I Can't Fight Anymore

Start from the beginning
                                    

"A-anong gagawin ko sa mga 'to?", Wala naman akong sinabi na kunin niyo yung mga wallet ng ibang tao ah.

"Yan yung ginagawa namin sa mga nagiging boss namin. Nakagawian na namin yan kaya sayo na yang mga wallet na yan. Bilhin mo na yung gusto mong bilhin matagal na.", H-hindi ko kukunin to! Binatok ko sa kanya yung mga wallet.

Nakasimangot naman siyang tumingin sa akin. Nakasimangot din akong lumapit sa kanya.

"Parehas tayong babae pero hindi tayo parehas ng ugali kaya yang nakagawian niyo... Kalimutan niyo na. Ako na ang bago niyong boss. Ako dapat ang sundin niyo. Hindi yung gagawa kayo ng mga bagay na hindi ko man lang alam. Sa susunod na malaman kong may ginawa kayong walang kwenta. Ako mismo ang bubugbog sa inyo.", Nagtinginan silang lahat nang seryoso.

A-ano tong nangyayari sa akin? N-nakakadama ako nang takot?! B-bakit? Takot ba ako sa mga babaeng 'to? Hindi... hindi dapat ako matakot sa kanila. Ako yung tinuturing nilang boss kaya hindi nila ako pwedeng gawan nang masama.

Hindi nila ako pwedeng traydorin.

Pumunta ako ng canteen nang mag-isa. Ewan ko ba kung bakit hindi sumama yung mga bago kong kaibigan. Gusto kong kumain. Kanina pa ako nagugutom eh. Napansin ko lang na ako lang pala yung mag-isa sa isang mahabang table.

Inikot ko yung paningin ko sa paligid. W-wala bang taong gustong umupo dito? Nasobrahan naman ata yung pagkatakot niyo sa akin. H-hindi ko naman kayo sasakmalin eh. Nagulat ako nung makarinig ako ng siren ng ambulance sa labas ng school.

Kaya nagmamadali akong tumakbo palabas ng school. Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko yung lalaking nasagi ko na wala nang buhay. A-anong ginawa ng mga bago kong kaibigan sa kanya? S-sabi na nga eh. Hindi ako nagkamali.

M-mamamatay tao silang lahat. Pagkatapos dahan-dahan na akong naglakad papasok sa school. A-ano tong napasukan ko? Ano na ba tong nangyayari sa mundo ko? Aaaahhhh! Ano ba tong ginawa ko?!

Napatigil ako nung makita kong napadaan si Jahz sa harap ko. Wait, kailangan ko siyang kausapin.

"Jahz!", Hinawakan ko nang mahigpit na mahigpit yung magkabila niyang braso.

"Ruby b-bitawan mo ako.", Huh?

"W-wag kang mag-alala w-wala akong gagawing masama sayo. Hindi ako kagaya ng mga bago kong mga kaibigan.", Tumingin si Jahz sa ambulance.

"Nagawa nilang pumatay ng isang tao para sayo dahil... inutusan mo sila. Ang ibig sabihin ikaw ang nag-utos sa kanila na gawin yung bagay na yun.", Ano? Hindi ko sinabi sa kanila na patayin nila yung lalaking yun.

"Jahz. Maniwala ka. Wala akong kinalaman doon. Hindi ko naman alam na p-papatayin nila yung lalaking yun. Jahz tulungan mo ako...", Nanlaki yung mga mata ni Jahz dahil siguro sa sinabi ko.

" R-Ruby... w-wala akong magagawa para matulungan ka tsaka... m-may mga bago ka nang kaibigan. Sila na ang sabihan mo nyan.", Nung balak ni Jahz na umalis. Mas hinigpitan ko yung paghawak ko sa magkabila niyang braso.

"Please Jahz... w-wag mo akong iwanan dito. T-tulungan mo ako.", A-anong pwede niyang gawin para tulungan ako?

Ah! Alam ko na. Kailangan niya akong patumbahin para makabalik ulit ako sa counseling room. Tiningnan ko yung suot-suot kong relo. A-anong oras na ba? 11:05 pa rin. Yun tama yun yung kailangang gawin ni Jahz para sa akin.

"Jahz. Makinig ka sa akin. Kailangan mo akong sapakin nang malakas na malakas sa mukha para mawalan ako ng malay at makaalis ako dito.", Nagtaka bigla yung mukha ni Jahz.

"H-hindi kita maintindihan, Ruby. Tsaka hindi ko kayang manakit ng ibang tao. Hindi ko kayang gawin yung pinapagawa mo sa akin. Kailangan ko nang umalis baka makita pa ako ng mga bago mong kaibigan at ako pa ang sunod nilang patayin.", Nagpumiglas si Jahz kaya nabitawan ko siya.

"Jahz. Please tulungan mo ako.", Saglit na lumingon sa akin si Jahz. Pagkatapos dahan-dahan na siyang naglakad palayo sa akin.

Hindi ko na napigilan yung sarili ko na umiyak. Ayaw ko na nang ganito. Gusto ko nang bumalik ang lahat kagaya nang dati. Hindi tama yung naging desisyon ko. N-nag-oo lang ako dahil sa sobrang galit ko. Hindi ko gusto to. Ayaw ko na. Please paalisin niyo na ako dito.

Napalingon ako sa likod ko nung mapansin ko na may mga tao sa likod ko. Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko yung mga mamamatay tao kong bagong mga kaibigan. H-hindi. Hindi ko sila kaibigan.

"Oh b-bat umiiyak si Ruby?". Tanong nung isa.

"Hindi dapat marunong umiyak yung boss natin.", Sabi naman nung isa.

Dahan-dahan na akong umatras sa kanila.

"Kahit kailan hindi kami nagkaroon ng boss na iyakin.", Kapag umaatras ako dahan-dahan naman silang lumalapit sa akin.

Ngayon aaminin ko na. Nakakadama na ako ng takot. Takot na takot na ako.

"Hindi ka karapat-dapat na maging boss namin.", Sabi nung isa. Tapos biglang nanlaki yung mga mata ko nung makita ko si Edna.

Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin. Tsk nakangiti ka pa talaga habang lumalapit sa akin ha.

"Tingin mo... ikaw na ang tinuturing nilang boss. Hindi... dahil ako pa din.", Huh?

"Anong ibig mong sabihin?", Baka masapak nanaman kita jan.

"Hindi ka kasi nag-iisip. Oo natalo mo ako pero hindi pa rin magbabago yung pagtrato nilang lahat sa akin. Pinakiusapan ko silang kaibiganin ka para maging masaya ka at malaman mo yung buhay ng pagiging boss pero... hanggang ngayon na lang yun. Tapos na yung kontrata kaya kung ako sayo... maghanap ka na ng pwede mong taguan ngayon.", Tama ako, mali tong ginawa ko!

Nag-umpisa na akong tumakbo nang mabilis na mabilis. Saan ako pwedeng magtago?! Kailangan kong puntahan si Mr. Norman. Siya lang ata yung makakatulong sa akin ngayon. Tama siya lang talaga. Nagmamadali akong pumunta sa counseling room.

Pagpasok ko doon agad ko siyang nakita. Napatingin naman siya sa akin.

"Sir!", Dahan-dahan siyang tumayo.

"Ruby. Grabe hindi ka pa din talaga nagbabago. Kailangan mo munang kumatok bago ka pumasok dito para naman hindi ako magulat.", Wala akong oras para jan.

"Alam kong kayo lang ang makakatulong sa akin ngayon. Burahin niyo na tong nasa kamay ko!", Tumawa bigla si Mr. Norman.

"Pumirma ka na sa kontrata. Hindi mo ba nabasa yung nakasulat doon? Ang nakasulat doon habang buhay mo yang dadalhin sa buhay mo kaya I'm very very sorry hindi na kita matutulungan.", Binagsak ko yung dalawang kamay ko sa desk niya dahil sa sobrang galit ko.

"Walang hiya ka! Sino ka ba talaga?! Tanggalin mo na 'to sa kamay ko! Papatayin na nila ako! Hindi ka ba naaawa?!", Nakita kong ngumiti si Mr. Norman.

"Hindi ka rin ba naawa sa mga taong sinaktan mo dahil sa kahibangan mong maging pinuno ng lahat?". Napatahimik ako dahil sa sinabi ni Mr. Norman.

Nagulat na lang ako nung tinulak niya ako palabas sa counselling room. Pagkatapos nilock niya yung pinto sa counseling room. Hoy! Papasukin mo ako dito!

Nanahimik ako nung makita ko sila Edna. Hindi... wag please. Wag niyo akong saktan. Gusto ko pang mabuhay. Dahan-dahan akong umaatras pero dahan-dahan naman silang lumalapit sa akin. Hanggang sa sinugod na nila ako.

Wala na akong maramdaman. Hindi dapat ako nag-oo agad kay Mr. Norman. Mali... mali yung ginawa ko. Wag niyo akong tularan.

{Next story coming up.}

-End of Chapter 6-

Class 2 - 3 | Tagalog StoryWhere stories live. Discover now