Pag-pasok namin sa classroom, magulo. As usual sa isang normal classroom, may nakatayo, meron sa aircon kahit malamig na, merong nag-susulat sa blackboard ng kung ano-ano at etc. Umupo na lang kami sa upuan namin, mag-katabi kami. Tumahimik lahat nung biglang pumasok yung teacher namin.

Forward…

Break time namin at nasa cafeteria/restaurant kami ng school, nag-k’kwentuhan kami ni Starr ng biglang may lumapit sa amin, isang lalaking may dalang bouquet. Tumingin ako kay Starr na parang sino-yan-look tinaas baba nya yung braso na sinasabing hindi nya alam.

 

“Good morning beautiful ladies especially you Shayne Lee.” Sabi nya tapos kinuha yung kamay ko at hinalikan. Patago kong pinunasan yung likod ng kamay ko. Nag-‘Ayiiie’ yung mga tao sa cafeteria at sinasabing tanggapin ko yung bouquet.

 

“I’m sorry but I can’t take that.” Sabi ko.

 

“Is that so…”  malungkot na sabi nya at lumabas na ng cafeteria. Gwapo nga siya, yung accent nya ang gwapong pakinggan kaso hindi pa ako ready e.

 

“Wow ah! Everyday na lang may nag-bibigay sayo ng mga flowers pero tinatanggihan mo. Sayang naman! Dapat kinuha mo tapos binigay mo na lang sa akin. Hihihi!” Tama nga yung sinabi ni Starr, maraming nag-kakagusto sa akin kahit hindi ko aminin. Ewan ko ba sa mga yun, alam nilang hindi ako mag-kakagusto sa kanila pero pinag-papatuloy pa rin nila. Minsan nga di ko alam kung totoo yung mga pinag-sasabi nila, malay nyo dahil lang sa ego nila kaya sila nanliligaw.

 

“Ayoko nga, edi parang pinayagan ko na rin silang manligaw?”

 

“Ay oo nga no?” sabi nya tapos tumawa ng tumawa. Baliw sya katulad si Bess Tracy! Hahaha.

 

“Malapit na pala ang February.”

 

“Oo nga, ang bilis ng panahon, last year nung lumipat ako dito.”

 

“Ready ka na ba sa Valentine’s day?” tanong nya.

 

“Ano bang meron doon?” Ako nang bitter sa lover’s day.

 

“Ano ka ba! Ikaw lang ata sa school ang hindi alam nun e! Ay oo nga pala, nag-absent ka nun. Hahaha. Ganito kasi yan, paramihan ang mga students na babae na makatanggap ng chocolate at mga regalo mula sa mga boys at sila ang magiging Princess ng school natin! . Oh diba ang galing?! Hahaha! Sana may mag-bigay sa akin kahit malabo.” Maganda naman si Starr, wala lang syang poise. Pag tahimik nga yan, madaming napapatingin sakanyang mga lalaki.

Campus Nerd To Campus Princess (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon