Chapter 19- Run Away

94.1K 1.9K 38
                                    

Mugto ang mga mata ni Jenna ng magising siya. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya sa kakaiyak.

"Ano na Jenna?"
Napangiwi siya ng makaramdam ng kirot. Hindi lang sa gitna ng kanyang mga hita maging sa kanyang dibdib.

Kinapa niya ang puso kung may pagsisi ba siyang nararamdam sa pagbibigay niya ng sarili kay Caleb?

"Wala, at least naranasan kong makarating sa heaven." Nanghihinayang lang siya dahil agad naman siyang pintulan ng pakpak at ibinagsak sa lupa.

Hindi niya alam kung kailan siya makakabangon. Pakiramdam niya lasog-lasog na ang puso niya. "Hugot pa more, Jenna."

Naligo siya at inayos ang sarili. Kailangan niyang pumunta sa City Hall para kunin ang mga gamit.

Hindi na siya nag-abalang magsuot ng pekeng salamin at mahabang palda.

"What's the use? Caleb already knew who she is."

Papasok siya ngayong araw bilang si Jenna Strom Sarmiento. She put a little make up on her eye's para hindi malahatang mugto ito.

She wore her sexiest corporate dress, litaw ang kanyang mahahaba at mapuputing hita. Hinayaan niyang nakaladlad ang kanyang mahabang buhok.

She stared at her reflection in the mirror.

"Welcome back, Jenna Storm Sarmiento."

Laglag ang panga ng mga empleyado ng bumaba siya sa kanyang sasakyan. Didiretso na sana siya sa kanyang office ng harangin siya ng information officer.

"Ahmm, ma'am saan pong office ang punta niyo? Kailangan niyo po kasi munang pumirma dito logbook."

Jenna smiled at the woman. "Miss Cathy, si Jenna to."

"Ma'am Jenna?" hindi makapaniwalang tanong ng babae. Nagtinginan naman ang iba dahil patili nitong nabigkas ang pangalan niya.

Jenna nodded. "Pipirma pa ba ako sa logbook?"

Umiling si Cathy. "Hindi na ma'am, sorry hindi ko kayo nakilala." Hindi parin ito makapaniwalang nakatitig sa kanya.

Muling ngumiti si Jenna, sinadya niyang i-imbay ang mga balakang niya sa paglalakad hanggang sa makapasok siya sa kanyang opisina.

Nadatnan niyang nagbabasa ng newspaper si Mang Randy. "Good morning, manong."

Kunot noong ibinaba ng matanda ang binabasa nitong newspaper. "Sino po sila?"

Maya-maya pa ay nanlaki ang mga mata nito. "Mam Jenna?" Napatayo ito at lumapit sa kanya. "Akala ko kung sino ng artista, sinasabi ko na nga ba."

Natawa si Jenna sa matanda. "Na ano manong?"

"Na may itinatago kang ganda mam. Nakakagulat parin, mas maganda ka pa kay Angelina Jolie."

Muling napahalakhak si Jenna. "Ikaw talaga kuya, kaya magkasundo tayo eh." Napatingin siya sa pinto ng opisina ni Caleb. "Nandiyan ba si mayor, manong?"

Tumango ang matanda. "May nangyari ba sa inyo kagabi mam?" pabulong nitong tanong.

Jenna's cheeks burned, inosente ang pagkakatanong ng matanda ngunit double meaning ang dating sa kanya. "Opo, manong."

"Kaya pala mainit ang ulo niya mam."

Napalapit na si manong Randy sa kanya, ayaw niyang patuloy itong lokohin kaya ipinasiya niyang aminin dito ang lahat.

Lumabag na din siya sa rules ng Olympus, lubos-lubusin na niya. Maiintindihan naman siguro siya ng kanyang tito Zion.

"I'm sorry, manong."

"Ako man ay napaniwala niyo mam." bakas ang sakit sa mata ng matanda.

Jenna tried to stop her tears from falling. "Sa maniwala kayo't sa hindi manong, totoo ang lahat ng ipinakita ko sa inyo."

"Alam ko mam." Sa kabila ng nalaman ay ramdam ni manong Randy na nagsasabi ng totoo ang dalaga. "Bigyan mo lang siguro ng kaunting panahon si Mayor, matatanggap din niya ang paliwanag mo." pagpapalakas niya ng loob dito. "Nadale na ang mayor ng Sta. Monica."

Niyakap ni Jenna ang matanda "Salamat po sa pang-unawa."

Nagkatinginan si Jenna at manong Randy ng tumunog ang intercom.

"Coffee!"

Tinanguan siya ng matanda ng papasok na siya sa opisina ni Caleb habang hawak ang kape. "Goodluck mam, huwag ho kayong mag-alala hindi ho nangangain ng tao si Mayor kapag galit."

Imbes na matawa ay namula si Jenna sa biro ni manong Randy. "Bakit niya ako kinain kagabi manong?"

After knocking thrice, Jenna entered Caleb's office. Nadatnan niya ang alkaldeng madilim ang mukha habang nakatutok sa mga papeles sa harap nito.

Caleb lifted his head ng mailapag niya ang kape sa mesa nito. "So, that's the real you?" Nang-uuyam itong napangiti habang pinagmamasdan siya. "You look like a slut, baby."

Tila ilang libong karayom ang tumusok sa dibdib ni Jenna. She knew it's her fault, but he has no right to insult her.

"When are you leaving?" malamig pa sa yelong tanong ni Caleb.

She clenched her fist. "Tomorrow." Mahinahon niyang sagot, pinili niyang huwag ng patulan ang alkalde.

"Okay, you may leave."

Wala man lang bang halaga dito ang pagbibigay niya ng sarili at atat na itong mapaalis siya? Kung kanina ay karayom ang tumutusok sa puso niya ngayon pakiramdam niya pison na ang nakadagan dito.

Malalaki ang hakbang na nilisan ni Jenna ang opisina ng alkalde. Dumiretso siya sa banyo para doon ibuhos lahat ng nararamdaman niya.

Ng kumalma ay inayos niya ang sarili at parang walang nangyaring lumabas siya.

***

"Miss, nandiyan ba si Caleb?" No doubt, the woman is gorgeous. She's wearing jeans and blouse at hindi nito maitatago ang magandang hubog ng katawan.

"Ano hong kailangan nila ma'am?"

"He knows I'm coming." Nakangiti nitong sagot.

Pinagmasdan ni Jenna ang babae. Wala man lang siyang makitang kapintasan nito."Okay, pasok na ha kayo sa office ni mayor ma'am."

The woman smiled and thanked her then she entered Caleb's office with finesse.

"Kaano-ano kaya ni Caleb ang babae?"

Filled with curiosity, alam niyang hindi na niya dapat pang makita ang nangyayari sa opisina ng alkalde. Ngunit tila may sariling isip ang kanyang kamay at binuksan ang monitor ng kanyang laptop. She put her headset on.

"Hey, how's the hottest Mayor in town?" The woman kissed Caleb on his cheek.

Jenna cussed, tangnestea, halik lang sa pisngi ang nasaksihan niya ngunit tila pinunit na ang kanyak dibdib.

Caleb smiled, "stunning as always." He praised and embraced the woman.

"Syet, sperm nitong malagket! Ganito ba talaga ito kabilis magpalit ng babae?"

Jenna closed the laptop, hindi na niya kayang panoorin pa ang mga ito.

Napatingin siya sa resignation letter na pri-nint niya sa kanyang harapan.

"Umuulan ba?"

Sa pagkakaalam niya ay wala namang butas ang bubong ng City Hall.

Napahawak si Jenna sa kanyang pisngi. Ang mga mata pala niya ang salarin bakit nabasa ang resignation letter niya.

"You are unlucky Jenna." Marahas niyang pinahid ang kanyang mga luha. Baka hindi pa si Yorme ang forever niya.

Pinirmahan niya ang kanyang resignation letter.

"After all, she is Jenna Storm Sarmiento. Walang inuurungan but for now she needs to run away from Mayor Caleb Ryder Venganzo to save her heart." 




The Hottie MayorWhere stories live. Discover now