MIW:ten

1.6K 45 1
                                    

Natsumi's POV

Natapos ang dinner namin ng halos hindi ako makahinga sa sobrang kabang nararamdaman ko.. sobrang seryoso kase ng mukha ng asawa ko na parang masamang masama ang timpla niya ngayon...

Inihatid ko sa kanilang silid ang mga bata at saka lumabas...

Papasok na sana ako sa kwarto naming magasawa ng..

"Sandali.. mag usap tayo.."ma-awtoridad na sabi ng nagsalita... syempre asawa ko yan kaya sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa may garden ng bahay...

"now speak.."

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin pero bahala na...

"ano kase.. ganto yun.. tumirik kase yung sasakyan sa may PingPong Street kase nawalan ng gasolina yung kotse ko... malayo ang bilihan ng gasolina kaya---"

"kaya humingi kayo ng tulong sa lalaking iyon?? Ganon ba?? Bakit hindi ako ang tinawagan mo para sunduin kayo??" katwiran ng asawa ko with his cold tone

"naisip din yan ni Stace pero sabi ko ano wag ka na naming abalahin sa trabaho mo kase----"

"at pinalabas mo pa na wala akong kwentang ama sa mga bata!!!"

Sinisigawan niya na ko... talaga yatang malaki ang naging kasalanan ko...

"h-hindi.. hindi sa ganon... ayoko lang talagang isipin mo na pabigat kami.. ayoko kasing mamroblema ka---"

"lalo akong namroblema sa ginawa mo!! Hindi mo ba naisip na baka kung ano ang isipin ng mga bata?!?!? Ako ang ama nila! Dapat ako ang tumutulong sa kanila...!! Sa inyo!!Hindi mo man lang ba naisip na mag asawa tayo?!?!? Dapat hindi ka hihingi ng tulong sa ibang lalaki lalo na at kasama ang mga anak natin!!"

"ano bang pinapalabas mo???!! Na hindi na naman ako nag-isip?? Na katangahan ang ginawa ko?? Ganon ba??"

"buti at alam mo!! Sa susunod wag mo kong ipapahiya sa mga anak natin! At wag na wag ka ng hihingi ng tulong sa lalaking iyon.. pinalabas mong wala akong kwentang asawa at ama at ilang beses ko na bang sinabing lumayo siya sayo?? At ikaw may asawa ka ng tao lapit ka pa ng lapit sa ibang lalaki..."

"okay!.. Now I get it!!...so it's all about pride!!!??? Letseng pride na yan Kurt! Kaya ka nagagalit kase pakiramdam mo nagkulang ka sa mga anak natin dahil sa hindi ikaw ang sumundo samin?? Ang babaw mo! Itigil na natin to wala ng patutunguhan ang usapang to!"

Galit akong naglakad papasok sa bahay ngunit pinigilan nya ako

"Sandali hindi pa tayo tapos mag usap!!"

Natigil naman kami ng...

"Mom, Dad?? Are you fighting??" si Stace habang kusot kusot pa ang mata... kasama niya si Natsu na blanko ang ekspresyon... jusko... anong palusot ba ang dapat kong sabihin??

"A—ahh.. h-hindi anak.. ano.. ano naguusap lang kami... oo tama naguusap lang kami" alam kong hindi kapani paniwala pero sana kumagat sila sa sinabi ko...

"But.. why are you shouting??" pahabol pa ni Stace.. naku po...

"napalakas lang ang volume ng voice namin Stace.. hindi kase kami magkarinigan kanina... okay?? Go to your bed and continue sleeping.. Natsu pumunta na kayo sa kwarto niyo...." sabi ni Kurt.. at sumunod na nga sila..

Pero halata ang hindi paniniwala ni Natsu... Kahit naman hindi namin sabihin sa kanya.. alam niya... alam niya na may problema na... matalino ang anak ko... walang duda..

"pagkatapos ng trabaho sabay tayong uuwi at may paguusapan tayo..."

Pumasok na siya sa kwarto namin... napaiyak na lang ako.. lagi na lang bang ganito?? Minsan ok kami.. pero mas nagiging madalas ang hindi namin pagkakaintindihan.. hindi naman siya ganon eh... hindi naman siya nagagalit sa mga ganito kababaw na bagay noon.. ano ba talagang nangyayari??

Pinahid ko ang aking luha at sa kwarto na lang ako ng mga anak ko matutulog...

Humiga ako sa tabi ni Stace... tiningnan ko si Natsu.. tulog na...

"Mom?? Bakit po kayo nandito??"tanong ni Stace

"Gusto ko kase bantayan ang baby ko... sige sleep na... maaga pa kayo bukas... goodnight"

"Goodnight din Mommy.. *mwah*"

Niyakap ko naman siya ng mahigpit...

Kinakabahan ako para sa paguusapan namin bukas... ramdam ko na may hindi magandang mangyayari pero sana... sana... sana malampasan ko yun.. sana masolusyunan namin yun..

------------------------------------------------

ιαмαƒαвυℓσυѕαυтнσя

Book 2 of MIF:My Imbecile Wife(Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon