Prologue

110 2 2
                                    


Magkahawak kami ng kamay ni mama at nakaupo sa labas ng bahay namin. Nasa highway ang bahay namin kaya maraming sasakyan ang dumadaan. Naisipan kong bumili muna ng makakain at isang bahay lang naman ang pagitan ng tindahan at ng bahay namin. Kinuha ko yung sketchpad at maliit na screw. Nagbutas ako sa sketchpad at binigay ito kay mama.


"Mama, wag po kayong aalis dito. Bibili lang po ako ng makakain."yan ang nakabutas sa sketchpad. Tumango naman si mama kaya pumunta ako sa tindahan at bumili.

"Isa nga pong mountain dew na maliit tapos isang seetrus. Tapos isang malaking patata at isang malaki na clover. Ito po ang bayad."

Hinihintay ko ang sukli ko ng may narinig akong preno, agad akong napatingin sa direksyon non at nakita ko ang aking mama na nakahandusay sa gitna ng kalsada duguan. 

"Mama!!!"sigaw ko. Nabitawan ko ang mga hawak ko at dali daling lumapit sa aking mama.

"Mama.... gumising ka! Mama!"sigaw ko habang tinatapik tapik ko ang pisngi nya. Lumabas mula sa kotse ang driver na nakasagasa sa nanay ko.

"Tulungan po ninyo ako. Dalhin po natin ang nanay ko sa ospital."pagmamakaawa ko sa driver pero umiling lang ito at bumalik sa kanyang kotse at pinaatras tapos pinasibat ang kanyang sasakyan palayo samin.

"Tulong! Tulungan nyo kami!! Mama!!"sigaw ko.

Naglabasan ang mga kapitbahay namin at binuhat nila ang mama ko at sinakay sa tricycle. 

"Ne, alalayan mo mama mo ha."sabi nya at agad akong sumakay sa tricycle at niyakap si mama ng mahigpit. "Mama, wag mo po akong iiwan."bulong ko.

Alam kong hindi nya ako naririnig dahil bulag at bingi si mama. Tanging Braille letters lang ang nakakapagpaintindi samin pero nakakapagsalita sya kaso hindi nya naririnig ang mga sinasabi nya.


"Dead on arrival."

Tatlong salita na galing mula sa doctor ang nagpaluhod sakin at umiiyak. Hindi nila nailigtas ang nanay ko. Sino na ang mag-aalaga sakin? Wala na si mama?

Tandang tanda ko ang mukha ng lalaking sumagasa kay mama. Pagbabayaran nya ito, hahanapin ko sya kahit saang sulok ng mundo.


"Ako na ang mag-aalaga sayo. Doon ka na titira sa bahay namin. Makakasama mo ako, ang tito mo, at ang dalawa mo pang pinsan. Magiging masaya ka sa bahay namin."sabi ni tita. Pinsan sya ni mama. Hindi ko alam kung bakit nya ako inaampon.

Sumakay na ako sa nirentahan nilang jeep at pumikit. Nagising na lamang ako sa isang hampas ng babae na ka-edad ko lang ata.


"Hoy babae! Buhatin mo na yang gamit mo papasok sa loob, ibabalik na namin tong jeep!"sigaw nya at padabog na umalis. Bumaba ako ng jeep kasama ang gamit ko. Tinignan ko ang bahay nila tita. Maayos naman ito at may kaliitan pero maganda naman.

Pagpasok ko sa bahay nila ay sigawan agad ang sumalubong sakin.

"Lintik kang lalaki ka! Wala ka ng tinutulong dito sa bahay! Tumatarantado ka pa! Akala mo hindi ko alam na nakikipagbasag ulo ka?! Bwisit ka! Doon ka na nga, ayokong makita pagmumukha mong hayop ka!"

"Mommy!!!! yung lipstick ko nasaan? At hoy ikaw babae maglinis ka na ng bahay hindi yung nakatingin ka lang samin. Ano? Hindi ka kikilos?!"

"May singkwenta ka ba dyan? Pang-yosi lang."

Napalunok nalang ako sa magiging buhay ko dito sa bahay ng tita ko. Mukhang magiging magulo pero kailangan kong makisalamuha para mabuhay ako dahil hahanapin ko pa ang lalaking sumagasa sa nanay ko.

60 SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon