TAS 8 - You're Mine

5.4K 160 7
                                    

Jett couldn't contain his happiness while driving home.

Everything that happened for tonight was unbelievable! Para siyang naka-jackpot sa lotto. Kung iisa-isahin niya ang mga ito, baka mapunit ang pisngi niya sa kangingisi. Hindi niya inexpect 'yong mga cupcakes at ang paghingi ng sorry ni Charm sa kanya. And with that, he thought that he deserves a standing ovation. Effective din pala 'yong pagtatampo-tampo niya.

Akala niya kasi ay wala ng pag-asa; na habambuhay niyang iindahin ang pagka-suplada nito. Nagulat na lang siya kanina nang binigyan siya nito ng cupcakes. At kahit pinilit niya, why did she say sorry to him anyway? Alam naman kasi niyang sa tipo nito, hindi nito iyon gagawin. Pero may kakaiba rito na hindi niya maipaliwanag. Pati sIya tuloy ay naguguluhan na rin. But at least he can say that whatever they have right now is getting better.


"Jel, open the door!" Holding the box of cupcakes on his left hand, he loudly knocked on the door at Jelyn's room. Excited siyang ikuwento sa bunsong kapatid ang dala-dala niyang magandang balita.

Jelyn was a bit startled when she opened the door for him. "What happened, Kuya?" nag-aalalang tanong nito. Mukhang matutulog na ang kapatid niya. Nakasuot na kasi ito ng tank top at pajama.

"Hey, take a look at this!" he said and made his way inside her room. Hinila niya ito at napaupo silang pareho sa higaan nito. Ligayang-ligaya ang mga mata niya at ipinakita sa kapatid ang bitbit na box. He opened it in front of her and whispered, "She gave this to me."

May anim na chocolate cupcakes ang nandoon. Each has a size a lot bigger than a fist. 'Yong sa isang piraso pa lang, busog na busog ka na. The fluffy texture and sugary coating made it even more tempting. Pulidong-pulido ang pagkakagawa. Pagkatapos, sa limang cupcakes ay may tig-iisang letter na ang nakalagay ay: S-O-R-R-Y. Then the last one has a sad face emoticon.

"Ouch, Kuya! Basted ka na agad?!" singhal ni Jelyn.

"It's not what you think."

"E, bakit sorry ang nakalagay?" Ngumuso ito at itinuro ang mga cupcakes.

He didn't answer. He just simply smiled.

"Uy, LQ?" hula nito.

"Basta," sagot naman niya. Maybe, that's another story to tell.

Para siyang timang na nakangiti. Tiningnan niya ulit isa-isa ang mga cupcakes, sinasaulo ang laki, hugis at kulay ng mga ito. Oh, boy! Walang mapaglagyan ang saya niya!

Saka na bumaling ang tingin niya kay Jelyn nang marinig ang paghagikhik nito habang pinagmamasdan siya. "What? Aren't the cupcakes so cute?"

Jelyn poked his cheek and laughed. "Para kang baliw, Kuya! Akala ko kung ano na."

"I think I'm really going crazy right now," he confessed. Humahataw pa rin ang puso niya sa sobrang saya.

"Ang babaw ng kaligayahan mo," biro pa nito. "Bakit siya nag-sorry sa'yo kung gano'n?"

"Because she likes me too," he answered proudly, wiggling his eyebrows.

"Eh? Gano'n pala 'yon? Kapag may gusto, mag-so-sorry?" taas-kilay nitong tanong na may kasamang pang-aasar.

Nagkibit-balikat siya 'saka ginulo-gulo ang nakapusod na buhok ni Jelyn. He stood up and left his younger sister, pondering on his answer. Litong-lito ito sa kanya. Hindi naman kasi niya nasagot nang maayos ang tanong nito. Kung anu-ano ang lumalabas sa bibig niya.

Well, in instances like this, he can be crazy and weird sometimes.

***

Because of those cupcakes, everything turned absolutely fine between Charm and Jett. Kung ibang tao lang siuro ito, matagal na itong nag-give-up sa mga pagsusuplada niya. But Jett is really a nice guy. She can feel it.

The Amateur SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon