Epilogue

1.9K 35 2
                                    

Months passed...

Natsumi's POV

Parang kailan lang muntik na akong sumuko sa pamilya namin ni Kurt.. parang kailan lang narinig ko ang mga masasakit na salitang ibinabato niya sakin.. ang malalamig niyang tingin.. at.. kailan lang din noong magkaayos kami... naayos ang pamilya namin at wala ng manggugulo pa...

Kakagising ko lang... nakita kong wala na si hon sa tabi ko.. napasimangot naman ako.. lagi na lang niya akong iniiwan tuwing umaga.. matapos kasing maayos lahat ng problema namin eh napagdesisyunan niya na bumalik na sa kompanya... hindi naman daw kase pwedeng lagi kaming aasa sa mga magulang namin..

Pero kahit naman bumalik na siya sa pagtatrabaho eh hindi pa rin siya nakakalimot at nagkakaroon pa rin kami ng quality time .. actually pagod na pagod kami kagabi..

Oy! Kung ano anong iniisip niyo ah.. ang ibig kong sabihin eh napagod kami kagabi dahil pagkauwi niya kahapon mga bandang 4 pm eh dumiretso kami sa mall para daw maipasyal ang mga bata.. nakakatuwa dahil hindi alintana ang pagod niya at nagawa pang magyaya sa mall..

Kaya ayun bago pa kami makauwi eh tulog na ang mga bata sa kotse.. dead bat din kami ni hon..

Kayo naman kung ano anong iniisip niyo.. hindi nga kase mature si author remember? hahha

Naligo na ako at nagluto.. pumunta ako sa kwarto ng mga bata ng malamang wala sila doon... kinabahan ako... hindi ko naman sila narinig na naglalaro sa labas.. asan sila? then biglang kong naalala na baka sinama ni hon sa mga lolo at lola nila dahil kahapon gusto nilang dumaan don pero hindi na natuloy dahil traffic na at nakatulog na din sila..

Hayyss... magisa pala ako ngayon sa bahay? Ngayon pa talaga nila akong iniwang lahat? Ngayong araw pa na to? Napakahalaga pa naman ng araw na ito.. tsk.. huwag niyong sabihin na nakalimutan niya??

Nagitla naman ako ng biglang may maliit na kamay ang humawak sa aking braso.. si Stace... nakita ko din na katabi niya si Natsu..

Magtatanong pa sana ako kung saan sila galing pero bigla akong hinila ni Stace paupo at nilagyan ako ng blindfold ni Natsu.

Napapangiti na lang ako.. mukhang hindi naman niya nakalimutan..

Iginiya ako ni Stace papunta sa kung saan.. naririnig ko pa ang impit niyang tawa...

Naramdaman ko na lang na biglang nawala ang presensiya nina Stace at Natsu... nagulat na lang ako ng may kamay na yumakap mula sa likod ko..

"Happy Anniversary hon. Akala mo nakalimutan ko no.." bulong niya sakin..Then he kissed my cheeks.. tss.. may pablindfold pang nalalaman..kundi ko lang talaga mahal ang taong to naku...

babati na din sana ako pero naisip ko..  magpapahard to get muna ako..  ahhahha

"tss.. alisin mo na nga itong blindfold.."

"ito na nga po mahal kong asawa.."

Maingat niya namang tinanggal ang panyo.. matapos niyang alisin nanansing pa ang lolo niyo at hinalikan ako sa labi.. 

wala na... mukhang hindi ko na kayang magpahard to get dahil sa kasweetan niya.. inismiran ko na lang siya at siya namang tawa nito..

then biglang may sumabog na party popper...

"Mom.. Dad..happy anniversary po... We love you"

Sabay nilang sabi nina Stace at Natsu at parehas kaming hinalikan sa pisngi..

"Mom.. Dad.. Kiss! Kiss!!" sabay na sigaw nila

"pano ba yan hon.. Kiss daw.." sabi ni Kurt sabay nguso..

"hay nako ang babata niyo pa! hala! Pumasok kayo sa loob" balik na sigaw ko..

"Mom.. dali na.. dad is waiting.." pangungulit ni Stace ..  natatawa lang naman si Natsu

Ano pa nga bang magagawa ko? Sa cheeks ko na lang siya kiniss..

Nadisappoint pa si hon at mukhang nalugi.. hahahha

Pumasok na ang mga bata kami na lang ni Kurt ang naiwan dito sa garden.. may isang table dito at nakalagay lahat ng paborito kong pagkain.. pinaupo naman niya ako..

Wala pa rin umiimik ... talagang nagtampo nga siya dahil sa cheeks ko lang siya kiniss.. hay! Ang babaw lang!lumapit ako sa kanya nagulat pa siya ng bigla kong hilahin ang kwelyo niya kaya napatayo siya..

At walang pasabi ko siyang hinalikan..

"oh ayan.. Happy Anniversary.. wag ka ng magtampo hon.. ok?"

Gulat pa rin siya.. pero mabilis ding nakabawi .. nagsmirk pa siya ng marahan niya akong hinila at muling naglapat ang mga labi namin..

"I love you hon... hindi naman ako nagtatampo eh.."

At ginulo ang buhok ko.. namula naman ako dun.. kinikilig pa din kase ako sa mga simple gestures niyang ganito.. sinapak ko lang siya sa dibdib niya.. mahina lang naman.. pero nag 'aray' pa siya at ngumuso na naman...

"Tss.. I love you too na lang din..." sabi ko

Tumawa lang siya at niyakap ako ng mahigpit..

"I love you so much hon... wala ng kahit na sinong makapaghihiwalay sa atin... you are my life.. My Imbecile Wife.."

Napangiti na lang ako at ginantihan din siya ng yakap..

"pero.. sana masundan na talaga natin si Stace—"

Hinampas ko naman agad siya..

"tumigil ka kung ayaw mong putulin ko ang dapat putulin"

Narinig ko pa ang paglunok niya.. haha

"oo na po mahal kong asawa.."

Napatawa na lang ako..

Maraming pagsubok ang dumaan sa aming magasawa.. Dumating nga sa point na hindi ko na kinaya pero... nagtiwala lang ako sa kanya.. nagtiwala ako sa pagmamahal ko sa kanya.. doon ko na-realize na hindi ako dapat sumuko.. dahil kung ginawa ko yun.. Hindi ako magiging masaya at walang Happy Anniversary na magaganap ngayon...

-----------

ιαмαƒαвυℓσυѕαυтнσя

Short message ni Author:

sa mga nagustuhan ang book 2 ng My Imbecile Fiancee.. maraming salamat sa inyo kahit na mukhang ang tamad ni author mag update.. hahah sorna.. medyo gipit kase sa time. Salamat sa pag-appreciate ng effort ko.. sa uulitin.. kita na lang tayo sa mga susunod kong libro.. though baka hindi na kathniel ang gagamitin kong characters.. kpoper din po kase ako kaya maaaring Korean idols naman ang maging bida..

sa mga nadisappoint naman po.. pasensiya na dahil yan na lang talaga ang kinaya ng sabog na utak ni author.. heheh.. pero sana ay walang nadisappoint.. umaasa pa rin ako.. XD haha.. Lovelots😘

Book 2 of MIF:My Imbecile Wife(Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon