Hinagis ko sa kanya yung isang unan sa couch at itinago ko naman ang namumulang mukha ko sa isa pang unan.

"Aray! Hindi yun ang ibig kong sabihin! Ang ibig kong sabihin, kaya ka ba galit ngayon kasi disappointed ka na ang laki ng lead ng Ginebra?"

Ang...

...A...no....?!

Hinagis ko ang hawak kong unan sa kanya at tumayo, "Aalis na ako. Bye."

"Uy. Sandali!"

Argh! Bobo talaga yun kahit kailan!

AKALA KO PA NAMAN NA ANG IBIG NIYANG SABIHIN AY YUNG HALIK PERO ISA LANG PALA SA MGA KABOBOHAN NIYA? PBA RAW?! MUKHA BA AKONG NANONOOD NG PBA?! ARGHHHHH!

Bubuksan ko na sana ang front door nang may humila sa'kin at isinandal ako sa pader with his two arms on my side.

Inilapit niya ang mukha niya sa'king napapaligiran na ng kaseryosohan ngayon.

"Sofie...

...did you expect na hahalikan kita kanina? Are you disappointed?"

(⊙_⊙)

.

.

.

Slap!

"ARAY! BAKIT MO AKO SINAMPAL?!"

Sinamaan ko lang siya ng tingin at umalis na ako.

Hindi naman niya naisip na sundan ako which is good.

Pero bakit?

Bakit ganun?

.

.

.

Did I really expect for him to kiss me?

Am I really that disappointed?

Kate's P.O.V

7:30 pm...

Sa mga ganitong oras, dapat nasa bahay na ako pero imbis na yun ang mangyari...

...siya ang kasama ko.

Nag-i-stroll kami sa park ni Kleifford.

Alam kong weird kung iisipin pero I just can't help but to wonder, may same feelings din kaya si Kleifford para sa'kin?

Hindi naman sa nag-a-assume ako, pero after all ng mga pinaggagawa niya sa'kin ng araw na 'to, hindi talaga maiwasang yun ang isipin ko.

Pero ayokong mag-expect! Baka mamaya, inaasar niya lang pala ako sa mga words niya nakakadugo at nakakapagpasabog ng left atrium ko!

Pero, kung may feelings pa rin siya para sa'kin o wala...

...hindi magbabago ang feelings ko para sa kanya.

Gusto ko siya. Sure na ako sa feelings kong yun. Alam kong hindi ko pagsisisihan na siya ang pinili ko.

Ewan ko ba dito kay Kleifford kung bakit naglalakad kami sa park. Sinusundan ko lang siya sa kung saan man siya pumunta at nagulat na lang ako nang malaman kong nasa park na pala kami.

Masyado ata akong deep in thought. Hahaha! Akala mo may love life na e!

Magkatabi kaming naglalakad, walang nagsasalita sa amin.

Yun ay nang may makita akong couple. Yung lalaki, nakaakbay sa babae.

Hm...speaking of love life, kailan kaya ako magkakaroon nun?

My 3 Identity BoyfriendWhere stories live. Discover now