What he just said made me snap. Naitulak ko siya sabay sabing, "Umiiyak ako?!"hindi makapaniwalang tanong ko sakanya. Tumango tango lang siya bilang sagot. Mangangatwiran pa sana ako ng may malasahan akong maalat, mga luha, umiyak nga ako? Ni ako mismo sa sarili ko ay hindi ko alam kung bakit.

Doon ko lang napansin na pinagtitinginan na pala kami ng mga dumadaan. Ano ito? Live show? Ngayon lang sila nakakita ng babaeng umiiyak? Eh bakit nga ba ako umiiyak?

"Oh."sabi saakin ni Ramin habang inihaharap saakin ang braso niya.

"Ha? Matagal ko ng alam na malaki yang biceps mo. Bakit pinapakita mo pa saakin?"nagtatakang tanong ko sakanya habang marahas na pinupunasan ang luha kong hindi ko alam bakit bigla nalang lumalabas.

"Haha. Funny ka talaga kahit kailan no? Halata namang kanina mo pa ako gustong gawin punching bag diyan e. Haha. Ilabas mo yang galit mo para hindi ka na umiyak."he said habang kampanteng kampante na hindi siya masasaktan kahit pa ilang suntok ang gawin ko sakanya.

Siya na ang malakas! Siya na ang macho! Yuck! Pwe! But I know better than wasting my energy. Ako pa ba ang lilinlangin niya sa tagal na naming magkakilala?

Ikinuyom ko ang mga kamay ko. And with that look on his face, mas lalo lang umiinit ang ulo ko. Akala niya talaga ay susuntukin ko siya? Baka ako lang lalo ang masaktan kapag ginawa ko yun. Mas matalino kaya ako sakanya. Oo! Ako talaga! Bawal kumontra dahil hindi maganda ang gising ko. In a count of three I let out my rage na kanina ko pa pinipigilan. Pinagsasabunutan ko talaga siya sa daan dahil alam kong ayaw niyang ginugulo ang buhok niya.

Pinagsisigawan ko siya sa daan habang sinasabunutan. There's nothing but the real smile on his face na sobrang makapagbagabag ng konsensya. Promise! Feeling ko bigla ang sama sama ko. He's not laughing at me. He's giving me that genuine smile of him. Ugh!!!

"Bakit? Bakit ka nakangiti diyan ha?"tanong ko sakanya habang hingal na hingal ako dahil sa pang-aapi ko sakanya. Pero ang unfair dun ay hindi manlang siya nadungisan kahit kaunti.

"Haha. Okay kana? Halika na. Mag-breakfast ka muna. 6:30am palang. Yun ang totoong oras. Pati tuloy pagkain ko kanina e naistorbo dahil diyan sa drama mo, ha?"he said to me while slightly pinching the bridge of my nose. He said that na para akong bata na pinagsasabihan niya.

"Hindi ako gutom."tanggi ko sakanya ngunit traydor talaga yung tiyan ko na walang kaabog abog na nagreklamo na gutom na siya.

"Haha. Tatanggi pa kasi e."sabi ni Ramin at wala na akong nagawa pa ng akbayan niya ako.

Namumulang sumunod ako sa mga hakbang niya. Hindi ako namumula dahil kinikilig ako o dahil ang bango ng kili-kili niya ha. Namumula ako dahil sa kahihiyan ko. Dahil sa kaingayan ng tiyan ko. At wag na wag niyong isipin na defensive ako dahil I tell you, hindi!

Tahimik kaming nag-breakfast. Wala ng nang-asar saakin dahil talagang pikon ako. Aminado ako. Hay.

"Ready ka na?"tanong saakin ni Ramin habang nakatayo kami sa labas ng gate ng bago naming school.

Nagkalat ang mga estudyante sa buong paligid. May mga parang nagrereunion, may mga mukhang lovers, at may mga tamang loner lang. Hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil sa mga estudyanteng paminsan minsan ay napapalingon saamin ni Ramin.

"Uhm. Sige. Pasok na tayo para mahanap na agad natin yung room natin."i made it sound like i'm excited of the thought of being in class pero ang totoo niyan ay sobrang kabado ako.

Tahimik kaming pumasok ni Ramin sa loob at talaga namang nakakabingi ang ingay ng mga estudyante doon. I was actually watching them habang si Ramin naman ay diretso lang ang tingin sa pupuntahan namin. I kind of envy those group of girls na masayang nag-uusap usap sa gilid. Hindi kasi talaga ako friendly. Lagi lang si Ramin ang nasa tabi ko dahil noong sinubukan kong makihalubilo sa grupo ng mga babae ay binully lang nila ako. My parents don't know about that. Kami lang ni Ramin ang may alam nun. And since then hindi ko na ulit tinry na makipagkaibigan sa iba. That's why minsan ay sobrang protective saakin ni Ramin. Para ko na siyang tunay na kapatid.

Sa wakas ay nakita rin namin ang Room 303.

"Uhm. Ramin, papasok na ba tayo?"nag-aalalang tanong ko sakanya dahil rinig mula sa labas ng room na nagkakasiyahan ang mga tao sa loob nun.

"Oo naman. Wag kana matakot. Nandito naman ako."he said to calm me which is very effective samahan pa ng ngiti niyang pang toothpaste commercial.

I let out a heavy sigh before nodding my head. Bubuksan na sana ni Ramin ang pinto pero the unexpected happened. May nagbukas ng pinto mula sa loob at muntik na talaga akong magkabukol sa ulo kung hindi lang mabilis at alerto si Ramin.

"Oh."dinig kong sambit ng isang babae. 'Oh'lang ang masasabi niya? Wala man lang bang 'Sorry'?

Ang lakas parin ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang pagkagulat ko. Siguro kailangan ko ng mag-exercise para hindi ako magkasakit sa puso ano?

Hindi nakalampas sa paningin ko ang kakaibang tingin nung babae kay Ramin. Obviously she's into him but then her gaze landed on me at parang diring diri talaga siya sa itsura ko which reminded me of the bullying that happened to me years ago. Yumuko nalang ako.

"Hindi na nga marunong mag-ingat, hindi pa marunong mag-sorry."napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi ni Ramin. Ramdam ko ang pagkairita niya pero nakakapanibago dahil nun ko lang siya nakitang ganun.

"Tara na Em."aya niya saakin sabay hila papunta sa loob ng room.

Tila huminto ang mga tao sa loob. Nanatili nalang akong nakayuko hanggang sa makahanap si Ramin ng upuan para sa aming dalawa. Ramdam ko ang titig ng mga babae saamin, o kay Ramin. Para silang nakakita ng prinsipe habang yung mga lalaki naman ay parang nakakita ng karibal. Ayoko ng pansinin yung tingin saakin ng mga babae pero hindi ko talaga maiwasan.

Paulit ulit kong idinarasal na sana dumating na yung teacher namin. And i let out a sigh when my prayers were answered. Mukhang matinding adjustment ang kailangan namin.

To be continued..

@ysang_aiza 2016

CHASING DREAMSWhere stories live. Discover now