"Arte naman! Gawin mo na lang kasi, halika na para matapos ka at tulungan kita" nagulat naman ako sa pag prisinta ni paslit at bago pa ako maka tugon ay hinila niya na ako palabas ng Guidance.

Alex's POV

Isang word ang masasabi ko sa inyong lahat kung nasaan ako.

Kadiri!

"Kasi naman eh, sabi ko sa iyo ayoko maglinis yuckkk! Bayaran na lang natin yung janitor at palinisin 'to, eww" reklamo ni Zyron, ang bakla niya sa totoo lang.

"Arte ba, ikaw na nga pinagbigyan eh. Pasalamat ka pa nga pinagbigyan ka ni Ms.Dalgaso" suway ko sa kanya at hinubad ang blazer ko at inangat ang sleeves ng long sleeves ko hanggang siko.

"Eh kesa namang linisin ko ang rest room niyong mga babae?! Si Zyron? Ako? Maglilinis ng C.R ng mga babae? Wow" paghehesterikal niya.

"Nako Zyron, kung sinumulan na natin diba? Edi sana paunti na lang ang trabaho! Pasalamat ka't tinulungan pa kita dito kahit nagawan mo ako ng kasalanan!" sigaw ko at ibinigay sa kanya yung liquid soap panlinis.

"S-Sige na nga!" sabi niya na nauutal. Problema nito?

Nagsimula na kaming kuskusin yung mga bowl dito at ang baho!

"Ang baho paslit!" reklamo ni Zyron, nahiya naman ako sa kanya na nagbubuhos lang ng liquid soap!

"Arte mo! Sino kayang mas mababahuan sa atin" sigaw ko at piningot ang ilong ko para di maamoy yung baho.

"Sabi ko sa'yo! Suhulan na lang natin ang janitor" sigaw niya at nagsisigawan kami dito.

"Manahimik ka nga, utos ito sa'yo hindi sa janitor" suway ko sa kanya.

Mga ilang oras kaming naglinis ng bowl at muntik pa akong masubsob sa bowl dahil sa kaartihan nitong si Zyron, mga di kasi laki sa hirap kaya ganyan kaarte.

Lumabas muna ako at hinabilin sa kanya yung ginagawa ko, una pa nga nagreklamo siya pero pinagalitan ko nga. Hahaha ako boss ngayun, nakalanghap ako ng hangin na ikina fresh ko at pinunasan ang pawis ko at nagtali ng buhok. Init.

Pumasok ulit ako at naabutan kong nakaupo sa lapag ang pawis na pawis na si Zyron at niluwagan ang necktie niya.

"Tapos ka na?" tanong ko sa kanya.

"Grabe, grabe talaga ang baho sobra sobra! Sa susunod ayoko na'tong gawin as in ayoko! Tss" paghehesterikal ulit niya.

Napaupo ako sa tabi niya at natawa.

"Para kang bakla ahahaha" natatawa kong sabi.

"Nakakatawa paslit, psh. Maliligo talaga ako mamaya sa Mansion ang kadiri!" reklamo niya ulit.

"Arte arte. Pero Zyron, paano yung kwintas mo? Diba importante yun?" tanong ko at natahimik muna saglit.

"Wala na, kasalanan ko naman eh. Sinisi pa kita, pero di ka nagbibiro pinapatawad mo na ako agad?" harap niya sa akin.

Ngumiti muna ako bago magsalita.

"Diyos nga pinapatawad mga kasalanan natin kahit malalaki, ako pa kaya? Oo okay na sa akin yun" sabi ko sa kanya at napatingin lang siya sa akin ng matagal kaya medyo nailang ako at umiwas ng tingin.

"Thank you" napalingon ako muli sa kanya, dahil di ko akalaing magsasabi siya ng ganyan.

"Paksit!" sigaw ko at napatayo na ikinakunot ng noo niya.

"Oh?" tanong niya.

"Uminom kaba ng maraming gamot na overdoze ka or may sakit kaba, o di kaya nauntog ang ulo mo sa pader o ano pa man?!" sunod sunod kong tanong.

Maid Ako Ng Bad Boy TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon