PROLOGUE

185K 2.5K 170
                                    

"Levi, nasaan ka?!" Ayan na naman sya. Pinilit kong isiksik ang sarili ko sa ilalim ng aking kama.

"Putangina kang babae ka! Lumabas ka dyan!"

Nararamdaman kong papalapit na sya dito sa kama ko. Shit!

"Ayaw mong lumabas dyan? Papuputukin ko yang deputang ulo mo! Wag mong ubusin ang pasensya ko Levi!"

Wala na akong nagawa kundi lumabas sa pinagtataguan ko. Kaysa naman mamatay ako ng wala sa oras. Kilala ko sya. Hindi yan magdadalawang-isip na patayin ako.

"Good Girl." Nakangisi nyang sambit sabay hila ng buhok ko ng napakalakas.

"A-Aray ko po." Iyak ko..

"Hindi mo ako madadala sa paiyak iyak mong yan! Hala sige, magbihis kana at magtrabaho sa club!" Pagkatapos ay itinulak nya ako, kaya sa matigas na lapag ang landing ko. Napahawak nalang ako sa mukhang nabali kong likod.

"Nilalagnat po ako." Umiiyak ko paring saad. Lumapit naman sya sa akin at tinadyakan ako sa binti na syang halos ikapilipit ko sa sakit.

"Isang salita pa mula dyan sa letche mong bibig. Papatayin na talaga kita! Huwag mong pinapainit ang ulo ko!" Sabay labas at sara nya ng pinto ng napakalakas.

Kinalma ko ang aking sarili at pagkatapos ay iika-ikang tumayo at naglakad sa harap ng salamin..

"Mama, bat nyo po ako iniwan sa kanya?" Tumatangis kong tanong habang nakatingin sa aking repleksyon sa salamin..

Ang sakit ng likod ko pati narin ng mga binti ko. Halos mamanhid narin ang ulo ko sa lakas ng pagkakahila nya sa buhok ko kanina.

"Sirang sira na ang pagkatao ko. Matagal ng dinungisan ng demonyong iyon!" Nanggagalaiti kong sambit. Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim.

Papatayin ka nya Levi kung hindi mo sya susundin. Pangongonsensya ng isipan ko.

Kaya sa ayaw ko man o sa gusto ay inayos ko nalang ang sarili ko para agad na makaalis sa impyernong bahay nato. Magagalit na naman iyon pag wala akong dalang pera mamaya. Sana naman ay maraming mayayamang kleyente sa club mamaya para malaki ang tip. Para naman hindi na ako saktan ng demonyo kong ama amahan!

.
.
.

FORTALEJO SERIES presents...

PURCHASED BY A BILLIONAIRE.

(Leon & Levi Story)

Purchased By A Billionaire (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now