TAS 1 - Hangover

11K 218 23
                                    

It's getting late and the music became louder when the DJ showed up

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

It's getting late and the music became louder when the DJ showed up. Tumaginting lalo ang loob ng Fudge dahil sa hiyawan ng mga tao. Jett has been to this lounge bar so many times... actually most of the time. Kilala na nga siya ng mga security guards, waiters and even the bouncers.

Panay naman ang pagnakaw niya ng sulyap sa dancefloor. Inisa-isa niyang pinagmasdan ang mga nagsasayawan doon. Damn! Ang daming magaganda! Everyone seemed to be enjoying themselves!

Sa isang sulok ay nandoon at nakikisaya siya kasama ang mga kapwa niya architects. Sini-celebrate kasi nila ang mga natitirang gabi ng pagiging binata ni Bryle, isa sa mga maituturing na pinakamalapit niyang kaibigan sa trabaho. Sa makalawa kasi ay ikakasal na ito. Sa kanilang magbabarkada sa opisina, tatatlo na lamang sila nina Dave at Earl ang single pa.

Siniko siya ni Earl. "Jett! Kakilala mo ba 'yon kanina?" tanong nito sa kanya.

Napakunot naman ang noo niya. "Sino? Si Lea Grace?"

"Lea Grace ba 'yon? Basta 'yong tinanguan mo kanina sa bar counter nang pumasok tayo."

He nodded and replied, "That's her. She's the owner of this bar. "

"Talaga? Ilang taon na siya? Paano kayo nagkakilala?" sunod-sunod na tanong ng kaibigan.

Kumuha siya ng alak at nilagyan ng kaunti ang kanyang baso. "Kapatid siya ng kaibigan ni Ate. I met her a couple of years ago, sa birthday ni Jade. Nang malaman niyang architect ako, pinaki-usapan niya akong gumawa ng design para sa ipapatayo niyang bar. And this is what she got," sabi niya at nilibot ng paningin ang kabuuan ng dalawang palapag na gusali. The design is highly stylish. Pinaghalong kulay lila, puti at abo ang mga dingding, upuan at mesa. Medyo madilim pero klarong-klaro sa baba ang mga taong nagja-jamming malapit sa railings mula sa itaas.

"Teka! Sino na naman si Jade? Ang dami mong kilala! Pahingi naman!" utas ni Earl.

"Sira! Pamangkin ko 'yon!"

"Gano'n ba?" Humalakhak lang ito. Akala niya'y tapos na ito sa pangungusisa ngunit mayamaya pa ay tinanong na naman siya nito tungkol kay Lea. "May boyfriend na ba 'yon?"

Nagkibit siya ng balikat. "She's still mending her broken heart. I guess."

Ngumisi naman si Earl. "Ang dami mong alam tungkol sa kanya ah."

"Of course, we're friends," giit niya saka nilagok ang laman ng baso na nasa kamay niya. Muntik na niyang mailuwa ito nang siniko siya ulit ni Earl.

Sinundan niya ang direksyon kung saan ito nakatitig. Nag-angat siya ng tingin sa bandang kanan at pasimpleng kumaway kay Lea Grace nang ngumiti ito sa kanya. She's wearing a black sequined dress na lalong nagpatingkad sa makinis nitong kutis. And damn again! Her curves were stealing glances.

"Are you guys having fun?" tanong nito nang makalapit na sa table nila. Napansin ni Jett na biglang tumahimik silang walo. No one dared to answer the question straight from this gorgeous lady. She scanned each one of them hanggang sa tumigil ang titig nito sa kanya. "Oh! I'm sorry! Nakaka-istorbo ba ako? I just passed by to check-"

The Amateur SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon