B • G [1] First Day

25 2 0
                                        

Diary Entry #394
So, andito ako ngayon sa kotse papunta sa school. First day namin ngayon of the new school year and I am NOT excited for this. Kasi, ibig sabihin nito: maagang gigising nanaman, homework, quizzes, ka-ekekan na ewan. Puta.

"-ka na ba?" Ha? "Ha? Sorry Pa, ano? Hehe..." Tumawa nalang ako.

"Hay nako Bea-bulilit... Makinig ka naman at, mahihilo ka nakasulat dyan sa journal mo. Sabi ko, handa ka na ba? Andyan na mga gamit mo?"

"Pa, I'm 3rd year highschool na. Stop it with the nicknames. Please... And yes, andito na lahat ng gamit ko." Nagmamakaawa na ako. Seryoso kung may nakalaman nitong 'Bea-bulilit' dito sa school, patay na me.

"Bea-bulilit, andito na tayo." Tumawa pa si Papa. "Pa, I told you to stop na ehh... And Pa, it's more of a diary. Hehe. Bye Pa!" Kiniss ko sya sa cheek tas lumabas na ko ng kotse.

"Wow naman. May kotse ka parin Bea ah.. Sosi-yal."

"Aha hi Kuya Edwin! Musta?" Nakipag hi-5 ako hehe... Itong si Kuya Edwin dito, close friends kami niyan. Pero kahit gaano ko siya ka-close, che! Ayaw parin niya ko palabasin ng campus kapag break time. Langya.

"Okay naman. O yan, pasok ka na baka malate ka pa." Paaalisin kaagad ako. Nge. "Shucks naman Kuya, concerned? Maaga kaya ko! Geh na, bye!!"

Pumunta na ako sa homeroom ko and sino kaya mga kaklase ko for this year? Bzzz... Bzz.. Ay! Cellphone ko!

∆¡®∆: Uy! Nasaan ka na? Andito na ko sa classroom.

Me: ha? Magkklase pla tayo?

∆¡®∆: Duhhh... Di mo binasa noh?

Me: andito na din ako eh.

∆¡®∆: ahk andito ako sa likod banda bintana.

Ok... Nakita ko na siya. "Si Maya at si Janella?" Tumabi ako sakanya. "Mm... Magkaklase din sila pero hindi natin kaklase. So, may summer souvenir ka ba?"

"Ay shucks Aira, di ko dala." Nge nge nge.. "Puta. Di mo kasabay si Maya? Diba pinsan kayo?" "Ehem, hindi dahil magpinsan magkasabay kaagad."

"Eh sorry. Anyways, ano ba tong uniform natin. Ikli ikli eh!" Hinila ni Aira yung skirt niya pababa. "Over the knee lang, maikli na! OA mo naman teh."

"Excuzem moi, dahil lang mahilig ka sa skirts kaya okay ka dito eh. Ako, no to skirts mostly so meh." Tinuloy niya paghila niya sa skirt.

"Bahala ka nga dyan." I rolled my eyes nalang. Tas tinuloy ko nalang yung pagsulat ko sa blog script ko.

Diary Entry #394
So by 7:10 andito na ako sa classroom. 7:30 start ng class namin eh. So, kaklase ko si Ai tas si Maya at si Jan sa ibang klase. Haha! Okay lang yan kasama ko pa naman si Aira eh.

"Psst. Bea, punta lang akong banyo, okay?" Nag-nod nalang ako. Tas bumalik nalang ako sa pagsusulat ko- scratch that. Gusto kong bumalik sa pagsusulat ko.

Ano Ba?!Where stories live. Discover now