CHAPTER 7 ~ Lips ~

110K 2.7K 266
                                    

CHAPTER 7

SNOW'S POV

Kagat ang ibabang labi na nag palakad-lakad ako sa sala ko. Kanina pa ako hindi mapakali. Gabi na at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang conference. Panigurado ako na nandoon na ang iba. Siguro nando'n na rin siya.

"Hindi na lang kaya ako pumunta at sabihin ko na lang na nakatulog ako? O kaya sabihin ko kay Dawn na sumasakit ang tiyan ko?" huminto ako sa paglalakad at tinignan ko ang kinalalagyan ng aquarium ng alaga ko na gold slash orange fish. "Ano sa tingin mo Tilly?"

Pabalik-balik na lumangoy ang isda na para bang sinasapian iyon ng kung anong hindi maganda na elemento. Focus, Snow. Huminga ka ng malalim at i-decipher mo ang fish-talk na ginagawa ni Tilly.

"Is that a no?" napakagat labi ako ng tumigil sa paglangoy si Tilly. "I'm freaking out, I'm talking to a fish and I'm super duper freaking out."

It's not that I don't want to see my best friend. Apat na araw silang nawala ni Mira, of course I missed him. But I'm not ready to see him yet. I'm not ready to the emotions that will resurface once I see him again.

Niloloko ko ang sarili ko kung sasabihin ko na wala na akong nararamdaman dahil naitago ko na ang mga iyon sa pinakamalalim na parte ng puso ko. It doesn't work that way. Locking my feelings doesn't mean that it's not painful. I'm just locking them away so it won't do more damage but I can still feel it.

Parang kapag nadadapa tayo noong mga bata pa tayo. Sasakit, gagamutin ng betadine at lalagyan ng band aid. Pero kahit hindi na nakikita ang sugat ay masakit pa rin.

"Omg. What was that?" bulong ko sa sarili at muling napahinto sa palakad-lakad. "This is so not me. Bakit marunong na akong humugot ngayon?"

Bago pa ako makahuma ay tumunog ang doorbell ng kwarto ko. Nanlalaki ang mga mata na tinignan ko ang pintuan. Hindi kaya pinasundo ako kay Phoenix? O baka naman si Waine ang nasa pintuan? No, no, no! Hindi pa ako handang makita silang dalawa!

"Bakit ba kasi kailangan kong pumunta sa meeting? Pwede naman na sabihin na lang sa akin ng mga kapatid ko ang pag-uusapan do'n. Wala din naman akong gagawin panigurado."

Ang pinsan ko na si Storm lang ang nag-iisang nagtiwala sa akin na bigyan ako ng malaking mission. She doesn't have much choice back then now that I think about it. Kung hindi ko pa siya nahuli na pumupuslit paalis ng BHO CAMP ay hindi niya pa ipapaalam sa akin ang sekretong ginagawa niya.

Napapitlag ako nang muling tumunog ang doorbell. Kinagat ko ng mariin ang ibabang labi ko at impit na tumili bago nagdadabog na tinungo ko ang pintuan. Hindi ko na tinignan kung sino ang naroon at basta ko na lang binuksan ang pinto.

"Oo na, oo na! Pupunta naman ako ah! Hindi naman ako tatakas para kailangan pa na sunduin."

"Napag-utusan lang ako."

Mariin kong pinikit ang mga mata ko nang si Killian ang bumungad sa akin. Nakangiwi siya na para bang hindi niya kinaya ang impact ng malakas kong boses. Relax...breathe. You're Snow Night. Anak ni Wynter at Rain Dale Night na binigyan ka ng weirdong pangalan, magandang genes at wais na utak. Hindi ka man kasing astig ng kuya Thunder mo sa field missions o kasing galing ni Freezale sa experiment deparment pero binigyan ka ng tadhana ng swerte at charm. Okay?

"Let's go."

Napapakamot sa batok na hindi kumilos si Killian. "Sigurado ka? Para kasing hindi maganda ang pakiramdam mo-"

Pinutol ko ang sasabihin niya sa pamamagitan ng nakakasilaw ko na ngiti na kayang talunin ang "Killer Smile" niya. Doon kasi nanggaling ang nickname niya na Kill. Hindi lang dahil sa pangalan niya kundi sa ipinagmamalaki niyang ngiti. "I'm super fine!"

BHO CAMP #5: Syntax ErrorWhere stories live. Discover now