Chapter 5

3.9K 53 0
                                    

"The one you love and the one who loves you are never, ever the same person."
― Chuck Palahniuk

-

"Oh iha, kanina pa ba kayo dyan? Bakit di kayo nag-dodoorbell?"

Tinignan kong muli yung babaeng maganda at wala na siya don sa pwesto niya kanina. Tinignan ko din si Grey at tanging likod na lang ng kotse niya ang natatanaw ko. Tumingin na din ako kay Uncle na kanina pa ako kinakausap pero dahil lutang ako kaya di ko masyadong naintindihan ang sinabi niya. Nginitian ko na lamang siya ng tipid.

"May tinignan lang po kami dyan, Uncle." Nagkatinginan na lang kami ni Dianne at hinawakan na lang niya ng mahigpit ang kamay ko at marahang pinisil iyon. Di ko alam pero parang pakiramdam ko umurong bigla ang dila ko dahil sa nakita ko. Ayokong ma-heartbroken kay Grey. Ayoko! Basta, kaya kahit imposibleng mapansin at magustuhan niya din ako gagawin ko pa din ang lahat para lang sakaniya. Gusto ko kasi talaga siya. Gustong gusto.

"Sorry po Uncle." Sa wakas nagkaroon na din ako ng lakas para magsalita. Nakakahiya kay Uncle kung parang magiging tuod ako sa harapan niya.

"Ikaw talagang bata ka. Halika na kayo sa loob. Nandoon ang Auntie niyo at kanina pa kayo inaantay." Sumunod na lang kami sakaniya papasok sa loob. Muntik pa kaming maligaw sa laki ng bahay nila Uncle.

Sasalubong sayo ang malaki nilang lion statue na malapit sa may hagdanan at ang malaking family picture nilang nakasabit sa dingding. 

Nakaupo si Auntie Josie sa may living room ng makapasok kami sa loob at tumayo pa siya ng makita niya kami.

"Aba ang dalaga namin. Elisse buti nandito ka na." Hinalikan niya pa ako sa pisngi bago niyakap ng mahigpit. Malapit talaga kami ni Erin sakanila. Parang mga tunay na anak na din kasi ang turing nila saming dalawa. Lalong lalo na sakin kasi matagal ako bago nasundan kaya spoiled talaga ako sa mag-asawa tapos lalaki pa ang only child nila. "Hi Dianne, buti isinama ka ni Elisse. Oh maupo muna kayong dalawa."

"Naku Auntie, bigla bigla na lang po ako nan hinila papunta dito. Di nga po sakin sinabi na pupunta pala kami dito para nainform man lang ako. Dinalaw ko po kasi yan sakanila kanina. Kasi po- Aray!" Sorry best friend, napaka-daldal mo kasi e. Kahit kailan talaga!

"Bakit anong nangyari sayo Elisse? May sakit ka ba? Ano ba naman yang si Ate bakit ikaw pa ang pinapapunta niya dito." Iling iling na sabi ni Uncle. Hala naman kasi tong si Dianne e, walang preno ang bibig, yan tuloy.

"Wala po akong sakit Uncle, medyo napilayan lang po ang kaliwang paa ko pero okay na po ako. Papasok na nga po ako ulit bukas e." Tumango na lang siya sakin at ngumiti. Buti naman at di na masyadong nagtanong si Uncle at Auntie. Kundi talagang mas pipiliin ko na lang na magisa ako. Kaysa may best friend akong sobrang daldal.

"Rosario padala ng merienda dito." Utos ni Auntie sa katulong nila.

"Auntie, nasan po pala si Joshua?"

"Naku, wala dito ang batang yon. Kasama si Nathan. Alam mo naman yung pinsan mong yon, kung saan saan nagpupupunta. Pero, baka pauwi na din yon." Matanda lang ako ng isang taon kay Joshua pero sa height mas matangkad talaga siya sakin. Gwapo yung pinsan kong yon kaya kahit high school palang ay habulin din ng mga babae parang si Grey. Yung Nathan naman na sinasabi ni Auntie, yung kutong lupa na best friend ni Joshua. At masasabi kong siya ang bad influence sa pinsan ko.

Oo mainit ang ulo ko sa isang yon. Bukod sa feeling na, mayabang pa.

"Ah sabagay nga po. Hehehe. Uncle, pasabi na lang po na dumalaw naman siya sa bahay. Hehe, miss na po siya ni Mama e."

"Oo naman walang problema. Lagi nga nung sinasabi na gustong magpa-lipat don sa school niyo. Di naman payagan ng Auntie mo, masyadong malayo kasi. Mahihirapan si Josh magbyahe. Ayaw namang pagamitin ng kotse ng Auntie mo." Natatawa sabi ni Uncle. Si Auntie naman napasimangot na lang. Hehe. Ang cute talaga nilang dalawa. Parang mag-dyowa lang. Nasa mid-30's lang sila Auntie at Uncle pero young at heart pa din ang dalawa. Si Mama at Daddy naman ay parehas na 40 years old.  "Wait lang iha ha, kunin ko lang sa kwarto yung padala ni Kuya sainyo." Tumango na lang kami sakaniya kasabay ng pagdating ng cake na dala ni Yaya Rosario.

Mr. Heart Breaker's Love I MTMA SideStoryWhere stories live. Discover now