilitan akong bitawan siya at tumakbo na papunta sa kinaroroonan ni Athena na siyang tumawag sa akin. Bago pumasok ay muli kong nilingon si MIra pero nakayuko na lang siya na parang may malalim na iniisip.

Huminga ako ng malalim nang makita ko si Athena naglakad na palapit kay Stone at pagkatapos ay sabay silang naglakad papasok.

Pakiramdam ko tumatambol ang tibok ng puso ko ng senyasan ako ng wedding coordinator na sumunod na sa kanila. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Gusto kong pumasok pero buong pagkatao ko ay pakiramdam ko pinipigilan ako.

"Miss, kailangan niyo na pong pumasok!" natatarantang sabi ng coordinator at inabot sa akin ang bouquet ko.

Walk, Snow. You can do it. Everything will be alright.

Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko ang bouquet at halos mapiga ko iyon nang magsimula na akong maglakad papasok. Kakayanin ko. Alam kong kaya ko. Alam ko na magagawa ko.

BHO CAMP #5: Syntax ErrorWhere stories live. Discover now