Chapter 1: Beggining

34.8K 657 10
                                    

Aurelia's Pov

"Oh my god! I'm late!" Sigaw ko pagkagising na pagkagising ko.

Pumunta na ako sa Cr para maligo at mag ayos. Hindi na ako kumain. Dumeretso agad ako sa sports car ko at nagpunta na sa Academy. Pinark ko na yung car ko sa Parking lot at nag umpisa ng maglakad papunta sa building namin.

As usual. Walang gustong lumapit sa akin except sa malalakas ang loob at sa Bestfriend kong si Bryan Scott. Magkaiba ang ugali namin. Mabait sya at maarte ako. Di ko nga alam kung paano kami nagkakilala nun eh.

"Best!" Tawag sa akin ni Bryan nang makasalubong niya ako sa hallway.

"What?" Sagot ko naman sa kanya habang bahagyang nakataas ang kilay ko.

"You're late" natatawa niyang sambit na hindi ko alam kung inaasar ba niya ako o kung ano.

"I know." Inirapan ko nama siya.

"Alam kong di ka pa kumakain. Tara muna sa restaurant malapit sa Building natin?"pag aaya niya naman sa akin.

"Wala pa ba tayong teacher?" Tanong ko pa.

"Of course meron na. Di lang talaga ako pumasok." Natawa pa siya na para bang proud na proud siya dahil hindi siya pumasok.

Pero sabagay, late na rin naman. Nagkibit balikat ako. "Let's go?"

Sabay kami naglakad patungo sa restaurant na malapit sa building namin. Pinagawa ang mga restaurant dito sa loob noong nasa elementarya pa laman ako. Maya't maya daw kasi ang labas ng mga estudyante, at ang dahila nila, hindi daw nila gusto ang pagkain sa cafeteria.

Sa isang Japanese restaurant kami kumain ni Bryan. Daldal lang siya ng daldal habang ako naman ay tahimik na kumakain.

Mabilis naman kaming natapos kaya agad kaming pumunta sa classroom.
Sakto namang dumating yung teacher namin para sa second subject. Nasanay na akong nakatulala lang sa bintana kapag nagtuturo ang mga teachers. Wala naman kasing Interesting sa mga sinasabi nila eh. At isa pa, pumapasok lang naman ako dahil sa parents ko. Tsk

Lunch break na. Nakaupo pa rin ako sa Upuan ko. Kinuha ko yung lhone at Headset ko. Nilagay ko ang headset tenga ko at Finull volume ko ito para walang makaistorbo sa akin.

Habang nakikinig ako sa kanta at mat nagtanggal ng Headset sa Kaliwang tenga ko.

"Ano ba?!" Singhal ko

"Hey! Di ka ba nagugutom? Tara ng kumain." tanong ni Bryan na ngayon ay nasa harapan ko.

Umismid ako. "Ikaw lang pala, tsk. Tara" Tumayo na ako at nilagay ang phone at headset ko sa bag.

Sa Cafeteria na kami pumunta. Wala masyadong kumakain dun kaya konti lang ang tao.

Binuksan ni Bryan ang pinto ng Cafeteria at sumalubong sa akin ang mga bulungan nila.

"Diba sya yung Popular Girl na masama ang ugali?" Yan yung una kong narinig pagkapasok namin.

"Maganda nga. Masama naman ang ugali. Nakakainis yung mga taong ganyan. Grrr." sabi pa ng isa. Napairap nalang ako sa ere.

"Dapat sa mga taong katulad nya pinapatay!" Wow. I'm quite famous

"Wag kang magpapaapekto best" paalala ni Bryan sa tabi ko.

Humarap ako sa kanya at ngumiti. Naglakad ako papasok ng Cafeteria. Lumapit ako sa table kung saan nakalagay ang knife, spoon and fork. Kumuha ako ng knife at lumapit ako sa table nung mga babaeng pinagbubulungan ako.

Sinaksak ko yung knife sa gitna ng table nila.

"Wala kayong pakialam sa buhay ko. Anong sabi nyo? Dapat pinapatay yung mga taong kagaya ko? Pwes. Mauuna kayo!" I said with a smirk.

Bago ako tumalikod sa kanila ay napansin ko ang takot na bumalot sa kanila. Lumapit ako kay Bryan.

"Tsk. Nanggulo kana naman." naiiling na sabi ni Bryan.

Hindi ko na sya pinansin at naglakad na papuntang rooftop. Hindi ko na din pinasunod si Bryan sakin.
Pag akyat ko sa Rooftop ay walang katao tao. Pumunta ako sa favorite part ko na may chair and table. Pinagmasdan ko ang view sa ibaba. Ilang oras din akong nakaupo dun. Di na ako pumasok sa klase ko.

"Hi, our beloved princess"

Nagulat ako sa nagsalita. Linibot ko ang paningin ko sa paligid pero walang tao maliban sakin.

"Sino ka?!" Takot akong sumigaw.

"Di mo na kailangang malaman" isang baritonong boses ang narinig ko.

Napatayo na ako sa kinauupuan ko, dahil na rin sa takot na nararamdaman ko.

"Sino ka ba?!" Sigaw ko pa.

Humangin ng malakas. Nagliparan ang mga tuyong dahon at alikabok mula sa sahig dahilan para mapuwing ako. Kumuha ako ng panyo sa bulsa ko at ipinunas sa mga mata ko.

Biglang dumating si Bryan at lumapit sa akin.

"What happened?"

"Wala kang nakitang tao kanina pag akyat mo?" tanong ko agad sa kanya.

"Meron. Ikaw, bakit?" Nagtatakang sagot niya.

"Oh. N-nothing." Nagkibit balikat ako.

"You sure?" Paninigurado naman niya kaya agad akong tumango.

"Dumidilim na. Hindi ka pa uuwi?" tanong pa niya sa akin.

Tumigin ako sa kalangitan. Oo nga. Ilang oras na ba akong nandito? Panaginip lang siguro yun.

"Tara na." Pag aaya ko sa kanya.

Sabay kaming pumunta sa Parking lot at sumakay na sa car namin.
Dumeretso na ako sa bahay. Pagkauwi ko ay nakita ko si Dad na nasa Living Room.

"Hey Dad. Akala ko next week pa uwi mo?" tanong ko sa kanya.

"Napaaga." simpleng saad niya.

Nilampasan ko na sya. Umakyat na ako sa second floor kung nasaan ang room ko. Nagbihis ako ng pambahay at humiga sa kama ko. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

The Legendary Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon