CHAPTER 3 ~ Nothing ~

95.5K 2.8K 440
                                    

CHAPTER 3

SNOW'S POV

Pabagsak na humiga ako sa kama. Pakiramdam ko umiikot ang paningin ko. Hindi ko kasabay si Phoenix bumalik ng headquarters dahil kanina pa siya naunang umuwi. Mas malakas panigurado ang tama nang mga nainom niya sa kaniya kanina dahil inagaw niya lahat nang ibigay sa akin ni Killian na alak.

Mariing ipinikit ko ang mga mata ko na para bang mababago no'n ang mga nangyari na nagawa ko. Forget about it Snow. Don't think about it. Everything will be alright.

Nagmulat ako ng mga mata nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Kinuha ko iyon at hindi tinitignan ang caller na sinagot ko ang tawag. "Hello?"

"You're really crazy."

"Kuya Waine, 'wag ngayon." sabi ko ng mabosesan ko ang tumawag.

"Crazy girl."

Malakas na bumuntong-hininga ako nang basta na lang niya putulin ang tawag. Gumulong ako pabaligtad at sinubsob ko ang mukha ko sa kama. I want to bury myself in my bed and never resurface again. I want to go away. I want to leave and never return.

"No. Forget about it Snow. He won't remember it."

Never tell another soul. Bury it. Pretend like nothing happened. I'm good at it. I know I will be alright.

I will be.



MALALAKAS na katok ang nagpagising sa akin kinaumagahan. Agad na napatayo ako at kahit hindi tumingin sa salamin ay alam ko na hindi kaaya-aya ang itsura ko. I know I look as worse as I feel.

Napapitlag ako nang muling may kumatok. Kinakabahang lumapit ako sa pintuan at kahit na buong pagkatao ko ang gusto akong pigilan sa gagawin ay pinindot ko pa rin ang maliit na device na hugis kahon sa gilid ng pintuan ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko sa screen kung sino ang nasa labas ng pintuan ko.

Binuksan ko iyon at bumangad ang nakasimangot na mukha ni Waine sa akin. "Ang aga mo namang mang bulabog, Kuya."

Padabog na sinarado niya ang pintuan at tuloy-tuloy na tinungo ang kusina ko. Nilapag niya ang dala niyang paper bag doon at matalim ang tingin na ipinukol niya sa akin. "Sit."

Napapabuntong-hininga na sinunod ko na lang siya. Umupo ako sa high stool ng center island habang ang lalaki naman ay sumandal sa counter. Binuksan ko ang paper bag na dala niya at automatikong kumurba ang maliit na ngiti sa mga labi ko nang makita ko na may almusal doon.

"Binili mo?" tanong ko.

"Yong kape, oo. But I cooked the meal."

Nilabas ko ang mga pagkain at hindi na ako nagtanong kung para kanino. Obvious naman na para sa akin. Kaagad na sinimulan ko ng kainin ang mga iyon na hindi man lang siya inaalok. Wow. I must be really hungry.

"Saan ka tumutuloy?" tanong ko sa kaniya bilang pambasag sa katahimikan.

"Dito sa headquarters. May kwarto na pinapagamit muna sa akin. I'm a temporary agent of your organization as well as Chumillo."

Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Bumuka ang bibig ko para magtanong pero umiling lang siya. Mukhang classified ang dahilan kung bakit nandito sila.

"Hindi pa ba nadadala si Dawn sa pagtatago ng sekreto sa'min?" muli kong tanong habang sumisimsim ng kape.

"Wala naman siyang balak itago. Magkakaroon ng conference ang buong team ninyo kaya hindi ko kinakailangan na sabihin sa iyo dahil malalaman mo rin naman."

BHO CAMP #5: Syntax ErrorWhere stories live. Discover now