Chapter 41

644 25 5
                                    

*****
ENJOYY

*****

ARA'S POV

Ilang araw ang lumipas, ngayon na lang ulit ako uuwi ng dorm..

hindi ko muna kasi kayang makita si mika, lalong alam ko na sobrang laki ng kasalanan ko sa kaniya, nasaktan ko siya..

nang makarating ako sa dorm, napansin kong tahimik.. lahat ng tao sa sala, nakatulala.. halata naman eh, kasi lahat sila nakatingin sa isang quote sa taas ng tv..

lumapit ako kay ate aby at yumakap sa kaniya

me: motherf, bakit po mukhang lutang ang mga yan?

hinawakan niya naman ang mga braso kong nakayapos sa kaniya..

aby: daughter, mas mabuti pang umakyat ka sa kwarto niyo ni yeye..

kahit na nagtataka, tumango na lang ako saka umakyat sa kwarto namin..

nakita kong may bear sa kama ko, at letters?

pero walang bakas ni mika.. nakabukas ang cabinet niya at wala na lahat ng damit niya.. ni kahit ano, wala siyang iniwan..

lumapit ako sa bear na nasa kama ko at niyakap ito.. amoy na amoy ko ang scent ni mika..

napaluha ako ng marinig ko ang boses ni mika sa bear..

"Ara, I love you.. I'm sorry."

napansin kong may nakaipit sa bear na envelope..

"For my love"

Dear Ara,

MAHAL KITA.. alam kong hindi papasa ang capslock sa kung gaano kita kamahal.. at alam kong hindi kasya ang sulat na ito para malaman mo lahat ng nararamdaman ko, patungo sa pinakamaliliit na detalye.. unang una, patawarin mo ko dahil dati, nasaktan kita.. alam kong nagkamali ako kasi mahal naman pala kita. tinatago ko lang ito.. ara, una pa lang, alam mong okay lang sakin na magkagusto sa isang babae kung mahal ko nga talaga, kaya hindi totoo na kasi babae ka kaya hindi kita pwedeng mahalin.. nabulag ako, ara eh.. natakpan ang pagmamahal ko para sayo..alam kong sobrang labo ko pero mahal kita, at yun, totoo yun.. napakadesperada ko nung humingi ako ng pagkakataon sayo, kahit na alam ko na hindi kita pinagbigyan noon.. nasasaktan ako dahil mahal pa rin kita kahit taken ka na, kahit wala tayong pag-asa.. ngayon, wala ako sa piling mo.. hindi para mag-move on kasi alam kong di naman mawawala ang pagmamahal ko sayo hehe.. pero para bigyan ka ng space.. ayokong araw-araw, guilty ka na lang... gusto ko maging masaya ka.. yun na lang ang magagawa ko.. sana maging masaya ka... always..

i love you sooo much :*

-yeye

HUMAHAGULGOL NA PALA AKO...

Di ko alam na ganito na pala nasasaktan si mika..

parang nagsisisi na ata ako sa naging desisyon ko..

tumakbo ako pababa..

at padiretso na sana ng pinto..

nang bigla akong hilahin ni ate kim..

kim: ara, saan ka pupunta?

me: kailangan kong puntahan si yeye! kailangan kong sabihin sa kaniya na mahal ko siya! kailangan niyang bumalik, ate! i can't afford to lose her again!


paalis na naman ako ng hilahin niya akong muli..

kim: ARA! WAG KANG PADALOS-DALOS SA DESISYON MO! WAG MONG SAKTAN NG PAULIT-ULIT SI MIKA.. ilang beses mo na siyang nasasaktan.. WAG MO NA RIN IDAGDAG SI SHIELA! Pare, dalawang babae ang nagmamahal sayo! wag mo silang saktan pareho!

humarap ako sa kaniya at yumapos sa tuhod niya..

me: ate mahal ko si mika :'( at kapag di ko pa siya makausap ngayon, mas lalo lang siyang mawawala sakin..

hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko..

kim: ara, ikaw ang nagdesisyon na piliin si bang. dapat hindi ka nagsisisi ngayon kasi una sa lahat, siya naman ang pinili mo.. dapat may paninindigan ka, ara.. di ko kinakampihan si shiela, okay? ayoko lang na masaktan mo rin siya.. si yeye? ara, alam kong sobrang sakit para sa kaniya to.. buti nga at nakakapagpigil pa ako kundi matagal na kitang nasapak ngayon pa lang. dude, best friend ko rin yung nasasaktan mo.. kung hindi ka pa makapagdesisyon ng maayos diyan at masasaktan mo lang rin si mika, pinapangako ko sayo, masisira ang pagkakaibigan natin.. mahal ko bilang kaibigan ang best friend natin na si yeye, ara.. at dati pa lang, nagsumpaan tayo na kapag may nasaktan na isa sa atin, pagtatanggol ng isa't isa, pero dahil ikaw ang nananakit sa kaniya, ako ang makakalaban mo.. kasi, imbes na protektahan mo, sinisira mo eh.... alam kong, mas parang kinakampihan ko pa si mika, pero masisisi mo ba ako kung masyado ko lang pinahahalagahan ang pagkakaibigan natin? mika protected us nung may bashers tayo, she protected us nung may nananakit satin, nung may nangungutya sa atin.. she was always there for us, pare.. now, it's time na tayo naman ang pumrotekta sa kaniya.. at kung hindi mo magawa yun, ako na lang.. i can't see myself hurting mika.. i'm sorry, pare, pero tigilan mo na ang pananakit kay mika..




saka siya nag-walk out..


tama siya.. naging padalos-dalos ako sa pagdedesisyon.. mas pinairal ko ang konsensya ko kesa sa tunay kong nararamdaman...



tama na naman siya.. we promised na kami ang magpoprotekta kay mika... pero sa ngayon, ako mismo ang nananakit kay yeye..

she doesn't deserve this..





she doesn't deserve getting hurt like this.. tama pa ba lahat ng ginagawa ko?









isa lang ang alam ko ngayon...



















I can't lose mika again.. kasi siya pala.. siya pala dapat ang pinili ko..

--------------------

tyfr :)

this chapter was meant for ara's pov only hahaha..

votez and commentz :)

Whatever Happens (Mika Reyes-Ara Galang-Bang Pineda)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon