Chapter 27 - Consequence

90.6K 1.8K 21
                                    

It's Monday, "Tengene, anong klaseng consequence? Puwede bang truth nalang?" parang timang na kausap ni Jenna ang sarili habang naglalakad patungo sa opisina.

"Magandang umaga ho, ma'am." Nadatnan ni Jenna si Manong Bart na abala sa pagpupunas ng bintana

"Good morning po, kuya."

Bumuga siya ng hangin pagkatapos ay maingat at walang ingay niyang pinihit pabukas ang pinto. "Galawang agent na ituuu guys!"

Una niyang isinungaw ang ulo, napapitik siya sa hangin. "Clear," mahinang bulong niya ng makitang siya palang ang tao.

Nakahinga si Jenna ng maluwag ng wala ni bakas ng anino ng mayor.

She quicky scoops the documents on her table and entered Caleb's office.

"Ouch!" Palabas na siya ng mabangga niya ang isang machong katawan. "Jenna, lagot!"

"Good morning, miss Sarmiento." Hindi mapagkakatiwalaan ang ngising nakapaskil sa mga mapupulang labi ng mayor.

Napalunok si Jenna ng laway "Uhmm goo--d morning po mayor." "Ang sarap i-kiss ng labing iyan." Namula siya ng mapansing nakatitig kanya si Caleb. "Nabasa kaya nito ang nasa isip ko? Kagat labing pinaypayan niya ang mukha gamit ang kamay. "It's getting hot in here."

Dumiretso si Caleb sa swivel chair at umupo. "Coffee please, miss Sarmiento."

Hinahalo ni Jenna ang kape ni Caleb ng makaisip ng kapilyahan. "Lagyan ko kaya ng gayuma?"

Napailing siya, parang wala naman siyang tiwala sa genes niya kapag ganun ang ginawa niya. Baka pagalitan siya ng kanyang tiyuhing si Zion.

Humugot siya ng hininga. Hindi pa siya nakontento pinaypay pa niya ang mga kamay sa mukha para kumalma siya kahit konti. "Jenna kaya mo to!" pampalakas loob niya sa sarili

"Si--r kape niyo po," kakaning malagkeeet, bakit siya nabulol? Ang sarap kasi nitong papakin habang seryoso ang mukhang pumipirma ng mga papales.

"Pakilapag nalang."

Napanguso si Jenna, ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Caleb. Mukhang hindi pa ito ang panahon para harapin niya ang consequences na sinabi nito.

"Wala na po ba kayong iuutos, mayor?"

"Wala na," tipid nitong sagot.

"Sige ho, tawagin niyo nalang ako kapag may kailangan kayo."

Magwa-walk out the door na sana ang beauty ni Jenna ng magsalita si Caleb.

"Wait, miss Sarmiento, may nakalimutan pala ako.

Napabalik siya sa harap nito. "Ano ho?"

"Massage me," Umayos si Caleb ng upo at sumandal sa swivel chair nito.

"Pardon Sir?" "Massage daw ba?"

"Nabibingi ka na ata ngayon, miss Sarmiento, I said, massage me." Hinawakan ni Caleb ang leeg at inikot.

"Ginawa pa akong masahista? Iuntog ko kaya tong mayor na to sa boobs ko?" Hindi tuloy maiwasang mainis ni Jenna. "Mayor, empleyado ho ako dito, hindi masahista."

Matalim itong tumitig sa kanya, "I'm the mayor, right? Puwede kong iutos ang gusto kung iutos, baka nakakalimutan mo may kasalan ka pa sa akin at nadagdagan pa."

Itinaas ni Jenna ang kanyang kilay, "pasalamat kang Mayor ka may abs ka kung hindi kanina ko pa pinilipit ang ulo mo." bubulong bulong niyang saad sa sarili

The Hottie MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon