CHAPTER 20: RAPUNZEL'S NIGHTMARE CASE

Magsimula sa umpisa
                                    

“What do you want Gray?” malambing niyang tanong kay Gray.

“Kung ano ang gusto ni Amber, yon na lang din ang akin.” He didnt even bother to look at her.

“Do you want pizza?” tanong ulit ni Marion.

“Anong kakainin mo?” Gray asked me. Tumingin na rin si Marion sa akin. I know shes jealous!

“Ah, p-pizza would be fine,” wika ko at tumayo.  Ako na ang kukuha ng order ko! Alangan namang iasa ko pa kay Gray, takot ko lang baka utusan niya si Marion! Tumayo rin si Gray at sumunod sa akin.

“Sama ako sa yo, pizza na lang ang kainin mo Marion, kami na ang kukuha.” Tumayo si Gray at nakisabay sa akin. Naiwan naman sa mesa si Marion. Nang makalayo na kami roon ay siniko ko si Gray.

“What are you doing? Ginagamit mo ba ako upang pagselosin si Marion?”

“At bakit ko naman siya pagseselosin? Shes very annoying, I cant stand her anymore. Alam mo bang bantay sarado niya ako? Daig pa niya ang bodyguard!” Mukhang naiinis na talaga siya sa kakulitan ni Marion.

“Shes pretty and she likes you.”

“So? Shes not the first girl who happened to like me. Im not bragging this ngunit marami pang magagandang babae ang nagkakagusto sa akin but they just dont interest me at all.”

“Ang yabang mo.”

“Hindi ako nagyayabang, that's the truth.” He smiled sexily and that annoyed me! Nang binigay na ng staff ang order naming na pizza at coke in can ay ipinasa ko ang tray kay Gray.

“Dalhin mo yan doon sa mesa.”

“You paid it?” I just nod at him and he frowned at me. “You should have let that brat over there pay these.”

“Sige na, dalhin mo na yan doon.”

“Opo, mahal na prinsesa.”

Pumunta muna ako sa CR ng cafeteria. Pagpasok ko ay bigla na lang akong bumangga sa isang babae. It was the first victim of Rapunzel's nightmare, Janine. Ngayon ko lang siya nakita sa malapitan. Nahulog ang dala niyang filecase at natapon ang mga laman na papel. Tinulungan ko siyang pulutin iyon at humingi ng pasensya.

“I'm sorry, hindi ko sinasadya,” wika ko habang pinulot ang mga papel. Napahinto ako nang mapulot ko ang isang sobre. It was from a private clinic of Doctor Rena Montalban, a gynecologist. Agad iyong inagaw ni Janine sa akin at nagpaala  matapos magpasalamat. Napatitig ako sa kanya habang papalayo.

Napansin ko na tila umiiyak siya. I also noticed na mabalbon siya. I was thinking of something about her ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin at pumasok na sa loob ng CR. Nang lumabas ako ay bumalik agad ako sa mesa kung saan naroon sina Marion at Gray.

Matapos ang break ay bumalik na kami sa klase for our Math class. Habang nagle-lecture ang guro namin ay may bumabagabag sa isip ko. Is it possible? Paulit-ulit ko iyong inisip. Nagulat na lang ako nang biglang may humampas ng ruler sa mesa ko. Napakislot ako sa gulat. Nang iangat ko ang tingin ko, it was our terror Math teacher.

“Where on earth is your mind Miss Sison? Kanina pa kita tinatawag ngunit hindi ka nakikinig. Mind sharing your thoughts in the class?” It was the old Miss Laid. She was our strict math teacher. Palibhasa kasi ay matandang-dalaga.

Yumuko ako. “Sorry po.”

She scowled at me bago muling bumalik sa harap at muling itinuloy ang pagdi-discuss. Damn, bakit ba ako spaced out kanina? This is the first time na napagalitan ako sa klase! It's so embarrassing!

DETECTIVE FILES. File 1 (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon