Chapter 7

17K 337 11
                                    

"You were like a rock in my path, I tripped on it, but I didn't fall. I felt it's presence, but I kept on my path."
-Susan Benjamin
---------------------------

Lira  PoV

Pagpasok ko sa banyo inilock ko agad ang pinto.

Nakakahiya....ayoko na talagang manatili dito.

Ramdam ko parin ang pamumula ng aking mukha mula pa kanina.

Bigla akong nakaramdam nanaman  ng panlalamig sa katawan, napatingin ako sa kaliwa at nakita ko ang aircon.

"Hanggang dito sa banyo may aircon?!" Tinakpan ko agad ang bibig ko, baka marinig niya. Hinimas ko ang katawan ko panlaban sa lamig.

Dama ko din ang lagkit sa katawan ko, dapat na kong maligo masama na rin ang amoy ko.

Inilibot ko ang aking  paningin  sa banyo, malinis, mabango at may bathtub.

Naaalibadbaran na ko sa sarili ko. Mas malinis pa tong banyo kesa sa katawan ko.

Gustong gusto ko na maligo pero bago yan, iinspeksiyunin ko muna ang paligid...baka may cctv o ano pa man na nakalagay.

Dahil sa nangyari kanina, napatunayan ko na hindi lang siya demonyo, manyak pa.

Nilibot ko ang banyo at manghang mangha pa rin ako sa bahay niya.

Grabe, mas malaki pa tong banyo niya kesa sa apartment ko.

Nang mapatingin ako sa salamin, agad kong pinuntahan yon at tinignan ang aking sarili.

"Ang dungis ko at magang-maga na ang mga mata ko sa kakaiyak."
Hinawakan ko rin ang aking buhok, mabuti't hindi pa magulo pero wala na siyang amoy.

Pagkatapos kong tignan ang aking reflection sa salamin, napagdesisyunan ko nang maligo.

Naghubad ako at isinabit ko ang aking damit sa hanger na nasa tabi ng salamin.

Pumunta ako sa bathtub, isinindi ko ang hot water tapos coldwater.

Maligamgam na tubig ang gamit ko tuwing naliligo ako.

Humiga ako habang nakatingin sa taas ng puting kisame.

"Ayoko na dito...." Bulong ko.

Habang nakababad ako sa tubig, hindi pa rin mawala sa aking isipan ang kondisyon ni Daniel.

"Marry him...?"

Nababaliw na talaga ang taong yon.

Tss. Ayoko nang maniwala, baka gawin niya nanaman ang ginawa niya sa akin dati.

Flashback

Tumatakbo lang ako ng tumatakbo habang tumulo ang aking mga luha.

Nang bigla akong mabangga. Napaupo ako sa sahig dahil sa lakas ng pagkakabangga ko.

Ipinunas ko ang aking mga mata na kanina pa lumuluha.

May naaninag akong kamay sa harapan pero abala ako sa pagkusot ng aking mga mata.

Nang luminaw na ang paningin ko.
.
.
.
Hindi ko inakalang si Daniel Andrews ang nabangga ko.

Tumayo ako agad at hindi na pinansin ang kamay niya na nakaharap sa akin.

"S...orry hehe."  Pilit kong tawa.
Hindi ko kayang tumingin ng diretso sa kanyang mga mata dahil sa ilang at sakit na nararamdaman ko ngayon.

"What's wrong?"

Nagulat ako sa narinig ko, ngayon ko lang narinig ng malinaw ang boses niya.

I Own You, LiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon