Bitter Sweet realization

3K 91 27
                                    

A few months after trmd

"Boo! bilisan mo naman ma le-late na tayo nyan eh!" Wika ni Bianca na pinagmamadali ang matalik na kaibigan na si Rhian.

"Hay nako boo, will yah chill? siguro may kakatagpuin ka dun kaya mo ko pinagmamadali noh? final touch na lang, wait ka lang dyan. and please chill! di mawawala yung event, tska ang aga pa kaya!" Sagot naman ni Rhian dito.

"kakatagpuin ka dyan, ayaw ko lang ma late tayo. kaya bilisan mo na."

"oo na, heto na nga oh." kinuha ni Rhian ang purse nya, at niyaya na din ang kaibigan na inip na inip na kakahintay sa kanya. "Shall we miss king?"

"we shall miss Howell." sabay hawak nito sa braso ni Rhian at umalis na.

...................................................

Nang makarating na sila sa event, hinanap agad ni Rhian ang kasintahan na si Glaiza. Nang hindi nya ito makita, minabuti nya ng tawagan ito.

*Ring*
*Ring*
*Ring*

"Glaiza's not answering her phone, nasaan na kaya yun." tanong nito sa sarili na narinig naman ni Bianca.

"uhhmm.. she just arrived... and with a date?" she smirks and elbowed rhian. Napataas lang naman ng kilay ang magandang racer, at nanatili sa table nila. Hindi muna nya pupuntahan ang kasintahan. Ayaw nyang mag selos ngunit hindi nila napag usapan na may isasama si Glaiza sa event kung saan imbitado halos lahat ng kaibigan nito, at kaibigan nya.
"oh, bat ayaw mong puntahan yang girlfriend mo, Go! okay lang ako dito." sambit ni Bianca na napansin ang pag iiba ng itsura ni Rhian.

"later na lang, magkikita din naman kami, or, makikita din naman nya ako." pag bibitter naman ng magandang racer.

"asus, selos na naman yan boo, tigilan mo nga yang pag seselos mo. alam mo dyan kayo lagi nagtatalo ni Glaiza, bahala ka, pag iyan nasakal na kakaselos mo, iiwan ka nyan!" pananakot ni bianca dito na nagbibiro. Ngunit pareho naman nila alam na may halong katotohanan ang sinasabi ng dalaga.

"whatever boo. Tignan mo naman kasi, di ba nya talaga ako nakikita? wow ha. At si Alves talaga sinama nya? pwede naman kapatid nya ah. Ang napag usapan lang namin, na di kami pwede sabay pumunta dito, pero i didnt see this one coming."

"ikaw naman ang mag chill ngayon, jealous girl. mag selos ka nga kung si Solenn na naman yan. look oh! ayun pala si Solenn eh! hahahaha! what an event. me likey!" nakita din ni Rhian si Solenn sa di kalayuan pero gaya ng pangako ni Glaiza sa dalaga, naka distansya sila sa isa't isa lalo na't alam ni Rhian na hindi pa nakaka get over si Solenn sa kasintahan nya. Kahit pa sabihin nitong tapos na sila. Naniniwala sya kay Glaiza ngunit sa mga pasulyap sulyap ni Solenn sa dalaga, ayaw nyang paniwalaan na naka move on na ito.

"hi girls, hey rhi." wika ni glaiza na di napansin ng dalawa dahil masyadong abala ang mga mata nila sa mga nakikita nila sa paligid.

"oh hey glai, buti na lang at nakita mo na din kami. kanina ka pa naman nakita eh, pag pasok nyo ni benjamin." ani ni bianca sa musikera.

"ah oo, actually nagkasabay lang kami pumasok, ayaw sumama ng kapatid ko kasi. May lakad daw sya tomorrow, eh maaga daw kaya ayaw mapuyat." sagot ni Glaiza sa dalaga. "wait lang ha, babalikan ko kayo, love wait lang ha, puntahan ko lang si ryza at chynna. papakita lang ako."

Ng makalayo si Glaiza agad naman natawa si Bianca. "oh ayan boo ha! sabay lang sila pumasok, hindi sya sinama ni love mo. Invited din Si ben, kaya ikaw kung ano man yang ka lokahan mo, itigil mo na. Hindi porket nakakasama ni Glaiza ay pwede mo ng pag selosan. Hindi lahat sila mala Solenn. Nag girlfriend ka ng in demand ngayon tapos gaganyan ganyan ka, baliw!" pang aasar pa ng matalik na kaibigan nito sa kanya.

this is our realityحيث تعيش القصص. اكتشف الآن