"Sana humingi na lang kayo ng tawad sa mga anak niyo."

"Galit sila sa'kin kaya hindi nila ako papatawarin."

"Subukan niyo lang."

"Huwag ka nang makialam sa buhay ko."

Umalis siya. May nagdatingang mga kalalakihan. "Hoy lalaki! Umalis ka na sa lugar na ito!" sabi sa'kin ng pinuno nila.

"Nagpapahinga lang ako kaya sana payagan niyo akong tumigil muna dito."

"Dayo ka lang kaya wala kang karapatan na magsalita ng ganiyan! Umalis ka na dahil baka saktan ka lang namin! Huwag ka nang babalik pa!"

Nalungkot ako. Umalis dala ang aking kariton. Pero habang papalayo ako sa lugar na iyon ay naisip kong mali ang trato nila sa akin. Nangangailangan sila ng tulong mula sa Taas. Hindi pwedeng hayaan ko lang sila. Bumalik ako. Pinanghawakan ko ang salita ng Diyos na 'Hindi niya kami papabayaan' kaya alam kong hindi ako mapapahamak.

"Di ba't sinabi kong 'wag ka nang babalik pa?" bungad sa'kin uli ng binata.

"Hindi niyo dapat tinatrato ng ganiyan ang isang dayuhan."

Lumapit siya sa'kin.

"Bakit marunong ka pa?!" Hinawakan niya ako sa damit ko at handa na niya ako saktan.

"Hindi mo dapat ginagawa 'yan sa katulad ko. Ang inyong lugar ay hindi uunlad kung lahat ng dayuhan ay ganiyan niyo tratuhin. Wala nang magpupuntang tao dito kung matatakot lahat sila."

Hindi niya pa tinutuloy ang balak niya. Hindi naman niya siguro ako papatayin kaya handa akong masaktan. Masabi ko lamang ang gusto ko.

"Hindi namin kailangan ang ibang tao dito!!"

"Kailangan niyo dahil kailangan niyo din na umunlad. Kung hindi dadayuhin ng tao itong lugar niyo.. malamang hanggang diyan na lang kayo. Walang masyadong hanap buhay at walang pag asang umangat."

Nakatitig lang siya sa'kin. Hindi ko din alam bakit nasabi ko iyon? Wala akong alam sa pagkakaalam ko. Siguro, tinulungan ako ng Diyos.

Napansin kong nginitian ako ni Monalisa. Nakadapa siya. Hindi ko siya napansin dahil nagbabasa ako ng bagong storya ni Anyway. Kinarga ko siya at lumabas kami ng bahay. Ako lang at ang nanay ko ang tao ngayon dito. Wala si Marvin dahil busy siya sa farm. Tinawagan ko si Anyway.

"Hello, Anyway."

"Napatawag ka?"

"Binasa ko na 'yung bago mong story?"

"Maganda ba? 'Di ba para siyang story mo? Tagalog na tagalog? I just want to write like the way you did."

"Wala na bang karugtong?"

"Pasensya na. Hindi pa tapos. Hayaan mo, dadagdagan ko pa."

"Gusto ko na agad makita ang karugtong."

Umupo ako. Medyo maganda ang pagkakasulat ni Anyway. Talagang nagbago na siya. Hindi na siya ang Anyway na nakilala ko. Masaya ako para sa kaniya.

"Okay, I think nagustuhan mo nga. Hayaan mo, mag iisip pa ako ng ibang mangyayari. Anyway, sana makadalo ka sa nalalapit kong kasal."

Nabigla ako. Wala siyang pinapakilalang boyfriend pero ikakasal na. "Kailan? Masaya ako para sa'yo. May minamahal ka pala. Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Ang totoo, wala akong mahal."

"Wala? Bakit ikakasal ka?"

"Kailangan kong magpakasal dahil tradisyon ng pamilya namin na magkaroon ng asawa sa ganitong edad."

"Ah ganun ba?" Nakaramdam ako ng lungkot.

"Oo, sana makapunta ka. Sasabihin ko na lang sa'yo kung kailan."

"Masaya ka ba?"

"Oo naman. Lalo't kausap kita. Ngayon alam kong nagustuhan mo ang story ko."

"Hindi 'yun, Anyway! Tanong lang, gusto mo bang mag asawa na?"

"Kailangan lang."

"Paano kung hindi?"

"Wala akong plano sana."

"Parang sinabi mong hindi mo gustong mag asawa."

"Oo tama ka. Kuntento ako sa buhay ko. Pero kailangan kong sundin si daddy. It was a right decision, was it? I don't wanna give him a problem for our clan. Kung hindi ko siya susundin, magkakagulo lang. Maigi na 'yung walang iniisip na problema."

"Sabagay."

Matapos naming mag usap ay hindi ko maiwasan na malungkot. Masaya ako sa piling ni Marvin. Hindi mararanasan ni Anyway ang naramdaman ko bago ko naging asawa si Marvin. Kaya pinagdasal ko na lang na sana maging maganda ang takbo ng buhay niya sa asawa. Magiging masaya ka din Anyway. Gaya nga ng sabi sa story mo. Pangako ng Diyos sa'yo 'yan kaya sana maging masaya ka. Alam ko nananalig ka sa Diyos ayon sa sinulat mo. Kaya siguro ayaw mo nang bigyan pa ng alalahanin ang daddy mo. Mabait ka na pero hindi ko maiwasan na maging malungkot.

Si Magdalena ay hindi pwedeng malungkot habang buhay kaya kailangan niyang makaramdam kahit manlang konting saya. Sana ganun din si Anyway. Kung sino man ang mapapang asawa niya, alam kong karapat dapat naman pero hindi na mararamdaman pa ni Anyway ang naramdaman ko sa bisig ng isang lalaking hindi ko pa asawa pero ayoko nang malayo sa kaniya. Kaya ngayong asawa ko na si Marvin, magagawa ko nang maging masaya hanggang pagtanda. Hanggang sa huling sandali ay gumawa ng paraan ang Diyos para maging maayos ako. Sana ganun din si Anyway.

Ano kaya ang mangyayari sa story niya. Alam kong hindi mapapahamak ang bida pero paano niya kaya mailalagay ang dahilan para hindi ituloy ang pagsuntok sa kaniya? Kung ako ang tatanungin, kailangan din niyang masaktan, bumagsak sa sahig hanggang makita ng mga tao. Alam kong walang masyadong alam ang mga tao sa lugar na 'yun. Sana lang may babaeng tumulong sa kaniya. At isa pa, may isang ama din ang tingin ko'y nangangailangan ng tulong niya. Hindi siya pwedeng umalis agad sa lugar na 'yun. Kaagapay niya ang Diyos at alam kong sa pag-alis niya ay magbabago ang lahat.

Isang ama na hindi naging ama sa'kin. Pero lagi kong pinagdadasal na magkaroon ako ng mabait na ama na hanggang pangarap na lang dahil hindi pwedeng ibalik ako sa sinapupunan ng ina ko para magkaroon uli ng ama. Sayang lang dahil huli na ang lahat. Pero gusto kong makita ang susunod na mangyayari sa story ni Anyway. Bakit nga kaya niya ginawa ang ganun? Masaya naman siya sa ama niya.

Alam ko na. Gusto niyang iparating sa lahat na kahit anong sama ng ama ay dapat itong patawarin kahit hindi humingi ng tawad. Paano nga kaya maipaparating ng storyang 'yun ang totoong dapat gawin? May tiwala ako kay Anyway na mapapaganda niya ang ginawa niya. Malungkot ako para sa kaniya. Kaya siya gumawa ng isang story tungkol sa salita ng Diyos para maibahagi sa kabataan ang hindi nila alam tungkol sa Biblia. Ang mga kabataan ngayon ay hindi nagbabasa ng Biblia kaya kung sa wattpad sila magbabasa ng ganun ay para na din silang nagbasa ng Biblia.

Maganda ideya siguro. Pero baka tamarin silang basahin dahil hindi ito love story na karaniwang nababasa ng mga kabataan. Lahat ng gagawin mo'y ipagdadasal ko. Maging ang nalalapit na pag iisang dibdib mo dahil kung hindi dahil sa'yo, wala ako sa kinatatayuan ko ngayon. Ikaw ang ginamit ni Jesus para maging masaya ako kaya dalangin ko din ang kaligayahan mo, Anyway.

MagdalenaМесто, где живут истории. Откройте их для себя