Prequel: Before the World Ended
Book 1: Breakout
Book 2: Fragmented
"Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito! Lumayas ka!"
"Papatayin nila tayong lahat!"
"Bakit hindi mo pa ipaintindi saakin ang nangyayari ngayon?"
"Ipinadala kami para patayin ka...
"Goodmorning Mam." Tamad na tamad akong umupo at napatingin sa bintana.
Nag iimagine ng kung ano ano at nag mumuni muni dahil wala naman talaga akong balak makinig kay mam
"Gusto kong makilala niyo ang magiging bagong classmate niyo. Galing siya sa District X na lumipat dito para maipag patuloy yung kanyang pag aaral."
Pagkasabing pagkasabi ni mam ng District X ay napalingon ako sa kanya, kasabay narin nun ang bulong bulungan ng mga katabi ko
District X? Mula District A-Z ang District X ang pinaka magulo at nakakatakot na lugar.
Hindi kaya killer to? O may ginawang kalokohan kaya tumakas?
Napatawa nalang ako ng mahina sa naisip ko.
Maya maya ay may pumasok na lalaki sa room namin.
"Theon. Theon Kizon." Napa lunok ako ng nagsalita siya. Napakalamig ng boses niya nakakatakot. Kinabaligtaran ng itsura niyang... hmm... mukha namang mabait?
Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.
(Theon Kizon)
"Welcome to Grade K- Sedah Mr. Theon. Maaari ka nang maupo sa may tabi ni Ms. Cassandra Ford."
Aw oh.
"Ms. Cassandra Ford?" "Mam?" Tanong ko sabay taas ng kamay ko.
Napatingin naman si mam at nginitian ako, nagtama din naman ang paningin namin.
Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Hindi sa kilig ah, wag kayong ano. Kundi sa takot lalo na ng ngumiti siya. Nangingibabaw yung kulay pula niyang mata na tila may tinatagong kung ano man.
"Theon." Sabi naman niya at naglahad ng kamay niya, nakikipag shake hands ata.
"Cassandra Ford" Sabi ko naman at ngumiti at nakipag shake hands sa kanya.
Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.
(Cassandra Ford)
"Ang ganda ng mga mata mo." Wala sa sarili kong sinabi.
Agad na nanlaki ang mata ko at tinakpan ko ang bibig ko. Shit nakakahiya.