TAS 13 - Sunset

4.7K 124 10
                                    

Charm and Jett didn't have any choice but to spend their first night together in the same room. Iisa lang kasi ang kwarto para sa mga bisita na ayon sa Tita Leny nito ay sinadya raw para kapag nagtipon-tipon silang magkakapamilya ay masaya. Plus, sa paningin ng Lolo nito, ang mag-asawa ay dapat na magkasama sa iisang kwarto.

So they ended up facing each other. Siya ang nahiga sa kama habang ito naman ay mas piniling sa folding bed na lang matulog.

It wasn't uncomfortable having him around, though. Kapag silang dalawa lang ni Jett ang magkasama, he would usually turn into a chatterbox, which is a big help on her part kasi hindi naman siya 'yong tipong nag-i-initiate ng isang conversation. He's fun to be with as well. Minsan pa nga nahahawaan na siya sa pagiging energetic nito. Hindi niya namamalayan, nagiging madaldal na pala siya.

That night they talked about life... their passion and some of their childhood memories until the topic went on to their respective families. Naging mas emosyonal siya nang mapag-usapan muli nila nang masinsinan ang tungkol sa mommy niya. Pinigilan niya'ng humagulgol dahil baka magising ang ibang tao sa bahay at isipin ng mga itong nag-aaway sila ni Jett.

Anything that tackles about her mom would always brought her into tears. Not because she doesn't love her. In fact, ang mommy niya ang pinakamahalagang tao sa buhay niya. It's just too painful to understand why her mom treats her impassively.

Iyak lang siya nang iyak habang matyaga namang nakikinig sa kanya si Jett. Hindi niya alam kung anong oras na silang natapos sa pag-uusap because right after she poured out all her sentiments, she drowned into a deep sleep.


Kinabukasan, nagising siya dahil sa sunod-sunod na pagtilaok ng mga manok. Daig pa ng mga ito ang alarm clock kung makapang-gising. Nanginginig rin siya sa sobrang lamig kahit na balot na balot siya ng isang makapal na kumot.

Nilingon niya si Jett ngunit wala na roon ito. Napabangon siya at napansin na nakatupi na pala 'yong folding bed na ginamit nito kagabi. Alas singko pa lang ng umaga nang tingnan niya ang oras sa kanyang cellphone pero pakiramdam niya'y gising na lahat ng tao.

"Good morning!" masiglang bati ni Jett sa kanya nang sumilip ito sa may pintuan.

"Morning," she replied. Pinunasan niya ang mga natuyong luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Pumasok ito sa loob ng kwarto at naupo sa tabi niya. "How's your sleep? Nakatulog ka ba nang mahimbing kagabi?"

"Oo naman," nakangiti niyang sagot kahit na pagod pa ang mga mata niya mula sa kaiiyak kagabi. Maybe that's the beauty after crying out. Gumagaan ang loob niya pagkatapos.

"Are you sure?"

"Yup. I'm fine." She gave him a reassuring nod that made him sigh in relief. She was such a crying baby last night but thanks to him who stayed up late just to hear her out. She looked up to him only to find out how close they are with each other right now. His messy hair gets the best out of him in the morning. Bangong-bango siya rito kahit na kagigising lang din ng mukha nito katulad niya. "Ang aga-aga mo namang nagising," aniya sabay iwas ng tingin. Kaya ayaw niyang tinititigan ito sa mata dahil parang natutunaw siya.

"Ganyan talaga rito sa probinsiya," sagot nito. "Hali ka na sa baba. Gumawa si Tita ng native na kape. You want?"

Ngumuso siya. Sure, everybody loves coffee. Mabango ang aroma nito especially if it's freshly brewed. But drinking coffee is not her thing.

"Oh, I almost forgot. Tea pala ang gusto mo 'di ba?" ani Jett.

"You knew?" she asked. There's this particular brand of tea that she really likes. Minsan, hindi pa nga nangangalahati ang stock niya nito ay nagpapareserve na siya. Sa isang kilalang Chinese drug store lang kasi ito nabibili.

The Amateur SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon