Nakakagigil talaga ang Liz na yon! Kung hindi dahil sa kapampaman nya ay sana nabantayan ko si Kurt.

Naglakad na ko palabas at nanlaki ang mga maya ko nang makitang papasok naman sya. Diretso ang tingin nya papasok sa loob hanggang sa nalagpasan ako.

Sinundan ko sya pabalik na mukhang nahalata nya kaya napalingon sya sakin.

Nagtaas ng kilay at inirapan ako.

I cannot believe he just rolled his eyes at me. I was offended! Ang kapal ng pagmumukha ng walangya!

Hindi ko namalayang huminto sya kaya naman ay nabunggo ako saknya. "Ouch." Hinimas ko pa ang noo kong tumama sa likuran nya.

Mukhang kinakausap nya ang waiter at naghahanap ng lighter. Hinarap nya ako. His face crumpled, annoyed with me. He probably thinks I'm stupid! Wala na bang katapusan ang kahihiyan ko ngayong araw na ito?

"Are you blind? Or just plain stupid?" sabi nya nanakapagpainit ng ulo ko. Kahit napangunahan na ng utak ko ang maaaring sasabihin nya ay iba pa din kapag sinabi na sakin ng diretso.

"You're blocking my way." Tinaasan ko sya ng kilay. Hindi nawala at lalo pang sumama ang tingin nya sa pagsagot ko.

"Kurt!" napalingon ako sa tumawag sakanya. "Ano yan?" Nilingon ko ulit sya at mukhang hindi man lang nya sinulyapan ang tumawag sakanya.

"Just one of my stalker," he answered but I'm pretty sure I was the only one who heard him. He's pissing me off!

"Kurt!" sigaw ng isa pa sa mga kasama nya.

"Stalker?!" nanggagalaiti ako habang nakatingin sa pagmumukha nyang walang ka reareaksyon sa harap ko. Sarap hambalusin!

"I hate your face." At saka ako tinalikuran! Sa gulat ay hindi ako nakapagsalita. Ngayon lang may nang insulto sa itsura ko! So pangit ako? ha?! pangit ako?!

Sa bwisit ko ay inabot ko ang isang pares ng aking sapatos at ibinato sakanya. "Mas ayoko sa pagmumukha mo!"

Hindi ko na sya hinintay na sumagot at tinalikuran na sya at tuloy na lumabas na ng bar. Bwisit! Walang modo talaga ang lalaking yon! Masyadong... mayabang!

"Miss?" Tumingin ako sa tumawag. "What? I'm not interested!" mataray na supalpal ko kaagad. I'm nit in the mood to entertain suitors right now. Masyado akong napikon sa Kurt na yon! I lost my cool just because of that... that bastard!

Tumawa sya. "Hindi ako manliligaw. Nakita ko lang na kausap mo si Kurt kanina bago ka lumabas. Magkakilala kayo?"

Hindi ko makakalimutan ang sinabi nyang hate nya ang pagmumukha ko!

"No! Just knowing that jerk would embarass me! Napaka walang modo!"

Tumawa sya ng malakas sa sinabi ko. "Harsh. What did he do?"

"Wala. Just being his normal self! Siguro ay tumayo lang sya dyan ay iinit na ang ulo ko!"

Wala akong ginawa kundi mag rant at wala akong pakialam sa kung anong iisipin ng kung sinuman itong nasa harapan ko. I don't care. All I know is I'm going to make that Kurt pay for whatever he said! Kumukulo ang dugo ko maisip pa lang ang kanyang pangalan.

"Sorry kung anuman ang ginawa nya. I'm actually one of his friends." Halos pabulong na sabi nya. Kahit ang kanyang kaibigan ay ikinakahiya sya!

"Why are you saying sorry? Ikaw ba sya!? At kahit lumuhod at lumuha pa sya ng dugo sa harap ko ay hinding hindi ko tatanggapin ang sorry nya! Isaksak nya sa baga nya!

Kung anu ano pa ang sinabi ko hanggang sa medyo kumalma ako sa lantarang pambabash ko sakanya sa harap mismo ng kaibigan nya.

Pagkatapos kong dumada at nang mawala ng konti ang pagkabanas ay saka lang nag sink in na itong kaharap ko ay kaibigan nya!

I can use him.

Tinignan ko sya at mukha pa syang aliw na aliw sa pagkakabwisit ko sa kaibigan nya.

"I'm L.A." pagpapakilala ko.

Lalo pa yata syang naaliw sa bilis ng pagbabago ng aking mood.

"Parang hindi ka nag rant kani kanina lang ah." Natatawang sabi nya pa. "Yuan."

Tumango tango ako. Hindi ako makaisip ng pwedeng idahilan sa hihingin kong pabor! Nandito sya habang walang preno kong tinatrash talk si Kurt.

"Can I ask you a favor?" pikit matang sabi ko. My gosh. Ang kapal ng mukha ko. Nakakahawa talaga ang kakapalan ng mukha ng Kurt na yan.

Naaliw nya akong tinitigan. "Agad? Kakasabi ko pa lang ng pangalan ko favor agad?"

I know! Nakakahiya pero kahit na! "Can I ask you about Kurt? Anytime? Kahit random lang?" Lulubus lubusin ko na. Nasimulan ko na e.

Mukhang nagulat sya sa favor na hiningi ko at hindi agad nakapagsalita.

Tinitigan nya ako ng matagal at gusto ko na lang lamunin ng lupa nang marealize kung anong ginawa ko.

Mabuti na lang at tumunog ang cellphone ko sa panibagong message na pumasok.

Alanganin akong ngumiti. "Mukhang hinahanap na 'ko!" Ipinakita ko pa ang aking cellphone to make a point at umamba na ng pagtalikod sakanya.

"Wait," diretso nyang hinablot sa kamay ko ang cellphone at may tinype na kung ano. Hindi nagtagal ay nakarinig ako ng cellphone na nagriring. Mukhang idinial nya ang kayang numero sa aking cellphone.

Binalik nya ang cellphone ko. "You owe me." Kumindat pa sya at tuluyan ng pumasok sa loob ng 54th Street.

Mr. COLD (the heartbreaker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon