Isang babaeng golden brown ang buhok, maputi, matangos ang ilong, mapulang labi, at brown ang mata ang sumalubong sa akin.... Pero may eyeglass sya na bagay sa kanya

"Hi!" masigla nitong bati sa akin

"Hi" nahihiya ko pang sabi

Laurece bakit ngayon ka pa nahiya! Ang kapal naman ng mukha mo ah!

Para na akong baliw dito!

"Halika na!" sabay hila niya sa akin

Tumakbo kami papuntang elevator nandito kasi kami sa pinakataas ahhmm... 5th floor ata yun kasi yung nakita ko eh!

"Tumingin ka sa likod mo" sabi ni... Sino nga to?
"Nathalie Gomez" ahhh yun pala yung pangalan niya. Hindi ba to napapagod kakangiti? Kanina pa kasi sya nakangiti eh!

Ginawa ko naman yung sinabi niya kaya tumingin ako sa likod... Pag talikod ko.
.
.
.
.

As in! Ang ganda! Para akong nasa dream land! Sa left side kasi makikita mo yung mga bahay...pag sinabi kong MGA as in andaming bahay!
Tapos sa right side naman mga naglalakihang building ang makikita mo. Tapos sa makikita mo yung parang paaralan ata nila tapos ang lawak! Tapos ang nagiging boundary lang nila yung sobrang linis na ilog na may tulay!

Oh my gulay! Nananaginip ba ako?!

"Psst." hindi ko namalayan na kanina pa pala niya ako tinatawag kaya nilingon ko siya

Parang naghihintay lang siya ng sagot. Pero parang alam ko naman ano ang ibig niyang sabihin kaya sinagot ko sya

"Sorry. Daniella Laurece George" sabi ko

Hindi ko namalayan na nakababa na pala kaya hinila na naman ako ng kasa- ni Nathalie palabas ng elevator

Paglabas namin sa building na iyon nakita ko ang mga studyante pa ata to eh

"Welcome to Montello High!" sabi niya habang nakangiti sabay taas ng kanyang kamay kaya napatawa ako

Nagtaka naman sya kaya tumahimik ako

"Yesss!!!!" sabi niya. Nakita niya siguro ang mukha kong nagtatanong kaya nagsalita siya

"Alam mo matagal ko na gustong may kasama pero ayaw nila akong kasama sa bahay eh... Pangit daw ako... At nerd" sabi niya

Napantig ang tainga ko sa sinabi niya... Wala siyang kasama? Pangit?nerd? Bahay?

"Oo" sabay ngiti niya

"Nathalie pwede magtanog?" pagtatanong ko sa kanya

"Oo naman no!" masigla niyang sabi

"Hindi ba nangangawit mukha mo sa kaka ngiti?" tanong ko sa kanya

"Hindi naman" sagot niya lang saakin at ngumiti ulit

Hindi nalang ako nagtanong at sumunod ng tumakbo siya

"Hali ka na! Punta na tayo sa bahay! Para malagay muna yang mga gamit mo" sumunod nalang ako sa kanya

'Gosh sino yang kasama nya!'
'Ayan na naman yung pangit!'
'Pre ang ganda oh!'
'Yung nasa likod ba?'
'Oo!'

Rinig kong bulungan ng mga nakakasalubong naming studyante

Bakit parang studyante lang ang andito? At akala ko ba paaralan lang ito? Bakit may mga bahay?

Naalala ko naman ang sinabi ni kuya 'hindi yun basta bastang paaralan' so alam na pala to ni kuya eh! Pero nakapaninibago lang kasi! Ayyyshhh! Kainis naman oh!

Montello HighWhere stories live. Discover now