Jahz' POV.

Nag-aalala ako. Sa kundisyon ng adviser namin. Sana naman walang mangyaring masama sa kanya. Hindi naman parang demonyo yung ugali nun para parusahan ng Panginoon. Kaya sana gumaling agad siya. Alam kong may bagong teacher na papalit sa kanya. Sino naman kaya yun?

Class 2 - 3. Sa loob ng classroom namin. May iba't-ibang mga ugali ng mga estudyante. May masayahin, tahimik, maingay, pala-away, napakabait, may kinikilala, at may matatalino. May tatlo akong mga kahilingan ngayon. Una, sana magawa naming matapos tong school year na 'to.

Pangalawa, sana wala nang mangyari pang problema this school year. At ang huli, sana madaling pakisamahan yung papalit na teacher. Sa tingin niyo, magkakatotoo ba yung mga hiniling ko? Sana... magkatotoo.

Bumalik na ako sa upuan ko. Grabe hindi ko talaga kayang abutin yung camera ni Izza. Ang tangkad tangkad niya eh ang duga! Oh m-may naririnig akong mga yapak ng paa sa labas ng room. Dahan-dahan kong pinikit yung mga mata ko para pakinggan yun.

Pagdilat ko dumating na pala yung teacher na papalit muna sa adviser namin. L-lalaki siya at m-mukhang desente naman. Pero b-bat parang k-kinakabahan ako sa kanya? Ay oo nga pala kailangan namin siyang batiin. Kaya agad akong tumayo.

"Attention--", Napatigil ako sa pagsalita nung bigla niya akong pinaupo. Oh? Ayaw niyang batiin namin siya?

"Class 2 - 3. Ako ang magiging homeroom teacher niyo sa ngayon lang naman. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtatagal dito pero... gusto ko maging maayos yung pakikitungo natin sa isa't-isa.", Nakakakaba naman yung boses niya. Sinulat niya yung pangalan niya sa black board. M-Mr. Norman Sison.

"I'm Mr. Norman Sison. Your homeroom teacher for this year.", Nagsimula na siyang maglakad paikot sa aming lahat.

"May isa lang naman akong rule para sa inyo. I need all of you to come inside the counselling room one... by one. Tatawagin ko naman kayo kung gusto ko kayong papuntahin sa counselling room kaya don't worry about that small thing.", Napahinto sa paglalakad si Mr. Norman nung biglang magsalita si Leah.

"We're going to have an exam next week. Pwede bang sa sunod na lang yang sinasabi niyo at turuan niyo muna kami dito?", Ang tapang naman nito.

"The no. 2 in class, Leah. Hindi pwede... eto ang rule ko. Ang gusto ko lang naman makilala ko ang bawat isa sa inyo. Yun lang.", Puwesto na ulit si Mr. Norman sa harap naming lahat.

" Sinong gustong magvolunteer? Volunteer na unang pupunta sa counselling room. Sino? Itaas lang yung isang kamay ". Sino naman kaya ang maglalakas loob?

Nanlaki yung mga mata naming lahat nung biglang magtaas ng kamay si Nin. Pagsabi niya ng "Ako po Sir
", Sabay-sabay kaming tumingin sa kanya. Napansin ko na nagtatawanan sina Lanie kasama yung dalawa niyang kaibigang babae.

Tsk binubully nanaman nila si Nin.

"Miss Nin. Ok pagkatapos ng klase at lunch. Pwede ka nang pumunta sa counselling room.", Nginitian siya ni Mr. Norman.

Nin's POV.

Sa totoo lang, ayaw kong magvolunteer. Pero... pinilit ako nila Lanie. H-hindi ko sila kayang labanan dahil takot ako sa kanila. Kaya yun... ginawa ko na lang yung pinapagawa nila sa akin. Argh! parati na lang akong invisible sa mga mata ng mga kaklase ko.

Walang ibang taong kumakausap sa akin. Parati na lang sina Lanie. Pero... parati lang naman nila akong binubully. Ayaw ko na nang ganito. Nahihirapan na ako. Please tama na.

Lunch.

Pumunta na ako sa canteen. Nakabili na din ako ng pagkain. Ang problema na lang kung saan ako uupo. Ayun! May isang bakanteng table. Doon na lang ako. Nung nagsimula na akong maglakad. May sumagi sa kanang paa ko kaya natumba ako at natapon yung mga pagkaing binili ko.

Izza's POV.

Nakita kong natumba si Nin. Sa harap ko pa. Kaya hindi na ako nagdalawang-isip pang tulungan siya. Agad akong tumayo at tinulungan ko siyang tumayo. Humarap siya sa akin. Pinunasan ko yung mukha niya gamit ang tissue.

"Ok ka lang ba?", N-naiiyak na siya. Hay~ sino bang walang pusong nangbully nanaman kay Nin?!

Tumingin ako sa kanila Lanie. Alam ko namang sila lang yung parating nangbu-bully kay Nin.

"Grabe naman sino kaya yung walang pusong nangbu-bully nanaman kay Nin? Napakawalang kwenta naman niya.", Tumingin sa akin sina Lanie.

"Uy friend, ikaw ba yun?", Nang-aasar pa talaga.

"Hindi ako Lanie ha baka eto.". Ang sasama talaga.

"Hindi ako, baka si Lanie.", Tsk naiinis na ako.

"Mas lalong hindi ako. Sorry Izza hindi namin alam eh.", Argh! pag-uuntugin ko yung mga ulo niyo jan eh.

Pagkatapos humarap na ako kay Nin. Umiiyak na pala siya.

"Nin wag kang mag-alala--", Hindi na ako nakatapos magsalita dahil biglang tumakbo palayo sa akin si Nin.

Kawawa naman siya. Hay~ makakain na nga lang nagugutom na ako eh.

Counselling Room.

Nin's POV.

Sinunod ko yung utos ni Mr. Norman. Pagkatapos ng lunch pumunta na ako sa counselling room. Ano naman kaya yung pag-uusapan naming dalawa dito? Pagpasok ko nakita kong nakaupo si Mr. Norman sa isang upuan.

"Sir?", Agad siyang tumayo at humarap sa akin.

"Welcome Nin. Sige maupo ka muna jan.", Dahan-dahan akong umupo sa upuan na nakaharap kay Mr. Norman.

"A-ano po ang pag-uusapan natin Sir?", Biglang ngumiti si Mr. Norman.

"Nin. Ang estudyanteng parating binubully ng kaklase niyang si Lanie kasama yung dalawa niyang kaibigang babae. They're always telling you... you're invisible.", Eto ba yung pag-uusapan namin? Kung ganun aalis na ako. Agad akong tumayo at nagpaalam na kay Mr. Norman.

"Aalis na po ako.", Bigla siyang nagsalita kaya napahinto ako.

"Why? Ayaw mong pag-usapan yung tungkol sa sarili mo?", Dahan-dahan akong tumingin kay Mr. Norman.

"Ayaw ko pong pag-usapan ang tungkol jan.", Nginitian niya lang ako.

"Don't worry Nin. Pinag-uusapan natin 'to dahil gusto kitang tulungan.", Nanlaki yung mga mata ko nang dahil sa sinabi ni Mr. Norman. T-tutulungan niya ako. Totoo ba 'to?

Dahan-dahan akong umupo ulit at umupo din si Mr. Norman. Magkaharap kami ngayon.

"Binubully ka niya dahil binully mo rin siya dati. Pero ngayon... nagsisisi ka na, diba?", Tumingin ako nang seryoso kay Mr. Norman.

"Hindi ko gustong saktan siya dati
", Nakangiti nanaman siya.

"Don't worry I'm here to help you.", P-paano ako matutulungan ni Mr. Norman?

{Ano ang magagawang tulong ni Mr. Norman para kay Nin? ABANGAN.}

-End of Chapter 1-

Class 2 - 3 | Tagalog StoryWhere stories live. Discover now