Hapon na ng matapos ang Laro kaya naman nagsibalikan muna kami saaming kwarto at nagpahinga.

Pagpasok ko saaking kwarto ay agad akong nag tungo sa kama at nadatnan kong may nakalatag na dun na Towel, Undies at isang Floral white dress.

'I already prepared your clothes, I know that you're tired. You did great. See you later x'

Iyon ang nakasaad sa papel na nakapatong sa Dress na nasa kama ko. Ang ganda ng dress na ito parang binili sa mamahalin na Shop. Well what do you expect? That's Dylan Fortalejo. Isa sa mga binatang bigatin sa Business industry. Kahit na walang pangalan niya ito ay saulo ko pa din ang sulat kamay nito.

"Hey sis!" Napatalon ako ng biglang umentra saaking kwarto si Azami na ngayon ay may mga dalang damit.

"Why are you here?" Bungad ko sakanya at saka pumatong saaking kama.

"Dito na ako maliligo." Pahayag nito saakin na ikinakunot ng aking noo.

"Why? Don't you have shower in your Room? Sabihin mo kay Rio." Sabi ko pa rito at hindi na napigilan ang pag hikab.

"Tss, ewan ko ba dun! Nalingat lang ako saglit may kausap na agad na Babae! Take note, Sky and Dylan are with them. Well you know si Blake matagal na siyang babaero pero well nung dumating si Harumi nag bago siya saglit nga lang until umalis tayo and TADA! Mas lumala pa nga." Napa buntong hininga ako ng maaalala ang pagkakasira ng Relasyon nila Harumi ng dahil saakin.

Kahit nung nasa Japan pa kami ay hindi kami nawalan ng Communication kanila Harumi at Miyu netong bumalik lang kami sa Pilipinas saka nawala dahil na rin siguro sa Busy kami sa kanya kanyang career.

"Who gave you this?" Nabaling ang tingin ko kay Azami na ngayon ay hawak hawak na ang Note na ibinigay saakin ni Dylan.

"Dylan.." Simple kong sagot atsaka pumikit dahil na rin sa nakaramdam ako ng antok dahil na rin siguro sa pagod.

"How d'you know? Wala namang pangalan na nakalagay dito." Kumabog ang aking dibdib ng bigla akong tanungin ni Azami. Shit.

Hindi ako nakasagot agad kaya naman naupo ako sa kama at sinalubong ang mapanuring mga mata ni Azami.

"Did you already remember everything?" I don't have to keep this as a secret besides Azami is my cousin more like sister.

Dahan dahan akong tumango at nakita kong paglaki ng mata niya at agad akong yinakap ng napaka higpit!

"Shit azami let go. Can't breathe." Nasobrahan ata siya sa excitement kaya pati pag yakap niya sumikip. Linayo niya naman ang kanyang sarili saakin at ngiting ngiti akong hinarap nito.

"OMG! You're back!! That's why, kaya netong mga nakaraang araw ay napapansin kong bumabalik na ang mga dati mong kilos yun pala nakaka alala ka na gaga ka!" Sabi pa nito sabay hampas sa braso ko. -___-

Babalik n asana ako sa pagtulog nang bigla akong tanungin nito na kung Pano daw iyong nangyare...

"I don't know. One day I woke up na naaalala ko na ang lahat. Well nung nasa Japan pa tayo may mga konting memory na ang bumabalik at nung nasa Pilipinas na then poof, I remembered everything."

"How come hindi sumakit ang ulo mo? Hindi man lang ako nagka hint na baka may naaalala ka na." Umayos ako ng higa at muling ipinikit ang aking mga mata.

"I don't know? Siguro kasi hindi ko pinipilit maka alala kaya naman nanumbalik lang ito ng normal." Narinig ko pa siyang pumalakpak at saglit na natahimik.

"So...Pano si Dylan and Lander?" Nanikip ang dibdib ko ng maalala ko si Lander. Hindi ko alam kung pagtataksil ba itong ginagawa ko dahil nagugustuhan ko ang pag dikit saakin ni Dylan because seriously, I really missed him so much.

"Nothing will change Azami. I love Lander and that's it. Dylan and I are good friends. That's all."

"Oh please Akiri Rei Gonzales, lokohin mo na lahat wag lang ako." Tinapunan ako nito ng unan na ikinatawa ko at siya namang pag alis niya saaking kama at dumiretso na sa banyo.

What can I do? Kahit na nagbabalik na ang ala ala ko ay hindi na rin ibig sabihin non na kailangan naming mag balikan ni Dylan. I'm happy with Lander and I'm sure with that.

And Dylan? Isa sa mga pinaka gwapo at mayaman sa Business industry na halos lumuhod na ang mga babae mapansin niya lang, I believe that he'll find his own happiness and someday build his own Family.



Hindi ko alam pero nang pumasok iyon sa isip ko ay una kong naramdaman ang pagkirot ng aking puso.




Masakit isipin na kahit alam mong gusto niyo pa ang isa't isa ngunit wala ka nang magagawa kundi ang pabayaan nalang ang mga nangyayare dahil ikaw mismo alam mo sa sarili mo na...Hindi na pwede.


Would you Stay? (BOOK 2 OF MS.SNOB MEETS MR.CASANOVA)Where stories live. Discover now