Chapter 25

10.7K 300 37
                                    

I've learned that people will forget what you said, people will forget what you did, but people will never forget how you made them feel.
~Maya Angelou

Lira PoV

"Here we are."

Pagkalabas namin sa sasakyan, imbis na Police Station ang nadatnan ko sa Mental Hospital niya ko dinala.

"Don't tell me, all this time dito siya at hindi sa presinto? "
Tumingin ako sa kanya habang nakapamaywang.

"..." Hindi niya ko sinagot, basta ang atensiyon niya nakay Baby Xion na ngayo'y karga-karga niya.

"Ben? Ano ba nangyari?" Binalik niya ang tingin sa akin. Halata sa mukha niya ang pag-aalinlangan. Ano nanaman ba kaya ang nililihim ng lalaking to saken?

Nakatunganga lang siya sa harap ko.

"Ben!" Pagtawag ko ulit.

"Okay, okay." Pagprotesta niya."Binugbog niya yung mga kasamahan niya sa bilangguan, he made them deadbed. Kaya ayun, nagdesisyon na yung korte na ipadala siya dito since may case siya ng mental disorder."

Napabuntong hininga ako sa narinig ko at napasapo sa ulo.

"Lira, alam ko kung anong iniisip mo ngayon, maybe he's just defending himself kaya niya nagawa yon."

Nginitian ko siya. " Pwedeng iuwi mo muna si Baby Xion? Gusto kong pumunta doon na ako lang mag-isa. Ikaw na bahalang magpaliwanag kay Warren."

"But Lira-"

"Ikaw na rin nagsabi na pagkatiwalaan ko siya. Isa pa, ayokong dalhin si Baby Xion, bata pa siya. If you know what I mean."

Tinapik niya ang balikat ko at ngumiti ng may pag-aalala. "Basta tawagan mo ko kung may masamang nangyari sayo ."

"Medical staff na ang bahala sa akin." Pagbibiro ko. Daig niya pa si Warren sa pagiging paranoid.

Kumunot ang noo niya. "Lira Im serious."

"Mukha nga." Tinawanan ko siya.

"Yeah, yeah. Basta mag-ingat ka."

Tinanguan ko siya at lumapit ako kay Baby Xion, tinapik ko ang ulo nito ng marahan. "Goodbye Baby Xion, magpakabait ka ha?" Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Aww, paano naman si Baby Ben?" Binalingan ko ng tingin si Ben na ngayo'y tinuturo ang pisngi niya.

"Detective Ben!" Tinaas ko ang kamao ko sa harapan niya. "Baka ito gusto mo?"

"Sabi ko nga eh, sige aalis na kami ni Xion."

Nagtawanan kami at di nagtagal sumakay na sila sa sasakyan. Hinintay ko silang makaalis bago ako pumasok.

==
"Yes Ma'am?" Tanong sa akin ng isang babaeng nurse sa counter.

"Um-bibisitahin ko si Daniel Andrews." Sabi sakin ni Ben nagpa-schedule na siya basta sabihin ko lang pangalan ko.

"Name po?" Tanong ng nurse habang inihahanda ang isang log book.

"Lira Amora."

Ibinigay niya sa akin yung logbook at ballpen. "Paki sagutan na lang po."

Pagkatapos kong ifill-up yung logbook, may sumundo sa aking isang lalaking medical staff.

"Hello Ma'am" Bati nito. "Im Saige and I'll be your guide."

"Lira Amora." Sagot ko.

"This way Ma'am." Nagsimula siyang maglakad sa harap ko.

Sumunod ako sa kanya papasok sa isang elevator. Nakita kong pinindot niya ang 3rd floor. Tahimik lamang kami sa loob, kalmadong kalamado lang siya, unlike me.

I Own You, LiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon