Chapter 6:The box

402 10 0
                                    

Chapter 6:The box

(Play the song at the side)

[N/P:I love you goodbye]

Calvin Zayn's POV

Nandito ako ngayon sa tapat ng puntod niya.Dala-dala ang isang bouquet ng flower at mga white balloons.Dala-dala ko rin ang box na binigay niya sa akin.

Para sa iba wala itong halaga,pero para sa akin ito ang pinakamahalagang bagay sa buong mundo.

Dahil sa loob ng box na ito,naroon ang alaala namin.

Alaala na paulit-ulit kong binabalik-balikan.

Alaala na hinding-hindi ko makakalimutan.

Nilagay ko sa puntod ni Alliyah yung bulaklak,tsaka ako umupo sa harap ng puntod niya.

"Happy 4th death anniversary Alliyah.Alam ko na nasa langit ka.Sana masaya ka dyan.Sana hintayin mo ako.Sana magkita ulit tayo,kahit dyan lang sa langit.Sana magkasama ulit tayo."

Apat na taon na simula nung mawala siya sa akin.Apat na taon na simula nung mamatay siya.At apat na taon ko na ring binabalik-balikan ang mga alaala namin.

Napatingin nalang ako sa langit.

"Love,sa apat na taon na iyon.Lagi kitang naaalala.Lagi akong umiiyak.Umaasa na sana bangungot lang ang nangyari noon.Pero hindi....hindi yun bangungot....dahil nangyari talaga iyon."

Heto na naman tayo.Nangingilid na naman ang mga luha ko.

"Oh how i wish that you were alive.How i wish that you are still here at my side.I miss you Alliyah....I miss you so much."

Binuksan ko ang box.

Naglalaman ito ng mga pictures namin ni Alliyah at mga letters namin sa isa't-isa.

Tumulo na naman ang mga luha ko.

Yung mga pictures namin,nakangiti kami at masaya.....masaya kami sa piling ng isa't-isa.

Pero...ngayon eto ako...malungkot...nasasaktan at nahihirapan.

Nakakasama ko lang siya sa tuwing nandito ako.

Para sa iba nakakatakot ang cementery.....pero para sa mga katulad ko na nawalan ng mahal sa buhay...etong nakakatakot na cementery ay nagiging masayang lugar.....dahil dito lang sa lugar na ito namin nakakasama ang taong nawalay sa amin.

"Alliyah hanggang ngayon ikaw parin ang nasa puso ko.Ikaw parin ang mahal ko.Sana masaya ka dyan sa langit."sabi ko habang nakatingin sa lapida ni Alliyah

"Love,sana tandaan mo na ikaw lang ang mamahalin ko."sabi ko habang umiiyak

"Dati nung mamatay ka sinubukan kong magpakamatay.Naglaslas ako ng pulso.Pero di ako natuluyan.Nakita kasi ako ni Mom at dinala nila ako sa ospital.Sabi pa nga ni Mom kung gusto daw kitang makasama muli,wag daw ako magpapakamatay,dahil napakalaking kasalanan iyon."

Binuksan ko ang sobre na naglalaman ng huling sulat ni Alliyah.

Muli ko itong binasa habang patuloy na dumadaloy ang mga luha sa pisngi ko.

Dear Zayn,
Love,mahal na mahal kita.Kahit iniwan mo ako.Love,naaalala mo pa ba yung una nating pagkikita?Alam mo ba kung bakit ako umiiyak noon?Nung araw kasi na iyon,doon ko nalaman na may sakit ako sa puso.Pwede ko daw iyong ikamatay.Kailangan ko daw ng heart transplant.Pero mahirap lang kami,di namin kaya ang mga gastusin.Kaya pinabayaan nalang namin ang sakit ko.

Ang saya ko ng makilala kita.Lalo na nung niligawan mo ako.Gusto na din kita noon.Sabi ko pa nga sa sarili ko:Ang swerte ko naman,kasi di ako mamamatay na NBSB.Hahahaha :-)

Naaalala mo ba yung pinaka-una natin na date?Nung sumakay tayo sa Space Shuttle?Bawal ako sumakay doon.Pero pinilit ko parin.Gusto ko kasi sulitin yung mga panahon na kasama pa kita.

Alam mo ba......nasaktan ako nung nakipagbreak ka sa akin.Pero naiintindihan ko.Di lahat ng gusto natin,makukuha natin.Siguro eto talaga ang plano ng Diyos.Pero tandaan mo ito Zayn,mahal na mahal kita.

Binalita sa TV na ikakasal daw ang anak ng dalawang Business Tycoon.At ikaw yun at si Elize.Tinawagan kita....tinanong kita kung totoo ba yung balita.Sabi mo totoo.Totoo na ikakasal ka na sa iba.Nasaktan ako.But i need to understand.I need to let you go,because that's the right thing to do.

Alam mo ba?Dati ko pa nararamdaman na sumisikip ang dibdib ko.Nahihorapan akong huminga.Dati sa tuwing nararamdaman ko yon,pinipilit kong ibalik sa dati yung paghinga ko.Lumalaban ako para sayo.Lagi akong nagdadasal at humihingi ng himala.....na sana gumaling ako,na sana hindi pa ako mamatay.Pero ngayon,parang di ko na kaya.Zayn di ko na kaya pang lumaban.Kailangan ko ng magpaalam.Basta Zayn lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.

Mahal na mahal na mahal na mahal kita Calvin Zayn Smith now and forever.Nagiisa ka lang sa puso ko.

I love you.Goodbye.

Love
Alliyah Shane Lee

Yan,yan ang laman ng huling isinulat niya.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa harap ng puntod ng babaeng mahal ko.

Binitiwan ko ang mga lobo na dala ko kanina.

"Alliyah,mahal na mahal kita.Wala ka man dito sa tabi ko...mananatili ka naman sa puso ko."lumuluhang sabi ko habang nakatingin sa mga lobong lumilipad papunta sa kawalan.

I smile bitterly.

"Ngayon na nakatingin ako sa langit....naaalala kita Alliyah.May iku-kwento ako sayo."huminto muna ako saglit bago nagpatuloy muli

"Kwento ng isang bata....isang batang sobrang saya habang hawak niya ang tali ng lobo niya.Pero iniwan niya ang lobo na ito na mag-isa at nakatali lang sa isang bagay.Nasaktan ang lobo at bumitaw...bumitaw mula sa pagkakatali sa isang bagay at lumipad patungo sa langit.Huli na ng mapagtanto ng bata na nagkamali siya.Dahil nung binalikan niya yung lobo....wala na pala siyang babalikan.Dahil ang lobo na ito ay nasa langit na.Wala na ang lobo."napangiti ako habang umiiyak

Tumingin ako sa puntod niya.

"Alliyah ikaw ang lobo sa kwento at ako naman ang bata.Ang bata na nagkamali.I'm sorry Alliyah."umiiyak kong sabi sa kanya

"Alliyah....Love....Hurting you,leaving you and making you cry is the BIGGEST MISTAKE THAT I'VE DONE."

"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*"*
A/N:Sorry sa mga typos,wrong grammars at wrong spellings.

Vote

Comment

and

Follow

~~Delyn~~

Biggest Mistake [COMPLETE] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon