CHAPTER 26: BRIDLE VS ATHENA

Începe de la început
                                    

Nakatingin lang ang ibang mga estudyante sa amin. Hinihintay marahil nila ang sagot ni Gray.

"I wouldn't let my school lose too!", Gray said and he smiled. A smile of assurance.

Lumapit si Khael sa amin. He passed through the imaginary boundary na ginawa ng mga taga-Bridle at Athena. Naglakad siya palapit sa akin at tumigil nang nasa harap ko na siya.

"This is not fair. Dalawa kayo ni Gray sa Bridle samantalang nag-iisa lang ako sa Athena. Let's make a deal. Kapag nanalo kami, we'll have a date", he said and I was dumbfounded. Tama ba ang narinig ko? He's asking me for a date kapag nanalo sila? Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi nito.

"I'm not into the prize of this activity. I want another prize para pagbutihan ko 'to kahit pa dalawa kayo. So deal?", wika niya at naghintay silang lahat sa sagot ko! Teka! Ano ba kasing isasagot ko? He's really serious when he said he had a crush on me?

"Pumayag ka na!", someone from Bridle said.

"He's so gorgeous! Go for him nerd!"

"Aaaah! Khael! Ako na lang kung ayaw ni Amber!"

"Date me too Khael!"

Ngumiti lang si Khael sa mga sumigaw at naghintay pa rin sa sagot ko. When I looked around, lahat sila ay nakatingin sa akin! I hate attention! Ilang beses ko bang uulit-ulitin iyan?

"Fine", tipid kong sagot. I heard Gray uttered something like "tsssk" samantalang tuwang-tuwa naman si Khael.

"It's a deal then. Shall we seal it with a kiss?", he said playfully at inilapit niya ang mukha sa akin. I motioned my fist to punch his face ngunit nahawakan niya ang kamay ko bago pa iyon dumapo sa mukha niya.

"Just kidding", he said and he chuckled.

Naramdaman ko na lang na may humila sa akin palayo kay Khael. It was Gray. "You're on our boundary Alonzo", he said and he pulled me close to him.

"Thanks Special A!" Bumalik na ito sa kanilang team at isinuot na ang mga scarf.

Gray tied his scarf on his forehead. "As if, I'd let them win."

Itinali ko na rin sa wrist ko ang scarf at pumunta na kami sa first obstacle namin. It was a long pile of tires. Nakalatag ang mga malalaking gulong doon at kailangang dumaan ang bawat isa to get to the first question and as well as kunin ang unang item. The Athena students were on their first obstacle too na gaya ng sa amin.

We started hoping on those tires! Seriously, this is so tiring! Mabuti na lang talaga at hindi na masyadong masakit ang paa ko dahil sa nangyari kahapon. Bigla na lang may sumigaw nang kunin ng isang taga-Athena ang scarf niya na nakatali sa buhok niya! Damn! We already lose one scarf!

Gray and I were the first two pass the obstacle upang masagutan na namin ang mga tanong habang papunta pa lamang doon ang iba. May mga nakarating na sa kabila at hinihintay na lang na makarating doon ang lahat. We were four sections of 30 class size so there were 120 of us!

Nang makarating na kami ay kinuha ni Gray ang unang sasagutan. It was a list of countries and we're required to give its capital! There were 25 countries there! Kaya pala pinaiwan nila sa amin ang mga cellphone at gadget namin dahil baka may mag surf sa internet sa mga sagot.

Tiningnan ko ang list na naroon. I know some of them ngunit may mga bansa roon na hindi ko alam. Sinimulan na namin iyong sagutan ni Gray and we came up with the answers.

Brunei - Bandar Seri Begawan
Costa Rica - San Jose
Croatia -
Cyprus - Nicosia
Fiji - Suva
Estonia - Tallinn
Iceland - Reykjavík
Jamaica - Kingston
Libya - Tripoli
Nepal - Kathmandu
The Netherlands - Amsterdam
Micronesia -
Morocco - Rabat
Eritrea - Asmara
Mauritania -
Papua New Guinea - Port Moresby
Slovakia - Bratislava
Sweden - Stockholm
Sudan -
Sri Lanka - Colombo
Uganda - Kampala
Turkey - Ankara
Uzbekistan -
Vanuatu - Port-Vila
Vietnam - Hanoi

DETECTIVE FILES. File 1 (Published under PSICOM)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum