Chapter 58: Victor's Story

Magsimula sa umpisa
                                    

Doon ko nakita kung gaano ka ganda ang mga mata ni Victor, hindi lang mata kundi ang kanyang buong mukha. Medyo madalim man sa balkonahe, nakikita ko parin kung gaano ka tangos ang kanyang ilong, ang mga labing pwede mo ihalintulad sa pulang tambis o di kaya sa bunga ng macopa, at ang kanyang mga mata na pwede ka nang lamunin sa mga tingin. Sa kabuoan, para siyang hindi makabasag pinggan. Para akong nakatingin sa isang artista. Bakit niya kailangang itago ang mukhang ito sa lahat ng tao?

Agad niyang binalik ang kanyang salamin at muling sinuot ito. "A-anong tini-ti-tingin m-m-mo d-dyan?!"

"Ang gwapo pala ng mapapangasawa ko."

Namumula siya at halos hindi niya ako matignan, gayun din ako sa kanya. Sa unang pagkakataon, nakita kong palihim na ngumiti si Victor.

Naalala ko pa, matapos ang pangyayaring yun, halos hindi ako makatulog sa gabi sa pagiisip sa kanya.

Simula nun naging madalas ang pagkikita namin, naguusap kami sa parke, sa hardin nila, o sa hardin namin, madalas sa kanlong ng malaking kahoy at di mataong lugar. Ayaw niya kasi daw ng maingay. Naguusap-usap kami sa mga bagay-bagay tulad ng kanyang mga pananaw kung paano sumulat ang isang manunulat, politiko, artista, at kung anu-ano pa.

"Victor, anong pangarap mo?" Tanong ko bigla sa kanya.

"A-ang patakbuhin ang k-kompanya namin."

"Pano mo naman yun patatakbuhin? Eh hindi naman ikaw ang mag mamana." Tila nainis naman siya sa akin tinuran.

Kunot noo ngunit kalmado niyang sinabi, "P-papalaguin ko ang b-bahagi ng yaman na ibi-bi-nigay sa akin ni Papa, tas makikita niya na d-dapat niya akong pagkatiwalaan."

"Pano mo naman yun gagawin?"

"B-basta, may plano na kami ni Arthur, mag sososyo kami sa negosyo."

"Pano nyo naman gagawin yun ni Arthur yun?"

"A-a-ng dami mo namang tanong, eh ikaw? ano naman ang pangarap mo?"

Ngumiti ako sa kanya, "Nasa harapan ko na." Nawala ang kunot sa kanyang noo at bigla siyang namula.

Doon ko nalaman na gustong-gusto niya pala patakbuhin ang kompanya nila dahil natatakot siyang baka mapabayaan lang ng kanyang kapatid ang pinaghirapan ng kanyang mga magulang. Batid niya na mas mahal ng kanyang ama ang kanyang nakakatandang kapatid, lahat ng nasa sa kanya pag nagustohan ng kanyang kapatid ay walang pagdadalawang isip na kinukuha sa kanya. Hindi ko maunawaan si Victor noon ngunit di nagtagal ang sitwasyon na ang nagpaintindi sa akin.

Kinasal kami ni Victor, masaya ang aming pagsasama dahil sa naging matalik kaming magkaibigan. Tuwing gabi, bago ako matulog, kinakantahan ako ni Victor. Malambot, malumanay, ang kanyang boses. Nakayakap lang ako sa kanya at bago matapos ang kanyang kanta bubulongan niya ako ng matatamis na salita, 'matulog ka na, aking prinsesa' ang katagang hindi ko ko makakalimutang binabanggit niya. Unti-unti naring nawawala ang pagkabulol niya dahil nagiging komportable na kami sa isa't-isa. Namuhay kami sa kandili ng isa't-isa. Alam kong mahal ko na si Victor, at mahal niya na rin ako. Ngunit ang isang relasyon sadyang hindi perpekto, hindi kami biniyayaan ng anak ni Victor. Hindi namin alam kung sino ang may problema, hindi nalang namin pinag uusapan kahit alam namin parehas na gustong-gusto na naming magkaanak.

Umalis si Victor ng dalawang buwan dahil sa negosyong sinisimulan niya sa labas, ako naman nanatiling nasa bahay dahil kinakailangan ni mama ng katulong sa catering na negosyo namin. Umuwi ako isang araw na pagod sa bahay pero nabigla ako dahil may tao na sa loob, maykasabikang pumasok ako sa bahay dahil nangulila ako sa presensya ni Victor pero iba ang nakita ko.

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon