Chapter 27 - Consequence

Start from the beginning
                                    

"Storm saang ulo?" hiyaw ng pilyang bahagi ng utak niya

Mahina siya napamura, "masahe kung masahe, ang dami pang dada akala mo bakla." Buwisit na pumuwesto siya sa likod nito.

Parang nanunuksong umungol ito ng magsimulang masahiin ni Jenna ang balikat nito. "Syet!"

"Bakla? Let me remind you how many times you moaned my name." Caleb said in a husky voice.

Nanayo ang lahat ng balahibo sa katawan ni Jenna. Hindi siya agad nakagalaw, pakiramdam niya lahat ng dugo niya sa katawan umakyat lahat sa mukha niya.

Umamba siya na sasakalin ito.

"Do that, and I swear, I'll take you right here, right now. I don't care even if the whole employee of Sta. Monica City Hall will hear you scream." Matigas na banta nito habang nakapikit.

Nanigas ulit siya dahil sa sinabi nito. Alam niyang hindi nagbibiro ang mayor na ito. Kayang kaya niyang ipagtanggol ang sarili ngunit sh*t lang, traydor ang katawan niya pagdating dito.

Imbes na pilipitin niya ang leeg nito ay kusa pang yumapos ang mga kamay niya. "Anak ng—" humugot siya ng malalalim na hininga, kaya wala siyang nagawa kundi ipagpatuloy ang ang pagmamasahe dito.

"May araw ka din sa akin mayor, tandaan mo yan."

***

Halos hindi na makakilos si Jenna dahil sa pagod. Napahawak siya sa kanyang bewang at nag-strecthing. "Kasalan ng mayor Caleb na yan, kung anu-anong pinagawa sa akin maghapon. Daig ko pa ang naging personal na yaya nito." Inambahan niya ng suntok ang pinto ng opisina nito.

Madilim na ng magpasya si mayor na umuwi, kaya sila nalang ang natira sa City Hall. "Ito pala ang sinasabing consequences ng aning na mayor na to, pintakam-takam siya nito tapos binitin ngayon ay pinahirapan naman siya sa trabaho. Badtrip, kahit mahawakan man lang sana niya ang abs nito para mawala ang pagod niya. Tengene talagang life ituuu, ang unfair!"

Walang imikang sabay na bumaba sina Jenna at Caleb. Sa parking lot na nila aantayin si Manong Randy dahil may pinabili dito ang alkalde.

Napahigpit ang hawak ni Jenna sa kanyang bag ng umihip ang malamig na simoy ng hangin. She smelled danger, buti nalang she always brings her gun with her.

Mapanuri niyang inikot niya ang mga mata. Ng may mahagip siyang bulto ng tao at kumikislap na bagay mula sa madilim na parte ng City Hall.

"Mayor, puwede bang samahan niyo muna ako sa comfort room? Naiihi na ako." Sinadya ni Jenna na lakasan ang boses. "Kung sino ka mang damuho ka, ipakita mo ang galing mo." She smirked dangerously.

Hindi pa nakakasagot si Caleb ay hinila na niya ito. Bago sila makarating sa CR sa ground floor ay iginiya niya ito pakubli sa isang madalim na bahagi ng building.

"Anong ginagawa natin dito, Miss Sarmiento?" Nagtatakang tanong ng mayor sa kanya.

Hinawakan ni Jenna ang dibdib ni Caleb at itinulak pasandal sa pader. "tiyansing ka girl, gusto mo lang makahawak ng abs."

Nilakihan niya ito ng mata at hinawakan sa bibig. "Shhhhhh," saway niya sa alkalde. Inilapit niya ang bibig sa tenga nito at bumulong. "Silent your phone."

Ng magawa ng mayor ang inuutuos niya ay kinuha din niya mula sa bag ang sa kanya at mabilis na nag-type ng mensahe para kay manong Randy.

They looked at each other when they heard footsteps. Sinenyasan niyang tumahimik ang alkalde at napapikit siya para malaman kung ilang tao ang nagmamay-ari ng mga yabag. Iminulat niya ang kanyang mga mata, "dalawa lang? Walang thrill."

Inilabas ni Jenna ang kanyang baril, "stay here." utos niya sa binata.

Hinawakan ng mahigpit ni Caleb ang kanyang braso. "Where are you going?"

Jenna rolled her eyes at binaklas ang kamay nito. "Masama ang kutob ko, kailangan kong malaman kung sino ang mga nasa labas."

"Sh*t, you are not going anywhere." Muli nitong hinawakan ang braso niya.

Kasalukuyan silang naghihilaan ng kamay ng makarinig sila ng mga boses.

"Nasaan na sila?"

"Gago, nasa cr diba?"

"Pasukin mo, habang nag-iikot pa sa kabilang building ang mga gwardiya."

"Bakit ako? Ikaw na kaya!"

"Gusto mong utasin ko ang tagiliran mo? Ako pa ang inutusan mo, sige na pasukin mo na!"

Maingat na sumilip si Jenna mula sa kanilang pinagkukublihan. Nakita niyang pumasok na ang isang lalake sa loob ng Cr. Hindi siya nag-aksaya ng oras, ng maramdamang bahagyang lumuwag ang kapit ni Caleb sa kanya kaya hinila niya ang kamay.

Mabilis ang kilos na nilundag niya ang naiwang lalake sa labas. Idiniin niya ang siko sa leeg ng lalake. Ng halos mawalan na ito ng hangin ay pinakawalan niya ito. Using her skills, she pressed a nerve in his nape kaya tuluyan na itong bumagsak sa sahig at nawalan ng malay.

"Tonyo wala sila---" hindi naituloy ng lalake ang sinasabi ng dulo ng baril ni Jenna ang sumalubong dito.

Jenna knew they are not skilled assassins dahil agad itong namutla ng makita ang kanyang baril.

Ngumuso si Jenna sa sahig, "Pinatulog ko muna ang kasama mo. Gusto mo bang ikaw ang sumunod?"

Takot na itinaas ng lalake ang mga kamay. "Ma'am hindi po, wala po akong kasalanan. inaya lang po ako ni Tonyo!"

Pinilipit ni Jenna ang kamay nitong may hawak na patalim. Napaaray ito ng malakas sa sakit! Susuntukin niya sana ito ng kusa itong bumulagta. Marahil sa takot nahimatay ang loko.

Samantala laglag ang mga panga ni Caleb sa gilid sa nasaksihan.

Nakarinig ulit sila ng mga paparating na yabag. Agad naman naalerto si Jenna. Hihilain na sana niya ulit ang binata ng marinig ang boses ni Manong Randy

"Mayor? Ma'am Jenna?" nag-aalang tawag nito

Itinago ni Jenna ang baril bago sumagot. "Manong Randy, nandito ho kami."











The Hottie MayorWhere stories live. Discover now