Si Dara ang tumawag sa akin.

"Ah eh. May binili lang." sabi niya.

Tinignan ko ang kotseng naka-park sa gilid niya. Mukhang sa kanyang sasakyan 'yon. Mukha ngang may binili lang siya.

Na-miss ko din 'tong maingay na babaeng 'to.

Hindi kasi maingay si Faith kagaya neto.

"Tara. Kain muna tayo." aya ko sa kanya.

"Eh. W-wag na. Uuwi na-----"

Hindi ko siya pinatapos magsalita dahil nahila ko siya.

"Taeyang!!!" sigaw niya nung nahila ko siya.

"Psh. Daming satsat." napadpad kami sa Jollibee dahil ito ang malapit dito.

Pinaupo ko na agad siya dahil ako ang mag-oorder.

"Anong gusto mo?" tanong ko.

"Treat mo ba?" tanong niya naman.

"Malamang. Psh. Dali, anong gusto mo?" saad ko.

Nakita ko ang pag-ngisi niya.

"Gusto ko? Hmmm. 2 champ burgers, 1 large fries, 1 chocolate sundae, 1 peach mango pie and 1 large coke. Thanks. " sabi niya at ngumiti ng nakakaloko.

What the hell?

"Lahat 'yon sayo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo! Gusto mo bang ako pa ang pumili sayo?" nakangiti niyang tanong sakin.

"No, thanks." sabi ko at umalis na.

Dumiretso ako sa counter at nag-order.

"3 champ burgers, 1 large fries, 1 chocolate sundae, 1 peach mango pie and 2 large cokes." sabi ko.

"Okay, sir." sabi niya habang pinoprocess ang order ko.

"549 pesos po ang total." nakangiti niyang sambit sa akin.

What the heck? Naka-500 agad?

Nagbigay ako ng 600 pesos.

"Change niyo po, Sir." sabi nung cashier at binigay sa akin ang sukli ko.

Nginitian ko nalang siya.

After a few minutes...

"Sir, eto na po yung order niyo." she said habang nilalagay sa tray ang mga order ko.

Nang matapos niya ang paglalagay, binitbit ko na yung tray papunta sa table namin ni Dara.

"Yehey!" parang batang sabi niya.

I don't know why pero napangiti ako.

Ni-transfer ko na yung foods from the tray to the table. And after, umupo na ako.

"Oh ayan, kumain ka na."

Nang pagkasabi ko nun ay agad niyang kinain 'yong burger.

O____O

"Huy. Hinay-hinay lang. Hindi ka mauubusan. Haha!" sabi ko.

Tatlong subo niya lang ata 'yong burger.

"Eh ano naman? Mas masarap 'to kapag mas mabilis kang kumain." sabi naman niya.

"Alam mo, magkaibang-magkaiba kayo ni Faith! I mean ni Chaerin." bigla kong sambit.

"Kami? Magkaiba? Pa'no mo nasabi?" tanong niya habang ngumunguya.

"Tahimik si Chae, samantalang ikaw napaka-ingay. Ikaw ang takaw-takaw tapos si Chae, napakahinhin kumain." sabi ko.

MIMMF Book 2: Innocent No More Where stories live. Discover now