Curiosity

3.6K 92 6
                                    

RHIAN'S POV

After that day sa RK medyo naging close na kami ni glaiza, shes nice, sweet, and very talented woman, very professional sa work. Medyo tahimik din kumpara sa attitude ko na makulit, magulo sa set, after ng mga take, uupo lang sya dun sa chair nya at mag oopen ng twitter or ig nya. Nakakatuwa sya actually.
Nung nag air yung pilot episode ng trmd, we cant believe it, nag trend agad at top one pa sa twitter. Oh well, ganun pala kadami ang lgbt community, support kung support talaga sila. And were glad about that, thats why me and glai decided to support them also. At pakiligin din ang mga fans, fans ng jathea at rastro, they are so witty to come up with our names and the memes are also funny.

"rhi" sino yun?

"hoy rhi.. Kinakausap mo na naman sarili mo. Gumagawa ka na naman ng sarili mong planeta" ay chynna pala. Natawa ako, at hinampas ko sya sa braso.

"grabe ka.. Natutuwa lang ako sa mga memes na gawa nung mga rastro, ang witty nila noh? Eto tignan mo, may mga commercial pa" pinakita ko sa kanya yung mga gawa ng fans namin at natawa din si chyn.

"oo nga, kakatuwa sila. Bakit di kayo gumawa ng video para lalo pa sila mamatay sa kilig? At para din lagi tayo trending hahaha!" natatawang sabi ni chynna.

"oo nga noh! Galing mo talaga, asan ba si glai? Gawa na kami ngayon habang break pa" napakamot ng ulo si chynna,
"bakit?" tanong ko naman,

"agad agad? Suggestion lang naman, gagawin agad?" napangiti ito.

"eh para trending agad!" at hinanap ko si glaiza, ayun nandun sa upuan nya, nananahimik, at nagsusulat.

"hey, ano sinusulat mo?" nagulat ko yata sya, dahil mabilis syang napalingon, hahaha, i think i gave her a whiplash.

"kakagulat ka naman rhi, wala naman, im writing a song, but i guess hindi ko to kayang tapusin, hahaha.. So whats up?"

"sorry, nakakaistorbo ba ako?" i asked her while blankly staring or maybe trying to peek kung ano sinulat nya. Di ko naman nakita kasi tinabi na nya ito sa bag nya.

"ah di naman. Palipas oras lang,"

"gawa tayo video para sa fans you like?" i asked her while wiggling my eyebrows.

"uhmm.. Sure, anong video naman? Anong klase?"

"kahit ano basta yung mamamatay sila sa kilig, and before you comment on that, chynns word not mine." and we laughed together.

So ayun na nga, gumawa kami ng video yung kinakantahan nya ako, habang she's touching my chin, oo sweet nga sya. At oo din, nakakakilig din. Hahaha.. Pati ako kinikilig, well in character kasi kami. Ah basta whatever, nakakatuwa sya. And we uploaded it.

"mga tsong! Ayan nagkamatay na mga fans nyo! Nagkamatay na sa kilig, di na kinaya ng powers nila, hahaha!" si chynna talaga, na aadopt nya na yung character nya na si batchi.

Nag open naman ako ng ig at twitter ko, wow, grabe sila. Sobrang kilig nga sila, ano pa kaya ang mangyayari sa kanila kung mas sweet pa ang video na i upload namin, baka kidnapin na kami ng mga yan, at ipakasal kami ni glaiza. Hahahaha.. Ano ba yang naiisip ko, oh well.. All for fun and for fans.

"glai kita mo? Sabog na ang twitter at ig natin dahil sa kanila.. Iba pa yung mga nasa facebook. Kakatuwa sila noh?"

"oo nga eh, hahaha.. Kaya nga din, love na love ko mga fans natin full support talaga." glaiza said while smiling at me.

"love mo lang? Love ko rin sila ah" sabi ko naman.

"okay.. Love natin sila" and we both laugh.

After ng shoot namin, sinundo ako ni jayson, naka promise ako na mag didinner kami ngayon. nasabihan ko din si glai na mag hang out naman kami bukas dahil wala naman kaming taping. Pero, hanggang bukas pa kami magkasama ni jayson, im sure of that. I love the guy, he's sweet, charming, understanding, thoughtful, loving, caring.. Haayy at marami pang iba. I owe him a lot, so di ko sya pwede isantabi na lang kung may lakad ako, konting time na nga lang hinihingi nya, di ko pa ba sya pagbibigyan? I owe him that much..

"hey babe! Ready for our date?" sinalubong nya ako, then he kissed me. Im so lucky to have him.

"yes babe, pero wait lang, i just need to talk to glai, give me a minute?"

"sure, i'll just wait here."

So pinuntahan ko muna si glaiza, she's still packing up her things.

"hey, about tomorrow.. Uhhmm.. Okay lang ba na nandun si jayson? Kasi i made a promise na this week pag nagka free time ako, we can spend time together." i told her about the plan tomorrow, and she just nod,

"ah.. Yes, no problem. Isasama ko na lang din sila chynna, para di naman ako third wheel.. Hahaha!"

"ok sige, sorry ha, i know we decided to hang out just the two of us, pero kasi alam mo na, girlfriend duty"

"sus wala yun. You know i cant agree with you about girlfriend duty, im single kaya," biro naman nito sa akin.

"fine, fine.. Okay see you tomorrow glai, ingat sa pag uwi".

"ikaw din jade dyan ka muna sa david mo.. Este rhi, dyan ka muna kay jayson mo. Ingat din kayo" natawa naman ako at binalikan ko na kung nasaan si jayson.

"hey, all is good. Lets go?" and he offered me his arm and we walked to his car and open the door for me. Always the gentleman.

It was a lovely dinner, na enjoy ko yung food at yung place, masaya ako magkasama kami ngayon. Siguro sya na nga yung taong matagal ko ng hinahanap, pero somethings really missing.. I just dont know what it is. Pero bakit pa ba ako maghahanap kung kaharap ko na ang taong yun. Haay nako rhian, youre overthinking too much. Anyway, habang pauwi na kami biglang nag message sa akin si bianca,
"bestiiee!!!! Hahahaha... I have a gossip that you will surely love to hear, its about your girlfriend on set, its ver juicy!"

"hey, ano na naman yan? Sigurado ka interesting yan ha"

"oo nga, and this is new also, but, i just cant help it. Or should i say, i need your help also"

"chismis tapos help? Ano kaya yun..?"

"eh basta, nasaan ka ba?"

"pauwi na, malapit na, kasama ko si jayson."

"ayyiiee, date pala ang peg nyo ngayon. Ok sya, later na lang daan ako sa condo mo, coz i need to tell you this in person."

"ano ba yan? Kakainis naman to, ayaw pa sabihin. Nakaka curious ha."

"basta, later na lang. Ingat kayo. Love yah!"

"Ok. You too."

Pagkatapos ng call, napaisip naman ako, ano kaya yung chismis na yun na may kasamang favor? Hhmmm... Malalaman ko din naman mamaya.

"babe, are you okay? You're quiet after the call" jayson bring me out of my monologue, nginitian ko na lang sya at sinabi ko na everythings fine.

"ah wala naman, curious lang, may sasabihin lang sa akin si bianca mamaya, dadaan sya sa condo."

"ah ganun ba, okay, do we need to buy some snacks habang nag kukwentuhan kayo?" this guy is really nice.

"nope its okay, i tetext ko na lang sya to bring some beer, i think wala na ako stock sa fridge." so i texted my bestfriend to bring some beers, at sabi nya magdadala na din sya ng snacks.

Im really curious talaga ano sasabihin nya about glai. And im worried too.. Glaiza is adorable.. She's a sweetheart ano kayang chismis naman yun.
I guess i just have to wait.

AN: hey guys! What do you think? Leave some comments and tell me if you still want me to continue. Have fun :)

this is our realityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon