MIW:one

3.5K 53 1
                                    

A month before the contract for Annulment...

Natsumi's POV

It's been quite a life...

Andami na ding nangyari at ang sarap lang balikan ng mga alaala.

Naalala ko pa noong nalaman nina mom and dad, Kurt's parents, na gangster din si Kaisha. At first tutol sila syempre pero tinanggap din nila.

Naalala ko bigla yung gustong ikwento sakin ni Andrea noon na hindi matuloy tuloy. Naikwento na din naman nya noong naging maayos na ang lahat.

Tungkol pala iyon sa pagkikita nila ni Nathan. And now, masaya na din ang dalawa as well as Kaisha and Brix.

While me, well I'm happy... I guess..

10 pm na at nandito ako sa kwarto nina Natsu at Stace... tulog na sila.

Pinagmamasdan ko sila kase kumakalma ako kapag nakikita ko ang mga anak ko.

Pinaglihi ko si Natsu at Stace sa mga kpop idols di nyo naman ako masisisi dahil alam nyo namang kpoper ako way back then kaya ayun lumalaki silang gwapo at maganda. Well, may pinagmanahan naman.

Kinumutan ko sila at kiniss sa noo, buti na lang at hindi na ganon kahirap patulugin si Stace...

Sanay na din kase siya na late ng umuwi ang daddy nya...

at ngayon nga hinihintay ko na naman siya... sana ay ayos lang siya

Bumaba na ako at nagulat nang biglang marahas na bumukas ang pinto...

"My God Hon!kanina pa kita inaantay... Anong nangyari sayo??" Sabi ko sabay takbo patungo sa kanya saka siya inalalayan..

Gaya ng inaasahan ko lasing na naman siya... wala na naman siyang imik... tinulungan ko siyang humiga sa kama namin... kumuha ako ng mainit na tubig at tuwalya saka ipinunas sa kanya...

Laging ganto ang ginagawa ko pagkagaling niya sa trabaho babalik siyang lasing o di kaya ay didiretso agad sa office room niya dito at doon matutulog...

hindi ko alam kung bakit ganito... wala akong ideya kung may problema ba kami o sadyang pagod lang siya sa trabaho.. halos dalawang buwan na rin siyang ganito...

Noong una siyang umuwi nang lasing... tinanong ko siya kung may problema ba.. o stress ba siya sa trabaho.. nagulat na lang ako noong niyakap niya ako ng mahigpit noon at narinig ko na lang siyang umiyak...

may part sakin na gustong itanong pa ang dahilan pero nanatili lang akong tahimik... parang may gusto siyang sabihin pero ramdam ko ang takot niya dahil pahigpit ng pahigpit ang yakap niya...

Hanggang sa bumitaw siya at walang imik na dumiretso sa kwarto... hindi pa ako nakatulog noon sa kakaisip ng problema niya..

kung meron man nararamdaman kong wala siyang balak magsabi... pero nawala naman ang pag-aalala ko noong kinaumagahan na nakita ko siyang nakangiti sa akin.. hinalikan niya ako sa noo at sinabing

"I love you hon.. trust me.. ok?"

Tumango na lang ako at ngumiti sabay halik sa kanya... goodluck kiss ika nga para ganahan siya sa trabaho..

"Bye hon I Love you too, I trust you. *mwuah* *mwuah* *tsup* *tsup*"

Narinig ko pa siyang tumawa at saka sumakay sa kotse niya.. saka ko naman ginising ang mga anak ko para pumasok na sila sa school....



Yon ang pinakahuli niyang I love you sakin... ngayon nag-uusap na lang kami kapag tungkol sa mga anak namin..

Kahit nagtatrabaho siya at laging busy sa kompanya eh hindi siya nawawalan ng oras sa amin ng mga anak niya..

pero hindi ko alam...parang nararamdaman ko na ang paglamig ng pakikitungo niya..

pilit kong pinapakita na ok lang ako.. sa harap ng mga anak ko... para sa mga anak ko..

simula noong nale-late ng uwi ang daddy nila ay nagtanong na sila sakin

"Mom.. Nag-away ba kayo ni daddy?? why are you so cold to each other??" si Stacey.. Though we prefer calling her Stace .. kahit 5 yrs. old pa lang yan.. ang mature niya nang mag-isip...

"No baby.. your daddy and mommy is just tired...  don't worry, okay.." sabi ko sabay gulo sa buhok niya..

"Are you sure mom?? you two are okay?" pag-uulit ni Natsu..

itong anak kong to ang mahirap paliwanagan... hindi siya maniniwala sa basta sabi lang... hanggat hindi niya nakikita hindi siya maniniwala..  

kaya nginitian ko na lang siya na parang sinasabing ok na ok ako..  Promise! Cross my heart..

Sana nga ok ako

Ayoko kasing pati sila madamay at mamroblema dahil lang sa hindi kami nag-uusap mag-asawa..

Lagi kong pinapaliwanag sa kanila na wag nilang masyadong i-stress ang daddy nila dahil pagod siya lagi sa trabaho.. buti naman at nakikinig sila..



Natapos ko na siyang punasan at ako naman ay humiga na rin sa tabi niya..

Nagulat na lang ako ng may pumatak mula sa mga mata ko.. ito na naman ako..

"hon?? Ok ka lang ba?? Ok lang ba tayo?? Pilit kitang iniintindi... sabi ko sa sarili ko may nagawa ba ako?? Ako ba ang may kasalanan ng pagbabago mo?? Please hon.. bumalik ka na sa dati.. please..."

Pinipigilan kong humagugol dahil baka magising ko siya.. humarap na lang ako sa kabilang side saka pinakalma ang sarili.. at unti-unting nakatulog...

Kurt's POV

Wag mo kong pahirapan ng ganito Natsumi... Inilalayo ko ang sarili ko para sayo... para hindi ka na mahirapan... Para hindi ka na mag-alala.. pero sa tuwing maririnig kitang umiiyak.. sa tuwing nakikita kitang malungkot... parang ayoko na... pero kailangan...

Bumangon ako at kinumutan ko siya ng ayos...

"I Love you Hon.. mahal na mahal kita.." at hinalikan ko siya sa noo..

-----------------------------------

ιαмαƒαвυℓσυѕαυтнσя

Book 2 of MIF:My Imbecile Wife(Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon