"Tanga tanga ka talagang paslit ka! Hahaha thank you kasi pinatawad mo na agad ako" sabi niya at ngayung oras ako naman ang napatulala.

Ang pogi talaga ng mokong na ito, kahit saan anggulo mo siya titigan.

"Tapos na tayo diba? Ito na lang basura. Tara na" yaya niya at inaayos ang necktie niya at nakatuping sleeves ng long sleeves niya at kinuha na ang blazer niya.

"Ako na magtatapon mauna kana sa dance studio, may di ka pa na praktis eh. Ako natapos ko na kanina unti na lang. Sige na!" tulak ko sa kanya at binuhat ang basura.

"Oo na oo na, sunod ka na lang!" sabi niya habang naglalakad ng patalikod at sinisigawan ako.

"Oo" sigaw ko pabalik at shinupii siya.

***

"Buti na lang at magkakasundo na tayong lahat! at buti na lang pinakiusapan kapa nitong si Alex, Zyron. Swerte mo at hindi gaya ng ibang tao si Alex na matindi mag tanim ng sama ng loob" sabi ni Sean habang naka indian sit kaming lahat dito sa lapag sa dance studio at katatapos lang ng praktis.

"Oo na oo na, nagkamali na ako. Sa susunod di na ako basta maninisi ng ibang tao dahil sa kagagawan ko. Tsaka hindi na ako magpapahiya ng kung sino mang paghihinalaan ko. Pero paslit di porke ganto nangyari eh mabait na ako sa iyo. Syempre pagti-tripan pa din kita" lumalabas na sungay na sabi ni Zyron -_-

"Oo na lang" sabi ko sabay irap.

"Sama talaga ng ugali mong Hinayupak ka" galaiting sabi ni Hera at balak batukan si Zyron ng umusog si Zyron.

"I know, pero mas masama lang sa akin sina Ziann at Zane" natatawa niyang sabi.

"Pantay-pantay lang kamo kayo!" giit ni Ezekiel.

"Hoy di ah, mas maitim budhi ni Zane. Kahit kami nga ni Zyron walang panama dyaan" depensa ni Ziann na ikina-irap ko sa kawalan.

"Parehas lang kayo.... Pero bat nga pala kayo magkasabay Zane at Alex?" tanong ni Ms.Pres at napatingin ako kay Zane.

"Eh nakita ko siya sa labas ng mansion tapos sinabay niya ako ng sapilitan sa taxi" sagot ko.

"Kaya ka pala di sumabay kila Ziann?" tanong ulit ni Ms.Pres pero kay Zane yun.

"Na leyt ako ng gising tss, nagkataong nakasabay ko siya dahil nag-aantay ako ng taxi sa labas ng Mansion" sagot ni Zane.

"Ahh, kaya nemen pele. Kala ko pa naman" nabubuang na sabi ni Ms.Pres.

"Tss, wala akong balak intayin yan. Bakit ko siya aantayin, just wasting my time" suplado niyang sabi at isa pang irap ulit para sa akin.

"Sabi ko sa inyo, mas maitim budhi ni Zane" singit ni Ziann.

"Wow nagsalita, parehas lang kamo kayo" sabat naman ni Zyron, at nagsimula na sila magtalo.

"Hoy mabait ako, kayong dalawa ang hindi. Ikaw kasi napaka isip bata mo!" - Ziann

"Ano problema dun? Sweet ko nga eh! Eh ikaw playboy madaming babae!" - Zyron.

"Eh gwapo ako eh bakita ba? May magagawa ba tayo sa ka gwapuhan ko?" - Ziann -_-

"Gwapo ka lang, ako PINAKAgwapo" - Zyron -_-

"Hoy hoy! Sino sabi?! Ako una nilabas kaya sa akin lahat napunta ang kagwapuhan" - Ziann

Nabuburyong na kami sa pagtatalo nila na wala namang katuturan, dahil sobrang hangin nila pareho kaya nagsitayuan kami at lumayo sa dalawa.

"Psh, buti di ka namana sa dalawang yun" sabat ni Kent kay Zane, nagsama ang mga suplado.

"Gaya mo ko sa kanila Kent. Tss" tugon ni Zane.

"Ang hangin nila pareho, tatangayin na tayo" reklamo ni Hera.

"Kaya nga umalis na tayo" sabi ko.

"Sa akin 90 percent kagwapuhan ko, sa'yo na yung 4 percent at kay Zane yung 5 percent" - Ziann

"Hala! Mas lamang si Zane?! Favorite eh ano? Eh bat 4 percent lang akin, san natira yung 1 percent pa?" - Zyron.

Lumingon naman sa akin si Ziann ng nakangisi at humarap sa kakambal niyang may saling demonyo gaya niya. Tapos nag ngisihan sila at.....

"Kay paslit yung 1 percent. Pagbigyan na, bihira na nga lang siya mag mukhang tao" sabi ni Ziann.

"Inaano ko kayo?!" sigaw ko.

"Hahaha galing galing! Okay na yan. Malaki na pasasalamat ni paslit at kahit 1 percent ng kagandahan meron siya este pagiging mukhang tao" pang aasar naman ni Zyron.

Napa-irap na lang ako at dabog na lumabas ng dance studio.

Maid Ako Ng Bad Boy TripletsWhere stories live. Discover now