Pero patuloy parin sa pag-iyak yung batang babae.

"Halika na. Tumayo ka na diyaan. Madumi diyan sige ka. Madaming germs diyan." pagkukumbinsi sa kanya ng batang lalaki. Pero nanatiling nakaupo doon yung batang babae. Buti nalang huminto na siya sa pag-iyak niya.

Sumuko na yung batang lalaki at paalis na sana siya ng bigla nalang siyang batuhin ng manika nung batang babae.

"Oo na! Sige na nga magbaril barilan na lang tayo. Pero kunwari hindi ako mamamatay ha? Ikaw lang dapat mamatay." sabi nung batang babae na nagpangiti sa batang lalaki.

And the next thing i knew is that takbo na uli sila ng takbo dito sa park. It should be give and take. Pero sa amin ni Ramin, siya lang yung give ng give habang ako ay take lang ng take.

Gigil na gigil akong napasabunot sa buhok ko. Naiinis ako sa sarili ko. Naalala ko noong nasa grade two palang kami ni Ramin. Natataranta na ako kakahanap sa kanya kasi ilang oras ko na siyang hindi nakikita. Uwian na noon at hinihintay na lang namin yung sundo namin.

"Ramin? Nasaan ka na? Baka dumating na si Papa." tawag ko sa kanya habang patuloy na naglalakad.

Nung hindi ko siya mahanap ay naisipan kong pumunta sa likod ng school. Doon ko nakitang pinagtutulungan siya ng mga kaklase naming mga lalaki.

"Ah! Bakla! Hahaha!"

"Ano? Takot ka ba? Sabi na nga ba bakla ka talaga e!"

"Oo nga. Laging si Emmy ang kalaro niyan!"

"Naglalaro nga din yang ng manika kasama si Emmy."

Nakakabinging tawanan nila yung narinig ko noon. Pinalibutan nila si Ramin habang kung ano anong masasakit na salita ang sinasabi nila sa kanya. Pinagbabato din siya ng kung ano ano.

"Ano namang pakialam niyo kung makipaglaro ako kay Em?! Ha?! At 'wag niyo siyang madamay damay dito!!" sigaw ni Ramin.

Galit na galit na pinaghahampas ko sila lahat ng bag ko noon. Wala na akong pakialam pa kahit na may gulong ba yung bag ko. At mas nagpatindi lang ng galit ko yung makitang may mga sugat at pasa si Ramin.

Kasalanan ko lahat yun dahil lagi ko siyang niyaya na makipaglaro sa akin. Kahit kailan hindi siya tumanggi. Kahit kailan hindi siya nagreklamo.

"Bakit hindi mo sila ginagantihan?" naiinis na tanong ko sa kanya habang patuloy ako sa pagwasiwas ng bag ko.

"Em, 'di ba bilin ni Tito na bawal makipag-away?" sabi niya nagpahinto sa akin. 'Yon nga ang laging bilin sa amin ni Papa.

Pero sa paghinto ko ay may biglang tumulak sa akin kaya naman nasubsob ako na nagresulta sa sugat ko sa siko at tuhod. Gusto kong umiyak pero bilin din ni Papa na dapat maging matapang at huwag basta basta iiyak.

Pinilit kong tumayo kahit na masakit. Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na matapang ako, na malakas ako. Katulad ng laging sinasabi sa akin ni Papa.

Pero literal na nanlaki ang mga mata ko ng makitang sinuntok ni Ramin si Joseph. Si Joseph na pasimuno ng pambubully sa school. Siya din ang tumulak sa akin kaya ako nasubsob.

"Hindi ba sinabi kong 'wag niyong idamay si Em dito?" nakakatakot na sabi niya kay Joseph. It was the first time na nakita ko siyang gano'n na pati ako ay natakot.

"Tara na Em. Nandito na si Tito." sabay kaladkad niya sa akin.

NIlingon ko si Joseph na kasalukuyang dumudugo ang ilong at natanggalan ata ng ngipin.

"Bleh! Sinong bakla ngayon ha?! Ang papanget niyo!" sigaw ko sa kanila pero sinuway lang ako ni Ramin.

I smiled at myself because of that memory. Hindi ko rin alam kung saan hinuhugot ni Ramin yung lakas niya. Nakakapaglambitin nga ako sa braso niya na pang wala lang sa kanya yun e.

CHASING DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon