Chapter 1

10K 107 1
                                    

"You know you're in love when you can't fall asleep because reality is finally better than your dreams."
― Dr. Seuss

-

"Elisse, okay na ba ang project mo? Nahihirapan kasi ako e. Pwede bang tulungan mo ako?" Tinignan ko ang katabi ko at kanina pa siya tingin ng tingin sa folder na binigay ng teacher namin last week. Bukas ng umaga ang pasahan non pero gaya nga ng sabi niya, hindi pa daw siya tapos.

I'm Elisse De Castro, 16 years old and a senior high school. Hindi ako member ng goody good shoes dito sa school. Hindi din ako sikat at hindi din ako member ng mean girls. I'm just an average girl. Meaning, nasa middle lang ako ng society.

"Dianne naman e. Pasaway ka talaga kahit kailan. Alam mo namang bukas na ang pasahan nan tapos ngayon ka pa gagawa. Punta ka na nga lang sa bahay mamaya, don na  kita tutulungan. Di din kasi ako pwedeng magtagal dito sa school e, alam mo namang walang magbabantay kay Erin gabi pa ang uwi ni Mama." Tumango lang siya sakin at ngumiti ng kay lapad.

She's Dianne Rodriguez, my best friend. We're best friends since first year high school. Halos mag-kaparehas kami ng ugali kaya kami nag-click na dalawa. Member siya ng school arts club nung high school, kagaya ko kaya mas lalo kaming napalapit sa isa't isa. Sabi pa nga nila para na daw kaming kambal kasi lagi daw kaming magkasama sa lahat ng bagay. Well, ganun naman talaga ang best friend.

"So, halika na balik na tayo sa room. Tapos na din ang break time natin e." Tumango ako sakaniya at sabay kaming lumabas ng canteen. Parehas kaming natigilan ng may marinig kaming kumakanta sa loob ng computer lab. Madadaanan mo kasi ang lab na to kapag pupunta ka sa mga rooms. "Girl, baka multo yan. Gosh! Scary!" Nangangatal siyang kumapit sakin at pilit niya akong hinihila palayo doon. Tinanggal ko ang kamay niya at tinignan siya ng masama.

"Ganitong ka-aga may multo? Nasisiraan ka na ba girl? Tsaka parang familiar yung boses. Halika nga dali tignan natin." Magrereklamo pa sana siya pero wala na siyang nagawa ng hilahin ko siya palapit doon. She has no choice kundi samahan ako. Dahan dahan kaming lumapit don at sumilip sa maliit na iwang sa may pintuan. Sapat na yon para makita namin kung sino man ang nandon sa loob.

"Shit. Diba si Grey yon? Yong crush na crush mo, girl!" Bulong niya. Umoo ako sakaniya at tumingin ulit sa lalaking nakaupo sa tapat ng isang computer at kumakanta. Nakatungo siya at seryoso lang siya habang nakatingin sa baba. Naka-cap siya kaya mahirap makita ng maayos ang muka niya.

He's Grey Yexel Lim. My one and only crush. He's handsome and super hot. Section A din siya kasi matalino talaga siya, samantalang section C naman ako kasi nga average girl lang ako. Haha. Ang layo layo niya talaga sakin. Para bang langit siya at lupa naman ako. Aside from that, he's also very talented. He can cook, he can paint and he can sing tulad lang ngayon. That's the reasons why I'm so into him. He's really different to other boys dito sa school na walang alam kundi magpa-cute lang sa mga babae.

Kaya nga nagtataka ako kung bakit siya binansagang 'Mr. Heart breaker?' Eh, muka naman siyang good boy e. Ang amo amo kaya ng muka niya. Ang sarap kaya niyang titigan. Hihi!

I know you've never loved the crinkles by your eyes when you smile
You've never loved your stomach or your thighs, the dimples in your back at the bottom of your spine
But I'll love them endlessly

I won't let these little things
Slip out of my mouth
But if I do
It's you
Oh it's you
They add up to
I'm in love with you
And all these little things 

Ramdam na ramdam ko ang sincerity niya sa pagkanta. Iba kasi talaga ang dating ng boses niya. Ang lamig ng boses kaya ang sarap sa tenga. Bukod sa gwapo siya, talented talaga si Grey. Total package na talaga siya. At ang swerte swerte ko kapag naging boyfriend ko siya. Gosh! Di ko na ata maantay na mangyari na 'yon. Hahaha.

Mr. Heart Breaker's Love I MTMA SideStoryOù les histoires vivent. Découvrez maintenant