Ika-tatlongpu't Anim na Sulyap

Start from the beginning
                                    

"You just want to hurt me? Gusto mo kong saktan at gantihan. That's what you want Summer?" malungkot akong ngumiti. Giving him a weak smile was his weakness. How about now? Iyon pa rin ba? No, Summer. Don't you dare think about that. Malinaw sa'yo lahat. He never loved you. Pinaglaruan ka lang niya. So if he said he misses you. Baka malamang niyan nakonsensiya na lang siya or what.

Hindi mo kilala si Nico. At kahit kailan, hindi mo siya magagawang makilala.

"Higit pa ron Nico. I want you to feel my pain. I want you to experience how I suffered when you betrayed me. Pero ano? Nandito ka na naman sa harap ko at paniniwalain sa mga kasinungalingan mo." Mabigat na buntong hininga yung pinakawalan niya bago niya ko tinignan ulit.

"Hindi ko na alam Summer. Every single time you pulled me in, you're pushing me out again. Hindi ko alam kung saan na ko lulugar sa'yo. Pinilit kong kalimutan ka nung umalis ka. Pinilit kong ibaling ulit kay Jhustine baka sakali. Pero hindi..." pagak na pagtawa naman yung ginawa niya saka niya hinilamos ng dalawang kamay niya yung mukha niya.

"Ilang beses kong tinangkang sabihin sa'yo yung totoo. Pero wala, pinanghihinaan ako ng loob. Kasi mahal kita Summer. Hindi ko kayang nakikita na nasasaktan ka. The first time I saw your face Summer and that time I caught you staring at me. Hindi ko alam kung anong nangyari. Sa isang sulyap pinaramdam mo sa'kin kung ano ako, kung saan dapat ako lumugar." Iniikom ko ng mariin yung bibig ko. Dahan-dahan akong lumayo nang makita ko yung sakit sa mga mata niya.

This can't be happening. He can't cry again in front of me. Hindi pwede.

"Narinig ko kayo. That night, nung graduation. Tinanong ka ni Jhustine kung mahal mo siya and you answered her na oo. Mahal mo siya. Kaya bakit nagsisinungaling ka pa hanggang ngayon sa'kin—"

"Jhustine's my best friend. Hindi mo alam kung anong nagagawa niya kapag hindi niya nakukuha yung gusto niya. I was forced to say that Summer. Believe me!" ganon pa rin. Mahal niya man ako non. He still chose Jhustine.

"How can I believe you Nico if I don't trust you anymore? Maibabalik mo ba? You can't—" natigilan ako. Because the last time I checked he was just standing in front of me. Pero ngayon, hawak niya na yung mga kamay ko habang nakaluhod siya sa harap ko. Crying. Crying out my name like I died a long time ago. Like he's suffering because he killed me a long time ago.

"Hirap na hirap na ko Summer. We're experiencing bankruptcy dahil na rin sa maling pamamalakad ko sa kompanya. It's my fault Summer. Kasi wala akong inisip kundi ikaw. Kung paano ka maibabalik sa'kin. Hindi ko ginusto Summer. Hindi ko ginustong saktan ka. Natakot lang akong mawala ka sa'kin. Kaya akala ko mas mabuti na non na hindi mo malaman. Pero wala, nung sinabi ko kay Jhustine na gusto ko ng tigilan yung panloloko ko sa'yo. Nag-hysterical lang siya at pinagbantaan ka pa. I was defeated by my own game Summer. Akala ko madali lang. Akala ko magiging madali lang na saktan ka. Maibigay ko lang yung gusto ni Jhustine. Pero hindi pala.." tiningala niya ko. Iniiwas ko naman yung tingin ko.

"..I miss the way we used to be Summer. I miss the way you laugh with me. I miss the way you cling to me. I fucking miss you Summer. Fuck it! Why am I so gay crying like this?!" pinahid pa niya ng damit niya yung luha niya.

He missed me so much. Like what the hell am I doing?! Hindi ko ba pakikinggan ang isang lalaking umiiyak para sa'kin? Why is it urging me to cry too? Hindi na ko dapat umiiyak sa harap niya! I miss him too. Bakit ba hindi ko masabi-sabi?

"You miss all of that? Bakit hindi mo ko sinundan sa States or sumubok ng ibang way just to communicate? Mahirap bang gawin para sa isang katulad ko yung mag-exert ng effort? Or don't tell me. Talagang sinubukan mong kalimutan ako? Honestly, Nico. I am not happy with that. If I told you to wait for me I'll be back dapat nagsimula ka nang hanapin ako non at ipaliwanag ang lahat. Maybe I am so full that time. Puno ako ng galit. Sa nagawa mo at sa nagawa ni Jhustine. Isa pa, you can't blame me. Namatayan ako ng tatay. Yung tatay kong nagi-isang nakakaintindi sa'kin. Feeling ko iniwan na ko ng lahat. Naramdaman mo ba 'yon? Natakot ka kamo hindi ba? The day I left—"

"The day you left I was on my way to the airport pero pinigilan ako ni Cabi. He told me to stay away from you forever. He even made me suffer, Summer. Una, inilayo ka niya sa'kin. Pangalawa, pinabugbog niya ko sa kung sinu-sinong tauhan niya. I can't blame them Summer because that time. I was thinking of dying. Kundi lang siguro nanghimasok si Jennifer hindi nila ititigil yung pambubugbog sa'kin. And I maybe dead now." Oh Jennifer. My precious best friend.

In the first place, may kasalanan din ako. Hindi ko siya pinakinggan at nauna yung galit sa'kin kaya kami humantong sa ganito. Hindi naman din nila ako masisisi. Naloko na ko nung una. Pati ba naman yung pangalawa? Mabuti sana kung na-fall out lang or kailangan kasi langit at lupa ang pagitan. Pero yung consistent na niloko ako. Masakit sa part ko 'yon.

"Stand up." Seryoso kong utos sa kanya. Tinitigan niya lang ako pero hindi siya tumitinag. I rolled my eyes heavenward.

"I said stand up Nico Alvarez." Sabi ko pa kahit na nanlalamig yung kamay ko sa mga pinaggagagawa ko.

There are two types of people in the world. There are people who are slow and who are fast. And Nico belongs to both types. He's fast making me fall and making me forgive him but he's also this typical slow people who can't get anything with just one word.

Hindi niya pa rin ako naintindihan kaya naman ako na yung nanghila sa kanya patayo. And now he's towering me again. Ilang taon ba ko nawala at mas tumangkad pa yung lalaking 'to? Seriously he can be a basketball player because of his height.

"There is one word that I want you to hear." Ngumiti ako sa kanya saka ako tumingkayad at niyakap siya. Mariin pa kong napapikit. Gusto kong manlambot na naman dahil sa nararamdaman ko. I can feel these butterflies inside my stomach and gosh! How did they get in?!

"Forgiven."

Sa Isang SulyapWhere stories live. Discover now